CHAPTER 13

74 13 0
                                    

SHEENA P. O. V

lumabas ako ng room para sundan si avi—bago pa man ako tuluyang makalabas ay hinawakan ni zia ang kamay ko.

"Sa'n ka pupunta?"

"To the moon." sagot ko at umalis na. Ano bang nangyayari kay zia? may nakalimutan ba siya? nagkaroon ba siya ng amnesia? hindi niya ba naalala na kami ni avionna ang childhood bestfriend niya? tapos paano na ang plano? nakalimutan niya na rin ba?

Nakarating ako sa Library kakasunod kay avi pero napansin ko nalang na wala na siya sa harap ko—nagulat nalang ako ng may bigla nalang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Shh....." napatingin ako sa kanya, it's avi.

"What's happening?"

"May new transfer. We're not safe here. Kailangan nating ilayo si zia sa university na ito. I think—"

"No. Hindi puwede, lalo tayong mapapahamak lalo na siya."

"Pero anong gagawin natin?" Dahan dahan akong tumayo at hinila siya palayo sa may library, pumunta kami sa gilid ng Spring building para mag-usap.

"Hindi na tayo kilala ni zia, avi. Hindi na siya ang zia na nakilala natin, paano kung bigla nalang—"

"Sheena. Kumalma ka. Kailangan nating paikotin ang storya para hindi nila malaman na si—"

"Pero avi.... pati ako naguguluhan na. Nasa paligid na natin ang mga kaaway. Bukod sa mga kalaban, may mga inggitera at chismosa pa sa paligid natin, wala tayong magagawa, wala akong tiwala sa kanila—tanging kayo lang ang pinagkakatiwalaan ko—"

"Sumunod lang tayo sa plano ni zia, matatapos rin ang lahat, sheena. Maghintay at mag-obserba lang tayo." Putol niya sa sasabihin ko. Magsasalita pa sana ako kaso alam ko naman na hindi niya ako papakinggan.

"Nasundan tayo."

"Nino?!"

Napakamot ulo ako, "arghh!! One of brilliant."

"H-huh? Pa'no?"

"Sa mall."

"Shit! anong gagawin natin ngayon?" Natatarantang sabi niya.

"Oh, kalma lang, easy. Ikaw naman ngayon?"

"Kasi naman! Gosh, anong gagawin natin?"

"Sabi mo mag-antay? Edi, mag-antay tayo. Hindi naman tayo takot sa kamatayan—basta ang importante ngayon ay si zia, kailangan nating ingatan at protektahan si zia dahil siya ang target nila." Bakit ang brilliant pa? Kaasar.

"Noted. Pero how about hailey? Sagabal siya sa plano."

"Don't mind her, bahala na si zia sa susunod na hakbang niya, basta gawin natin kung anong sinabi niya sa atin."

"Oh yeah.... let's go na nga." Nagcrossed arms ako at sumunod sa kanya.

Ano ba kasi ang nangyayari sa iyo zia? paano ang plano natin? Mukhang hindi napansin ni avi ang nangyayari kay zia dahil focus siya sa goal niya. Sana hindi masira ng love ang plano.

Dahil sa love nangyayari ang lahat.

*****

ZIA P. O. V

Luna in the basementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon