I was busy thinking kung paano mawala ang pagiging shy ko habang nakaupo sa may buhangin ng bigla nalang may tumabi sa akin, it's xaiden.
"Hmm..... selos?"
"what are you talking about?"
"May pa English English ka pang nalalaman, pero zia magsabi ka nga ng totoo, do you have any feelings-"
"Wala." Putol ko sa sasabihin niya.
"Heyy!!!" Biglang sulpot ni avi. "Zia, can I talk you?" Ngumiti ako at tumango tango. Tumayo ako at sumunod kay avi palayo kay xaiden. Sa totoo lang, I'm scared. Baka kasi kung ano ano na naman itatanong nila sa akin tapos I don't know on how to answer.
"Zia, musta si mama okay lang ba siya? Kamusta ang sakit niya? Huwag kayong mag-alala matatapos rin ang lahat, basta magtulong tulungan lang tayo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"S-sinong mama?"
"Our mom."
"H-huh? hindi ko gets. A-ano?"
"Zia we're-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng biglang nanlaki ang mga mata niya. "ZIAAA!!!" malakas na sigaw niya. Nakarinig ako ng pagputok at naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin.
"Oh no.... Oh no... No! No! Sheena!" sigaw ni avi. Napatingin ako kay sheena na nakangiti habang nakayakap sa akin, sinalo niya ang bala na dapat ako ang tatamaan. Mabilis na lumapit si supreme sa kanya at binuhat siya. Nakaramdam ako ng selos pero binalewala ko nalang dahil mas importante si sheena sa ngayon.
"Avi? Avi?" Gulat ako na tumingin ng hindi ko na makita si avi, napatingin ako sa paligid ko, wala akong ibang makita kundi ako, ako habang napapalibutan ng mga hindi ko kilalang tao. Bumilis ang tibok ng puso ko na halos hindi na ako makahinga.
What's happening?
"What's going on?......"
Napatingin ako sa isang familiar na lalaki, ang lalaking nakita ko sa mall. Palapit siya ng palapit sa akin habang naka evil smiled. Gusto kung tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Hindi ako makagalaw. Para lang akong istatwa na nakatayo.
Help!!!
What's happening on me? bakit nangyayari sa akin ito?
"Zia! Hoy! Gising!" Napabangon ako sa sobrang kaba habang nakahawak sa dibdib ko-sanaol may dibdib.
"Ano nangyari sa'yo? Para kang baliw na nagsasalita mag-isa d'yan." sabi ni jane.
"Sa'n si sheena?"
"Nasa emergency room-"
"So totoo ang nangyari? Hindi panaginip?"
"Ha? Pinagsasabi mo d'yan? Hindi mo ba naalala ang nangyari? Nahimatay ka girl no'ng nakakita ka ng dugo."
"Dugo?"
"Yeah. Dugo ni sheena-hindi mo ba talaga naalala ang nangyari? Grabe ka naman girl, niligtas ka lang ni sheena naging lutang kana?"
"Guys! Gising na si sheena!" Sigaw ni avi kaya kumaripas ako ng takbo papunta sa er.
"Hoy!! Zia!!! Sa'n kana naman pupunta?!" Rinig kung tanong ni avi sa akin.
"Sa er malamang!"
"Buang, nilipat na si sheena, late kana sa news." Natampal ko nalang ang sarili kung noo. Sabi kasi ni jane nasa er daw ta's biglang nilipat na? Flash ba ang peg nila? Ginugulo nila ang utak ko ah.....
Nang makarating kami sa room ni sheena ay naabutan namin siyang nakangiti habang hawak ang cellphone.
"Ano iyan ha? Bakit nakangiti?"
"Wala. May naalala lang ako-"
"Sino iyon? ano 'yang tinatago mo ha?" Putol ni avi sa sasabihin ni sheena.
"Si lolo at lola ko, namiss ko sila bigla. I'm just hoping na okay lang sila."
"Akala ko si ex ang iniisip mo-"
"Eww yuck! Nakamove na ako sis, tsaka hindi ako nanghihinayang dahil hindi naman talaga naging kami, dare lang iyon. Dare ng punyems na xaiden-"
"Luh? So ba't ka umiyak?"
"Trip ko lang ba't ba? Tsaka cousin ko 'yon, si ace. Gwapo sana kaso babae talaga bet ko."
"Nasa pinsan talaga ang true love ano?"
"Tss. Nasa kaibigan." Aniya at ngumisi.
"No Boyfriend since birth pa iyang si sheena di ba? May nirereto nga ako sa kanyang arabo ayaw niya, ang arte." Natatawang sambit ni avi.
"Sus, nireto ko nga sa'yo cousin ko ayaw mo naman, gwapo pa iyon-pero mas gwapo ako-"
"Guys kalma, mas gwapo ako." Singit ko na ikinatahimik nilang dalawa.
"Ba't biglang lumakas iyong aircon? Avi, pakipatay nga, baka masira eh, sa sobrang kahanginan ni zia."
"Oo nga eh, baka imbes na walang bagyong dumating, magkakaroon dahil sa lakas ng hangin." Singit naman ni avi. Tumawa nalang kaming tatlo.
"By the way nasaan na si xaiden at jane?" Pag-iiba ko sa topic.
"Don't know. Kanina andito lang sila." sagot naman ni avi. Napabuntong hininga nalang ako. Anong gagawin ko ngayon? Medyo naging awkward ako. Ba't parang may something?
"Oh my god!!!" Malakas na sigaw ni avi. "Milyon na pala iyong followers ko!!!" Dagdag niya pa.
"So ano ngayon?" Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ko. Lahat rin sila ay gulat na tumingin sa akin, hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi. Lumapit sa akin si avi at gamit ang kanyang kamay ay inilagay niya sa aking noo.
"Wala ka namang lagnat, ano nahimatay ka lang nagkaganyan kana or maybe kulang ka lang sa pagmamahal?" Aniya na ikinangiwi ko.
"Latara latara latararararara!!!!" lahat kami ay napatingin sa may pintuan dahil bigla nalang sumulpot si xaiden habang may guitara. "Ako'y sa'yo..... ikaw ay akin..... Tot tot... ganda mo sa paningin....." kanta niya with pa pikit pikit pa habang nag-gi-guitara.
"Baka umulan!" Sigaw ni sheena pero patuloy pa rin sa pagkakanta si xaiden. Feel na feel.
BINABASA MO ANG
Luna in the basement
Teen FictionLeonor, is a long lost child, sa edad na 4 years old ay magaling na siya makipaglaban, at higit sa lahat matalino siyang bata. Her parents is a police and spy, hinuhuli nila ang mga sindikato. hanggang sa isang araw nabalitaan nalang na patay na ang...