Chapter 31 : War

44 1 0
                                    

Him sent a message
I found him, i found them.

I smiled and start my-our plan. We already know that they going to take my parents but i didn't expect that they will take my child and hurt Mariel.

"Queen Clea, nakahanda na silang lahat pati na rin ang grupo nila Alexis." tumingin ako sa mga ito at marahan na tumango.

Kumuha ako ng mga armas at inilagay sa aking katawan. "Dalian niyo, kailangan natin makarating sa tamang oras."

Tumingin ako da mga taong sasama sa akin na puntahan sila Mom. Marami kami, Trio De Chaos na nakaassign para iligtas ang anak ko habang sila Kuya Alexis naman ang bahala sa kila Mommy.

Alam na nila ang gagawin nila at kung paano iaalis sila Mom sa lugar na iyon.

"MAGSIPUNTA na kayo sa pwesto niyo at hintayin ang signal ko." nagsialisan ang mga ito.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Isa itong malaking mansion, hindi luma katulad ng mga nasa palabas dahil maganda ito ngunit madilim.

Inutusan ko ang isang tao na spy ko sa grupong ito na maglagay ng bomba sa unahang bahagi para ito ang magsilbing signal ko hindi lang sa kakampi pati na rin sa kalaban para malaman nilang nandito na kami.

Hindi ako takot dahil mas nananaig sa akin na matapos na ito para mabuo na ang pamilyang nais ng anak ko. Ang makasama ang kaniyang ama at magkaroon ng payapang buhay.

Nang pinindot ko ang remote ng bomba ay siyang simula ng laban na pinakahinihintay nila.

SOMEONE'S POV
Tingnan mo nga naman, ganito lang pala kadaming makukuha ng mag-asawang iyon tapos pinahirapan pa nila ako.

Nandito sila ngayon sa lugar namin habang nakakulong sa isang madilim na lugar.

"Mahal na Reyna, kompleto na po ang lahat sa meeting room. Kayo na lang po ang hinihintay." tumango ako rito bago nakangiting tumingin sa salamin.

Ha, mapapatay ko na rin kayo katulad kung paano pinatay ni Jasmine ang kapatid ko. Kung paano niya ito sinaksak sa dibdib ay siyang gagawin ko rin sa kaniya.

Buhay ang kinuha nila, buhay rin ang kukunin kong kabayaran.

"MAHAL ko, ano ng plano natin?" tumingin ako sa asawa ko na ngayon ay seryosong nakangisi.

Bumaling ako sa ibang tao sa loob ng kwarto. "Katulad ng nasa plano natin noon, patayin ang bata kasabay ng kaniyang ina. Ipaparanas natin sa mag-asawang iyon ang naramadaman ko noong pinatay ng babaeng iyon ang kakambal ko." galit kong sambit.

"Ina, paano naman ang gagawin natin sa pasaway na anak ni Papa? Ang lalaking iyon, masyadong magmagaling at talagang itinakas pa ang kapatid niya." inis na sabi ng aking anak.

Tumikhim ang asawa ko. "Hayaan mo na siya. Wala na naman laban sa atin ang bastardong iyon. Wala siyang mapapala sa pagtataksil niya sa atin. Mamamatay lang din siya katulad ng ina niya." humalakhak ako sa narinig.

Isa pa ang Marko na iyon. Malakas ang loob dahil nagawang itakas ang kapatid niya at nagawa nitong sumuway sa amin.

Ha! Akala ba niya kailangan namin ang katulad niyang mahina? Hindi at mas lalong hindi ko mamahalin ang anak sa labas ng asawa ko.

At kahit pa anak ko ang batang itinakas niya, wala rin kwenta at may sakit ito. Mahina, walang puwang sa mundo namin ang katulad nila.

"Master 3, nakahanda na ba ang patibong?" tumango ito kaya mabilis akong bumaling sa unang Master. "Master 1, ang mga bihag?" ngumisi ito sa akin.

"Katulad ng inaasahan, tulog at nakatali sa gitnang bahagi ng kwartong iyon ang mag-asawa habang nasa ikaapat na palapag ang bata sa dulong kwarto." ngumiti ako at pumalakpak.

"Kung ganon, tayo na at-" naputol ang aking sasabihin ng may sumabog sa labas at magkaroon ng sunod sunod na putok ng baril.

Nandito na agad sila? Paano...

THIRD PERSON POINT OF VIEW
Mabilis na kumilos ang grupo nila Jaycelle. Pumasok ito sa pintong katatapos lang mawala ang usok dahil sa pagsabog na naganap.

Maraming bangkay agad ang nasa labas gawa ng isang dalawa na nasa taas ng puno, binabaril nito ang lahat ng kaniyang nakikitang kalaban. Heart

Sa kabilang banda, galit na naglalakad ang mag-asawa papunta sa pintong pinagdalhan nila sa mag-asawang Villaluna.

Pabalya niya itong binuksan na ikinatingin sa kanila ng mag-asawa. Seryoso lang na nakatingin sa kaniya si Jasmine na tila ba inaasahan na nito na siya ang kalaban nila.

"Look like you, you already knew that it's me, your best friend huh?" nakangising saad ni Jane, ang reyna ng Flu Mafia, ang kalabang grupo ng pamilya Valdez.

"Kung hindi dahil sa anak ko, hindi ko malalaman. Akala ko wala ka na dahil wala akong mahanap na kahit na anong impormasyon tungkol sa iyo. Saan ka nagpunta?" tinitigan ni Jasmine ang dating kaibigan.

Bakas sa mukha ni Jane ang pagkagalit at pagkadisgusto sa mukha nito. "Oh, hinanap mo ako? For what?! Ni hindi mo nga ako naalala matapos mong bumalik sa pilipinas tapos sasabihin mong hinahanap, sinong niloko mo?" galit nitong sigaw na ikinabigla ni Jasmine.

Hindi niya alam, hindi niya naman sinasadyang makalimutan ang dating kaibigan.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." mahinang saad ni Jasmine na sininghalan lang ng isa.

Lumapit si Jane kay Jasmine na ikinabahala ni Alexious sa isang tabi. "No, magbabayad ka! Sa pag-iwan at pagpatay mo sa kakambal ko. Magbabayad ka, magbabayad kayo!" malakas nitong sinampal si Jasmine na siyang ikinasigaw ni Alexious.

"Wife! Fuck, stop or else..."

Binalingan siya ni Jane. "Or else what? Kill me? Oh, come on. Kill me if you can." nang-aasar na saad nito na mabilis na ikinatayo ni Jasmine.

Wala na ito sa pagkakatali na ikinagulat ng mag-asawa. Tumayo rin si Alexious na kanina pa rin walang tali at hinihintay na lang ang signal ng kaniyang asawa.

"Stupida! Humingi ako ng tawad dahil sa nakalimutan kita pero hindi ako hihingi ng tawad sa ginawa ko kay Robert dahil kasalanan niya iyon. Kasalanan niya kung bakit mabilis siyang napapunta sa imperyo!" ngumisi ai Jasmine bago inilagay ang galit na atake ng dating kaibigan.

Sunod sunod ng pag-atake nito na hindi naman tumatama kaya mas lalo itong namula sa galit.

"Huwag kang umalis, duwag!" nginisian lang ito ni Jasmine bago mabilis na umatake. Sinipa niya ang tagiliran ni Jane na hindi naman nito nailagan.

Sumugod rin si Alexious sa asawa ni Jane na ngayon ay pinapapaputukan siya ng Baril. Mabilis na sinipa ni Alexious ang katana sa sahig at sinambot para gawing panangga sa bala.

Habang ginagawa niya iyon ay hindi niya napansin ang asawang muntik ng tamaan ng bala.

"Omg! Alexious, mag-ingat ka naman." inis na wika ni Jasmine habang nailag pa rin.

"Sorry, Wife. I love youu!"

"Tch! I love you more."

AYON ang naabutan ni Alexis sa kwartong pinaglalagyan sa kaniyang magulang.

Ang dalawang mag-asawa na nakikipaglaban habang naglalambingan na akala mo ay hindi buhay nila ang nakataya.

Napangiwi si Alexis bago sinugod ang mga nagbabalak na pumasok sa kwartong iyon. Hindi na niya hahayaan na may bagong pumasok na naman at kalabanin ng kaniyang mga magulang. Oo nga't malalakas pa ang mga ito ngunit natanda na rin sila, baka bumigay na.

'Kung naririnig lang ako ni Mom, siguradong kukuritin ako nun ng sobrang higpit' wika ni Alexis sa isipan bago binaril ang lalaking babarilin sana si Blue.

"Thank you!" tumango siya bago tinulungan ang iba pang kaibigan. Nang wala ng makita ay bumalik siya sa kwarto kanina at hindi inaasahan ang inabutan.

"Mom..."

Queen Of Chaos || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon