CHAPTER 3

114 16 2
                                    

Nang makarating kami sa abandoned mansion of Mercedes family ay hindi pa man kami nakakapasok sa gate nito ay pakiramdam ko guguho na ito dahil sa sobrang luma.

"Horror house ba this?" Nakangangang sabi ni jane.

"Hindi niyo naman ako ininform na dito pala tayo mamatay?" Sabi naman ni sheena.

"Pa'no tayo makakapasok? Mukhang madaming pasikot sikot bago makapasok sa loob, eh." Sabi naman ni xaiden.

"Aha! Sumunod kayo sa akin...." Sabi ni gresmon.

"Where tayo pupunta?" Sheena asked him.

"May alam akong mabilis na daanan para ligtas tayo na makapasok sa mansion." Sabi niya at nagsimula ng maglakad, lahat naman kami ay sumunod sa kanya. Wala namang masama sa sumunod. Umikot kami, pumunta kami sa likod ng mansion, halos hindi ko na makita ang mansion dahil sa sobrang dami ng puno. Naunang maglakad si gresmon pero halata sa itsura niya na naiirita siya, madami kasing lamok, nangangagat.

Iwinakli niya ang isang malaking dahon at boOm bumungad sa amin ang isang sirang pader.

"Sino sumira?" Takang tanong ni jane. Walang sumagot sa kanya, tuloy tuloy lang kaming naglakad hanggang sa nakapasok na kami sa loob.

"Dapat nililinisan muna nila ang mansion kahit wala ng nakatira kasi for me, possible na buhay pa si leonor, walang bangkay na nakita, eh. Pero kung kinuha siya ng aswang? Ah, wala ng pag-asa." Sabi ni sheena.

"Ang baho yuck!" Pagrereklamo ni gresmon.

"Guys, don't be so noisy, may mga guard sa labas." Supreme said. Napatahimik sila habang naglalakad.

"Teka nga, bakit nga pala tayo andito?" Panira ng katahimikan ni xaiden. Lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Lutang ba you?" I asked him.

"Nalutang ba ako?"

"gusto mo sampalin kita ng 1million beses?"

"Eh—" */sinampal

"Isa."

"Jok—" */sinampal

"Dalawa."

"Tama na, tama na." Nagpoker face ako sa kanya.

"Ito talaga ang seryoso, hindi mabiro."

"Edi, alam mo na ngayon?"

"Ano? Magda-daldal nalang ba kayo d'yan forever?" Singit ni gresmon at nauna ng maglakad. "Maghiwalay hiwalay nalang tayo, I'II go with supreme." Dagdag niya at humawak sa braso nito.

"No. I'II go with zia." Inalis ni supreme ang pagkakahawak ni gresmon sa kanya. Inakbayan niya ako.

"Excuse me, ah? I'II go with xaiden." Hinila ko na si xaiden palayo sa kanila.

"Naks, haba ng hair?" Sayang nakapony tail ako hindi makapag flip ng hair tapos directso sa bibig niya.

"So, sa'n tayo?"

"Malay ko, bakit ba kasi ako iyong hinila mo? Eh, parehas tayong walang alam dito?"

"Bahala na si lord."

"Ano nga ulit gagawin natin—" */sinampal

Kakalakad namin ay napadpad kami sa isang kwarto, kung sa'n ay nakakita ako ng isang family picture. Kinuha ko ito at tinitigan ng mabuti.

"Swerte ni leonor sa pamilya niya dahil nag-iisa lang siyang anak. Tapos bukod do'n ay ang swerte niya sa parents niya."

"Pa'no nga pala gagawin natin si presentation? Parang ipapaliwanag natin kung anong mga alam natin?"

"I don't know rin, kasi sa lahat ng ipe-present natin ito pa talaga, pero bet kasi gusto kung balikan ang nangyari after 12 years ago."

"Mahilig ka sa history?"

"Di gaano, pero kasi gusto ko talaga alamin kung anong nangyari sa family Mercedes, kasi nga bakit ganun nalang, basta basta nalang nila kinalimutan ang nangyari 12 years ago, ang laki ng tinulong ng pamilya na iyon sa pilipinas."

Mukhang madami pa dapat akong malaman about sa nangyari sa kanila, ano ba kasing trahedya iyon?

Palihim kung kinuha ang picture ng isang bata at inilagay sa bulsa ko.

"Pumunta tayo kung sa'n sila pinatay." Tuwang tuwa na sabi ni xaiden. Tumango-tango naman ako at sumunod sa kanya.

Pagkarating namin ay naabutan namin si supreme na nakaupo.

"Sino kasama mo?" xaiden asked him.

"Nothing." Hinimas himas niya ang sahig. Ang gwapo niya naman sa buhok niya.

"What if mag general cleaning tayo dito?" Xaidon said kaya napatingin kami sa kanya ni supreme.

"Pero pa'no? Bawal nga pumasok dito tapos magge-general cleaning pa tayo?" Biglang sulpot ni jane.

"I will my ask my dad about that." Supreme said at tumayo. "Ano ang nakuha niyong impormasyon?" Dagdag niya pa.

"I think planado na lahat ng nangyari." Sheena said.

"For me, baka may ginawa silang kasalanan base do'n sa balita 12 years ago." Gresmon said.

"Ano ba sabi?"

"Panoorin mo." Pataray na sagot niya.

"Gresmon....." Marahan na tawag ni supreme sa pangalan niya.

"Hoy! Sino kayo?!" Lahat kami ay napatingin sa guard na galit na nakatingin sa amin.

"Kalma, kami lang ‘to, huwag kang tatahol." Gresmon said.

"Pa'no kayo napasok dito?!"

"Malamang pumasok kami, alangan namang nagteleport lang kami dito? Aber?" Sheena said.

Napatingin sa akin ang guard. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Naghahanap ng papatayin, bakit want mo ba?" Pataray na sagot ko. Mukhang adik naman yata ito. Bigla nalang ako napahawak sa ulo ko dahil parang may nag pop up sa utak ko.

"Hey zia, are you okay?" Supreme asked.

"May okay bang masakit ang ulo?" Pataray kong sagot.

"Namimilosopo ka pang bata ka." Xaiden said.

Bigla nalang nandilim ang paningin ko at na out balance ako,

And,

Everything went black.

Luna in the basementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon