Chapter 28 : Secret

47 1 2
                                    

SOMEONE'S POV
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at magbilis na naglakad. Hindi ko magawang maging komportable sa kwartong iyon dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga.

Tahimik akong dumeretso sa rooftop at payapang dinama ang masarap na simoy ng hangin. Kung may gugustohin man akong puntahan, ito iyon, kung saan malamig at may maaliwalas na hangin.

Napuno ng katahimikan ang aking paligid hanggang sa marinig ko ang mga yapak ng mga paa.

Mabilis akong nagtungo sa kabilang dulo at sumandal sa pader.

“Melisa, ano bang problema mo? Please, kausapin mo ako ng maayos.” pamilyar ang boses na iyon, parang si Marko?

“Ha?! Tinatanong mo kung anong problema e bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Alam mo, pagod na ako! Pagod na akong intindihin ka. Hindi ko na kaya, hindi ko na alam kung paano ako lalaban kung ganoon parang ako na lang naman ang gumagalaw sa atin. Na parang ako na lang ang lumalaban.”

“Melisa... Mahal, intindihin mo pa ako kahit kaunti na lang at ilalaban na kita, kakayanin ko na. Please...” rinig ko ang paghikbi ng babae.

Hindi ko alam kung tama bang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan o dapat na akong umalis bago pa may iba akong marinig.

Aalis na dapat ako nang magsalita si Melisa ulit at makita ko ang isa pang babae na tila natulala sa kaniyang kinatatayuan.

“No, tama na! Itigil na natin ang katangahan na ito. Tingnan mo, anong laban ko? Isa akong mahirap na tao lang habang yong si Akima, mayaman na tao at gustong-gusto ng family mo. Oo! Mukha siyang basahan sa paaralan na ito pero hindi nila alam, anghel ang mukha nun sa labas na tila ba hindi pinapadapuan ng lamok.” kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Zaira Akima, ang nerd sa section C.

Ang itinuturing nilang basura, mahina at walang kalaban-laban na nilalang.

Kita ko ang paghigpit ng kapit nito sa kaniyang bitbit na libro at ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata.

Lumakad ako ng walang tunog at mabilis siyang hinaltak palabas sa rooftop ngunit bago iyon ay nahagip ng paningin ko ang dalawang tao na naghahalikan na akala mo ay hindi nagsisigawan kanina.

what a show, haha.

“Zaira Akima Takashi, only daughter of the business typhoon in Japan. The so-called missing daughter is here in the Philippines huh? What a great surprised. How are you my friend?” ngumisi ako bago iniwan itong tulala sa hallway.

Nandito ka lang pala, pinahirapan mo pa kami.


ALEXIS POV
Kanina pa kami hindi mapakali dahil sa biglaang pagkawala ni Jaycelle sa loob ng clinic. Hindi ko ito inabutan sa loob na dapat ay nandon lang ito at natutulog.

“Fuck! Saan ba kayo galing at hindi niyo man lang namalayan na wala na siya rito?” galit kong binalingan ang mga ito na siyang kasama ni Jaycelle sa loob ng clinic.

Mga nakayuko sila. “Lead, nandito lang iyon. Pinabili pa kami ng pagkain tapos pagbalik namin, wala na kaming inabutan.”

“Baka naman nasa rooftop lang o nasa garden? Tingnan muna natin.” ani ni Blue.

Sinamaan ko muna ng tingin ang mga ito bago lumabas ng Clinic. Deretso akong naglalakad papunta sa rooftop habang ang iba ay sa garden nagpunta.

Wala akong kaimik-imik ganoon din si Blue na siyang kasama ko.

“What the hell!”

“Marko?!” gulat na wika naming dalawa ni Blue habang nakatingin sa dalawang tao na ngayon ay halos mahuban na ang suot na damit.

Umiwas ako ng tingin at tumalikod. Tangina?

“Anong ginagawa niyo rito? Melisa, lumapit ka sa akin.” nang maramdaman na tumayo na ang mga ito ay humarap na kami muli.

Tiningnan ko ng seryoso ang dalawa. Kita ang pamumula ng mata ni Melisa ganoon din ang leeg niyang may mga marka. tss, dito pa talaga.

“Hinahanap namin si Jay, wala ba naman sa clinic at mukhang tumakas na naman.” kita ko ang padaan ng takot sa mata nito ngunit mabilis din naman nawala.

Nailing ako bago umalis. Nasaan ka ba Jaycelle? Pinag-aalala mo na naman ako.

Jonas
hey, nandito kami sa garden. Nandito na rin si Jaycelle, tulog.

Mukhang nakatanggap din ng message si Blue dahil hawak nito ang cellphone niya.

PINAGMASDAN ko ang aking kapatid na ngayon ay payapang natutulog habang nakasandal sa puno. Nakalupagi ito sa damuhan habang may nakapatong na libro sa hita.

Tiningnan ko sila Jonas. “Kanina pa riyan iyan?” tanong ko.

Tumango ito. “Oo raw sabi ng mga nakakita.”

Inutusan ko sila Arvin na bumili ng mga makakain dahil tanghalian na. Dito na lang kami kakain, maaliwalas din naman.

Tumabi ako kay Jaycelle at ipinikit ang mga mata.

“Saan ka galing?” mahinang bulong ko na ikinatawa nito ng mahina.

Hindi ako nito sinagot na ikinailing ko. Wala naman problema kung umalis siya basta sana magpaalam naman at aatakihin ako sa puso sa pag-aalala kahit wala naman akong sakit sa puso.

“KAINAN NA!” sigaw nila nang mailapat ang pagkain. Nagsibiluhan ang mga ito habang nasa gitna ang pagkain.

Umayos ng upo si Jaycelle at tinanggap ang pagkain na iniaabot sa kaniya ni Sean. Ngumiti ito bago sumubo.

Pinagmasdan ko siya saglit bago tumingin sa iba. Hanggang kailan natin mararanasan ang ganitong kapayapaan? Hanggang kailan natin kakayanin na manatili sa isa’t isa?

Bumuntong-hininga ako at hindi maiwasan ang mag-alala. Alam ko naman na kahit anong gawin namin ay darating parin ang panahon na mararanasan namin ang paghihirap na hindi pa nadating.

Simula pa naman noon ay may bantay sa buhay namin kaya nasa kayanin namun ang lahat ng magkakasama.

“INGAT KAYO, huwag na muna magbar at baka mahawaan na ng HIV.” biro ni Jaycelle habang nakatingin kay Blue.

“Bakit sa akin ka nakatingin? Hoy!” inis na sambit ni Blue na ikinatawa nila.

Napailing na lang ako bago pumasok sa kotse ko. Pumasok si Jaycelle sa passenger seat habang ang kotse niya ay si Sean ang magmamameho.

Alam niyo naman na injured ang kaniyang paa kaya mas magandang huwag niya muna itong gamitin.

Tiningnan ko siyang nakasandal sa bintana. Tahimik ito na tila ba malalim ang iniisip.

“May problema ka ba? Tell me.” bumaling ito sa akin na ikinatingin ko saglit sa kaniya bago bumaling sa unahan.

“Iniisip ko lang kung ano pang tinatago sa atin nila Mommy. Alam ko, ramdam kong meron pa. May alam ka ba?” aniya na ikinatikom ng aking bibig.

Hindi ko magawang magsalita na siyang ikinailing nito. “Sabi ko na nga ba. Paano nga ba hindi mo malalaman e palagi mo silang kasama? Habang ako, nandon sa ibang bansa. Hayaan mo na, ako na mismo ang lulutas.” ramdam ko ang lamig ng boses nito na ikinahigpit ng kapit ko sa manubela.

Queen Of Chaos || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon