Matapos naming gumala sa kung saan saan ay dumiretso na ako pauwi kasi panigurado hinahanap na ako ni mama. Naabutan ko siyang may binabasa na kung ano sa notebook.
"Hi ma!" Bati ko at tumabi sa kanya. "What's that?"
"Sa'yo ito."
"H-ha? Wala akong notebook na ganyan."
"Sa iyo nga ito. Oh, ito basahin mo, bata ka pa nito no'ng sinulat mo ito." Kinuha ko sa kanya ang notebook.
"Later nalang siguro, maghuhugas muna ako ng pinggan —"
"Naku, anak. Ako na bahala sa mga hugasin, magpahinga ka muna...."
"Naku ma, ako na... ikaw ang magpahinga dahil panigurado akong pagod na pagod ka na..." Ngumiti siya sa akin at hinimas himas ako sa likod. Pumunta muna ako ng kwarto ko at inilapag ang lahat ng dala ko kasama ang notebook.
*****
Maaga palang ay madami na agad nagc-chismisan sa harap ko.
"Hoy guys! may nabasa akong isang novel, 'luna in the basement' iyong title on going palang siya pero maganda na. New story palang ng author sikat na agad," bungad ni jane.
"Tss. Pake hanap ng pake namin," singit naman ni sheena.
"Ganto kasi, iyong Luna in the basement ay hawig sa nangyari 12 years ago ang interesting niya." Pagpapaliwanag ni jane.
"Katamad magbasa, manood nalang kayo ng news." Singit ni xaiden.
"Palibhasa tamad ka kasi." Jane said and back off.
"Jane come back, open forum us!" Sigaw ni sheena. Bumalik naman si jane. "Uhm... Guys... I have secret to tell—"
"Anong topic?" Biglang sulpot ni gresmon.
"Ay huwag nalang pala." Tinarayan ni sheena si gresmon ng patago.
"Bar tayo mamaya or dinner nalang sa restaurant?" Yaya ni sheena.
"Bar."
"Restaurant nalang."
Nagkatinginan si jane at xaiden.
"Okay, okay, let's vote nalang, sinong want sa bar?" Nagtaas ng kamay si supreme and xaiden. "Sorry girls, bar din want ko." Sabi ni sheena. "So, panalo kami, kaya g? Bar later?"
Umupo na kami ng maayos dahil dumating na si mr. Sayson.
"Good morning class, we have new transferee." Pumasok ang isang babae na nakayuko. Kulay puti ang kanyang buhok at blue ang mga kanyang mga mata. She's so pretty. "Introduce yourself." Sabi ni mr. Sayson. Tumingin sa amin ang babae.
"Hi? I'm Avionna marisse lanter, I'am singer, dancer and new novel writer, nice to meet you all." Ngumiti siya sa amin.
"Okay, thank you ms. Lanter. Class, hurry up, tumayo kayong lahat, magpapalit tayo ng puwesto."
"Ay!....." Sigawan ng mga kaklase ko. Tumayo kaming lahat dala dala ang bag namin.
"Jane and Xaiden, Supreme and sheena, zia and avionna. Gresmon tabi ka nalang kina supreme and sheena." Napangiwi si gresmon. "Okay, lahat ng tinawag ko ay nakagroup, so take your seat with your groupmates." Ngumiti sa akin si avi kaya ngumiti rin ako sa kanya. Lumabas si mr. Sayson kaya ang mga kaklase ko may kanya kanya na namang mga kalokohan sa buhay. Napatingin ako kay avi na nagsusulat sa cellphone.
"What's that?"
"Ah.... Here? May novel."
"Ow..... Nice.... anong title?"
"12 years ago." Dami ko pa sanang gustong itanong sa kanya kaso baka maistorbo ko siya kaya huwag nalang pala.
"By the way, nice to meet you again." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Wait! Wait! Wait! Saang platform ka nagsusulat?" Singit ni jane. Lumipat muna ako ng puwesto sa likod kapalit ni jane.
"Kahit saan. Lahat yata ng platform sinulatan ko na." Sagot naman ni avi.
"Wow!"
Hinayaan ko munang mag-usap ang dalawa.
Sa harap namin ni avi ay si supreme, sheena and gresmon, bago kami ni avi, then, jane and xaiden na.
"Oh my god!!" Biglang sigaw ni jane, kaya lahat kami ay napatingin sa kanya, napatakip siya ng bibig at ngumiti ngiti.
"Ayan na naman siya.... ano ba kasi pinagc-chismisan nila?" Xaiden whispered.
"Hayaan mo nalang sila." Sabi ko naman. Napatayo si hailey at lumapit kay avi.
"Hi? I'm hailey, the vice president in this room." Walang reaksyon na tumingin si avi sa kanya. May inilabas siyang notebook na familiar sa akin.
That.... N-notebook.....
May sinulat siya na kung ano ano.
Sa tingin palang ni avi sa kanya ay muhkang masama ang loob nito.
"I know. And I know also na you're the president daughter, but.... He didn't proud of you." Nashocked si hailey sa kanya. Tumayo si avi at hinawakan ang uniform niya. "Why? You know sis, huwag mong pilitin maging proud sa'yo ang dad mo dahil ang dad mo ay sindi—" hindi na natapos ni avi ang sasabihin niya dahil sinampal siya ni hailey.
"I'am proud that he's my father, kaya huwag mo siyang sisiraan."
"Excuse me, ms? Hindi ko siya sinisiraan, I'm just telling the truth." Ngumisi si avi.
"You pissed me off." Madiin na sabi ni hailey at umalis na.
"Wow! Astig!" Lumapit si xaiden sa kanya habang pumapalakpak. "Impressive!" Dagdag niya pa. Napatingin siya sa akin at ngumiti.
Muli siyang umupo at nagpatuloy sa pagsusulat. Nabored ako kaya lumabas ako at pumunta ng rooftop.
Pakiramdam ko na nanaginip lang ako.
BINABASA MO ANG
Luna in the basement
Genç KurguLeonor, is a long lost child, sa edad na 4 years old ay magaling na siya makipaglaban, at higit sa lahat matalino siyang bata. Her parents is a police and spy, hinuhuli nila ang mga sindikato. hanggang sa isang araw nabalitaan nalang na patay na ang...