“TAGAL mo, Jay. Akala namin nilunot ka na ng cubicle.” nginiwian ko si Marko bago bumaling sa likod ko.
“Kaya naman pala...”
Hindi ko na pinansin ang mga ito. Tumingin na lang ako sa unahan kung saan naglalakad si Sir Andres. Seryoso itong tumingin sa lahat.
“Listen all of you, sa activity na ito, ayoko ng magkakaroon ng gulo dahil sisiguradohin kong malaki ang magiging parusa niyo. Naiintindihan niyo?” tumango kami.
Kita ko ang pagtaas ng kilay ng mga babae sa kabila bago palihim na umirap.
“Okay, bawat section dapat my 10 na members. five na babae at five na lalaki.”
“Sir, paano po kami? Iisa lang ang babae sa member namin.”
Napaisip si Sir, kinuha nito ang stick niya bago tumitig sa akin. “Dahil nga nag-iisa ka lang, pwede kang kumuha ng apat member sa section C. Walang problema kung sino, basta ikaw ang bahala.”
Kita ko ang pag-angal nila pero wala silang ginawa noong pinapunta na sa isang tabi ang mga may member na.
Pinagmasdan ko ang Section C. “Sino naman ang kukunin ko rito?” ngiwi ko hanggang sa mapabaling ako kay Marko na may tinitingnan.
Sinundan ko ito ng tingin. Nakatingin siya sa isang babae na may maikling buhok. Hindi gaano katangkaran dahil sa tingin ko ay hanggang tenga ko lang ito.
Bumaling muli ako sa iba bago pinagmasdan yong babaeng nakatayo lang ng deretso. Walang pumapansin dito na hindi ko alam kung bakit.
“Sir, nakapili na po ako.” tumingin ito sa akin. “Yong short girl na maliit, yong seryosong nakatayo sa gilid, yong babaeng pula ang buhok, at iyong nakatingin sa atin na nerd.”
“Miss Sobremonte, Miss Akima, Miss Wilson and Miss Vex.” lumapit sa amin ang apat na babaeng tinawag ni Sir.
“Yes po?” tanong ni Nerdy girl.
“Member kayo ni Miss Villaluna. Pumunta na kayo sa isang tabi at magsisimula na.”
Tiningnan ko saglit si Carla at nakita itong nakatitig sa akin ng masama. Ano na naman problema nun? Inirapan ko siya bago dumeretso.
TAHIMIK lang akong nakatingin sa mga babaeng ito. Napayuko si Miss Akima noong nagtama ang mata namin pero kita ko ang pagkislap nito at ang malamig niyang tingin.
Who are you?
“Anyway, I’m Blecia Wilson but you can call me Blea or cia, suit yourself.” i nodded.
“Blue’s sister?” kita ko ang pagngiti nito at ang pagtango. Right, halata naman. Kaya pala walang lumalapit sa kaniya dahil kuya niya ang kalaban ng section nila.
Bumaling ako sa short ang buhok na tinitingnan kanina ni Marko. Bumaling ako saglit kay Marko at palihim na ngumisi.
“Melisa Vex here.” mahiyain nitong aniya na siyang ikinatawa ko ng mahina.
Hinawakan ko ang kaniyang buhok bago umakbay rito. “You’re cute e?” namula ang pisnge nito.
“Hello, Zaira Akima po.” mahinang sambit ni Akima na mabilis kong ikinatango.
Tumingi ako sa red hair. “Mika Sobremonte, Nico's sister.” nanlaki ang mata ko bago bumaling sa kaklase ko na tahimik lang na ngayon ay nakatingin sa pwesto namin. Wow, nico and blue’s sisters e?
“I think kilala niyo na ako pero i’m Jaycelle Alice Villaluna, jay or elle.” i smiled at them.
Wala naman mawawala kung kikilalanin ko pa sila. Mukha naman silang mababait at walang gagawin na masama, siguro?
BINABASA MO ANG
Queen Of Chaos || COMPLETED
SonstigesVillaluna's Twins Series 1 : Jaycelle Alice V. Villaluna Jaycelle Alice Villaluna, mula sa isang mayaman na pamilya mula sa Pilipinas. Simula ng makaisip, wala siyang ibang ginawa kundi magpalakas at hanapin ang taong may gawa, kaya namatay ang kani...