Nandito ako ngayon sa harap ng pinto ng hotel na aking binayaran upang magpalipas ng gabi. Hindi ko alam kung tama ba ang napasok ko ngunit bumukas ito kaya dumeretso na ako.
Dahil sa kalasingan, hindi ko napigilan ang mapauntog sa pader. Napahawak ako rito ngunit nanliit ang mata ko.
“Shit, kailan pa ng malambot ang pader?” pinisil ko ito at biglang nanigas nang makarinig ng daing.
Inulit ko ito at ganoon pa rin ang nangyari. Iminulat ko ang aking mata ngunit mabilis din napapikit dahil sa lula.
Muntik na akong matumba buti na lang napahawak ako sa pader na natumba rin naman.
Napadagan ako rito at lumapat ang aking labi sa isang malambot na bagay. Iginalaw ko ang aking labi at hindi na napigilan ang pakiramdam na namumuo sa akin.
“Fuck. Ahh, Mister!” daing ng babaeng kahalikan ko.
Hawak hawak ko ang kaniyang dibdib, hiniwas ito at mas lalong idiniin ang sarili sa kaniya. Hindi ko alam ngunit gustong-gusto ng katawan ko ang bagay na ito.
NAGISING ako na masakit ang ulo. Nanlaki ang mata ng makita ang buong kwarto, magulo ito na tila ba may labanan na naganap at doon ko na nga naalala ang nangyari.
Damn. Sino ang babaeng iyon? Aalis na dapat ako sa isang linggo ngunit dahil sa nangyari ay ninais kong manatili muna at hanapin ang babaeng iyon.
Hinanap ko sa CCTV kung sino siya ngunit hindi kita ang mukha nito na natatakpan ng kaniyang mahabang buhok.
Pamilyar siya ng kaunti pero hindi ko maalala kung sino.
Yong dapat na dalawang linggo lang ay aalis na ako para sundan sila Alice ay mas natagalan pa at umabot ng dalawang taon.
Nanatili ako sa Pilipinas dahil sa gulo na unti-unting naglalaho ang aming kumpaniya dahil sa nalaman namin na may anak pala si Papa sa ibang babae.
Sa sobrang galit ng pamilya ni Mama to the point nais nilang pabagsakin ang kumpaniya ni Papa. Nanatili ako para pakiusapan sila Lolo at tumulong na rin na ayusin ang gulo.
Tinanggap ni Mama ang anak ni Papa ngunit makalipas ang isang taon, nawala bigla ito at hindi nagpakita sa amin. Umalis ang kapatid ko sa hindi malaman na dahilan.
Ang daming nangyari pero finally, makakasunod na rin ako kay Alice. Makakasama ko na muli siya.
Nandito ako ngayon sa airport sa New York at ngayon ay hinihintay ko si Jonas para sunduin ako. Siya pa lang ang may alam na nandito na ako.
“Dude, welcome here!” masayang bungad ni Jonas.
“Thank you.” sumakay kami sa kotse niya at huminto sa isang malaking bahay.
Kasing laki siguro ito ng bahay namin sa Pilipinas, yong tinitirhan namin mismo ngayon. Maganda ang buong paligid at mas sasabihin kong ito talaga ang gusto niyang lugar.
Nasa pinto pa lang kami ngunit rinig ko na ang boses ng dalawang maingay sa loob.
“Hoy, Sean! Bwesit ka, akin na iyang cokies ko!”
“Blee, akin na ito.”
Napailing ako sa aking inabutan. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin sila nagbabago, pasaway pa rin hanggang ngayon.
Tumikhim si Jonas na ikinatingin nila sa amin. Nanlaki ang dalawang mata nila bago mabilis na tumakbo si Alice.
Nataranta ako at maingat siyang sinalo. “Fuck! Don't do that again, aatakihin ako sa puso.”
Ngumuso ito. “Duh, wala kang sakit sa puso. And bakit now ka lang? Ang tagal mong sumunod, nakakatampo ka.” naglalambing itong sumubsob sa leeg ko habang nakakarga pa rin.
BINABASA MO ANG
Queen Of Chaos || COMPLETED
RandomVillaluna's Twins Series 1 : Jaycelle Alice V. Villaluna Jaycelle Alice Villaluna, mula sa isang mayaman na pamilya mula sa Pilipinas. Simula ng makaisip, wala siyang ibang ginawa kundi magpalakas at hanapin ang taong may gawa, kaya namatay ang kani...