CHAPTER 9

85 15 1
                                    

"Hey!" Napalingon ako ng may tumawag sa akin. "Puwede ba kitang maimbitahan mamaya to my house?" Avi said.

"Sorry, avi. May lakad kasi kami mamaya, pero if you want, sama ka sa amin."

"Ay sayang naman...... miss ko pa naman bonding nating dalawa...." Napakunot ulit ang ulo ko. "Hindi mo ba ako naalala?" Mas lalo pang kumunot ang noo ko. "Hoy zia.... Alam kung may trauma ka dahil muntikan ka ng mamatay no'ng nagswimming tayo sa ilog pero you forgot me na?"

"H-ha? Sorry ah? Lutang yata ako ngayong araw—"

"Lagi naman. Hindi mo ba talaga ako naalala?"

"Hindi. Malay ko ba kung sino ka."

"I'm le—" hindi niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil biglang sumulpot si sheena.

"Hey zia, we're going to library, g ba you?"

"Sure." Sagot ko naman at ngumiti, napatingin muna ako kay avi na malungkot na nakatingin sa akin. Inakbayan ako ni sheena at sabay kaming naglakad.

"Sino ba kasi siya?"

"Who?"

"Ah... Wala."

"She's the author of luna in the basement base of jane." Napahinto ako at bahagyang nagulat. May nagflash back sa utak ko.

Throwback

"What's your name?" Tanong ng bata na halos kasingtangkad ko lang. "Hello? Naririnig mo ba ako? You can hear me naman siguro, ano?" Bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "By the way, I'm Leonor, you can call me avi."

L-leonor?!

"Why avi? Eh leonor pangalan mo?"

"I want, ba't ba? Oh? Nakakapagsalita ka naman pala eh."

"Malamang. Wait, kamukha mo ‘yong nasa tv?" Tinakpan niya ang bibig ko.

"Shut up and be quiet." Hinila niya ako palayo at dinala sa kamalig. "I need your help, can you help me?"

"Uhm... Sure."

"Puwede mo bang itago ito? This so important to me." May iniabot siyang notebook sa akin. "And please, kung may nagtatanong sa'yo kung sa'n nanggaling iyan, huwag mong sasabihin, ah?"

"Oum. Promised."

"Umiyak ka ba?" She asked me at umupo kami pareho.

"Nope. Ikaw yata ang umiyak eh."

"Someone trying to catch me, eh. Ayaw ko sumama."

"Bakit ba ayaw mo umuwi? Panigurado akong hinahanap ka na ng parents mo."

"Patay na sila. Pinatay......"

"Sorry, leo—avi pala."

"No, it's okay. Makakaraos rin ako."

"Nang ikaw lang mag-isa?!"

"Oum, why? Kahit bata pa ako, madami akong kayang gawin." Bahagya niyang hinawakan ang kamay ko. "That notebook is so important to me, hm? And'yan lahat ng nangyari sa buhay ko, at ang nangyari sa pamilya ko. Incase na mawala man ako at nakalimutan nila ang nangyari sa pamilya ko, ikaw na ang bahala, btw what's your name?"

"I'm—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinawag na ako ni mama. Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpaalam. Pa'no siya napadpad dito?

I'm introvert person, may sarili akong mundo. Pero hindi talaga ako sure sa sarili ko kasi minsan introvert minsan naman extrovert, basta magulo.

****

"Hoy!" avi called me. Napanganga ako ng makita ko siya. Almost one week na rin ng hindi kami nagkita then now, she's here. Magic. Mags-swimming kaming dalawa sa ilog. "Bakit ba hindi mo sinasabi name mo sa'kin?" Padabug siyang lumapit sa'kin habang nakacrossed arms.

"Sabihin mo muna sa'kin kung sa'n ka nakatira?"

"Sa basement."

"Basement?!"

"Sa mansion namin, may basement do'n, doon ako nakatira, sa basement namin."

"Pa'no mga pagkain mo?"

"I have my own ways."

"Tss."

"Teka, wait nga. Ba't ba ako nalang lagi tinatanong mo? Ako naman—"

"Zia Mitch."

"Zia Mitch lang? What's your apilyedo?"

"Next year ko nalang sasabihin."

"Daya mo naman, basta we're bestfriend forever na." Ngumiti ako sakanya.

END OF FLASHBACK

OH MY GOD! bakit ba hindi ko siya agad namukaan? Gumanda kasi siya lalo, ano ba iyan!

"Hoy zia, nabuang ka na ba? Ay buang ka na nga pala. Let's go na nga, mamaya kana mag emote d'yan, Library na us!" Hinila niya na ako papunta sa library.

"Zia, payag ka makipag blind date?" Bungad na tanong sa akin ni xaiden.

"Eh? Ayaw ko nga. Wala pa sa utak ko ang makipagdate na iyan, study first ako."

"Sus, puro study first, try mo din kaya mag enjoy paminsan minsan—"

"I already."

"Dali na, makipag blind date kana—"

"I don't. Kung ayaw ko, ayaw ko talaga—"

"Pero ako gusto ko, pag gusto ko, gusto kitayieeee!! Saging with banana ketchup uwu!" Napangiwi ako sa sinabi ni xaiden.

"Hoy! Huwag kayong maingay, I'm busy!" Sigaw naman ni jane habang may binabasa.

"Focus na focus sa goal, naks naman—"

"Palibhasa kasi, wala kang pangarap—"

"Meron kaya, maging akin ka yieee!!! bakit ang tinapay ay bread? Uwu!" Natampal nalang ni jane ang sarili niyang noo.

"Where's supreme?" I asked them.

"Yieee hanap niya bebe loves niya—"

"Excuse me?" Putol ko sasabihin ni xaiden.

"Pupuntahan niya daw si avi." Jane said at muling nagbasa.

"For what?"

"Aba, malay ko do'n, parang close na nga ang dalawa eh."

Close? Teka nga, ano ba ginagawa namin dito sa library? Chismisan?

Luna in the basementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon