CHAPTER 5

101 14 3
                                    

"Oh, supreme?" Napatigil sa pag-aasaran si sheena at xaiden ng dumating si supreme.

"Anong nangyari sa dean office?" Bungad na tanong ni xaiden.

"Mr. Sayson said, pumayag si dad na mag general cleaning tayo do'n—"

"La? Weh? Akala ko galit si mr. Sayson?" Putol ko sa sasabihin ni supreme.

"Nope. Ganun lang siya kapag nasa classroom, but mr. Sayson is my uncle."

"Ano?!" Sigaw naming apat.

"Be quiet."

"Ay sorry...." Jane said.

"Pero what?! Mr. Sayson is your uncle?"

"Kakasabi niya lang di ba? Binge ba you?" Singit ko naman.

Tumango-tango siya, "yeah. So ibig sabihin kasama siya sa—" tinakpan ni sheena ang bibig ni jane.

"Yes." Sagot ni supreme.

Magkakaibigan sila? Hala, mukhang ako lang tahimik sa kanila. Ay bet. I'm the only matino on our squad.

"Congratulations, zia!" Biglang nalang nakipag kamay sa akin si supreme.

"H-ha?"

"Ikaw ang nakakuha ng highest score sa opening test."

"What??" Gulat na sigaw ni sheena. "May g ka gurl! Hindi pa ‘yan nagreview, panis." Dagdag niya pa at nakipag kamay sa akin.

"Naagawan si sup ng trono." Nakangising sabi ni jane.

"Actually, hindi ko naman hinangad ang tronong iyon, but congratulations, zia."

"Ako din naman eh, hindi ko hingad ang tronong maging pres of ssg, ah. Bahala sila d'yan hindi ko tatangpin iyon, gusto ko normal student lang ako."

"Sayang iyon!" Xaiden said.

"Edi ikaw tumanggap, sabihin mo." Napangiwi siya.

"No more achachira achachira muna, let's go back to our classroom next subject na tayo." Jane said.

Tumango-tango kami at nagsimula ng maglakad pababa ng rooftop.

Nang makarating na kami sa room ay nakarandam ako ng pagkahilo kaya nakahawak ako sa ulo ko.

"Zia, okay ka lang ba?" Jane asked me, lumapit sila sa aking apat at inalalayan ako.

"I'm okay—" bigla nalang nanilim ang paningin ko at pakiramdam ko ay wala akong lakas para gumalaw.

Naramdaman ko nalang na may sumalo sa akin at nawalan na ako ng malay.

****

Nagising ako sa isang hindi familiar na kwarto, walang katao tao, ako lang mag-isa. Ang dilim sa buong paligid.

"What's happening? What's going on? Nasaan ako?" Sunod sunod na tanong ko. Napatingin ako sa pintuan na bigla nalang bumukas, bumungad sa akin ang liwanag habang may batang nakatayo at may hawak na teddy bear.

Teka.......

T-th-that.... Child! Siya! Siya ang nakita ko sa litrato, siya si leonor! Hindi ako nagkakamali, siya nga iyon.

Humahakbang siya papalapit sa akin habang umiiyak at madaming dugo ang kanyang damit.

"Ikaw. Ikaw. Ikaw." sabi niya at nag evil smiled sa akin. Iniabot niya sa akin ang teddy bear niya. "H-he-help me....." Sabi niya at napaluhod. Manginig-nginig na kinuha ko ang teddy bear niya.

"B-ba-base—" hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng bigla nalang siya naglaho.

"Zia, zia, zia! Wake up!" Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni jane. May iniabot sa aking tubig si xaiden.

"Anong napanaginipan mo? Anong pinagsasabi mong leonor? Anong base?" Sunod-sunod na tanong ni xaiden.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, halos nanginginig na ang buong katawan ko.

Panaginip lang pala iyon? But why? Bakit siya nagpakita sa akin?

"I saw..... Leonor..... She was holding her teddy bear and gave it to me. Punong puno ng dugo ang kanyang damit......"

"Nagpaparamdam siya sa'yo......" Jane said.

"You need a rest, zia. Matulog ka muna para makapagpahinga ka, stressed lang iyan. Masyado mo kasing iniisip ang presentation natin, don't mind muna and rest yourself first." Sheena said. Tumango-tango ako at tumingin sa kesame

"One week ka nang tulog." Rinig kung sabi ni jane pero parang wala lang iyon sa akin. Nac-curious ako kay Leonor.

Base? Anong kasunod nun? Bakit nagpapakita siya sa akin? I'm just normal girl.

"Buti pa iyong rebisco may pasobra dahil special ka, buti pa iyong kisses my kiss—"

"Puwede bang manahimik ka?! Daldal ka ng daldal kita mo naman na nagpapahinga si zia," putol ni sheena sa sasabihin ni xaiden.

Nasa'n si supreme? Bakit wala siya dito?

Ipinikit ko ang mga mata ko, pero sa bawat pagpikit ko puro ang mansion at si leonor ang nakikita ko.

Randam ko nalang na hindi na gumagalaw ang katawan ko.

May nakikita akong lalaki at may mga kasamahan siya..... may dala silang mga baril at papeles.......

Ano ito?

May babaeng tumatakbo pababa ng hagdan, it's Leonor. She was holding her teddy bear while smiling until her mother pulled her hands at tumakbo sila sa hindi ko maintindihang daanan.

Hinalikan si leonor ng babae sa noo at umalis. Naiwang mag isa si leonor habang nakatingin sa security screen. Umupo siya at may kinuhang notebook at ballpen, she was smiling while crying..... Hindi ko maaninag kung anong nangyari.... Hindi ko makita ang mga tao sa security screen.

Don't tell me it's cctv?

Ang tanging nakikita ko lang ay si leonor. Maya maya pa ay binitawan niya ang kanyang hawak na notebook at ballpen at napatingin sa picture frame. Family picture nila.

Randam ko nalang na tumulo na ang mga luha ko.

"Zia! Hey zia! Zia, wake up!" May naramdaman akong yumakap sa akin.

"It's you, ikaw ang napili ko." Unti unti kung minumulat ang aking mga mata and I saw supreme crying while hugging me.

Huh?

Naghahabol hininga akong napahawak sa ulo ko. Sobrang sakit ng ulo ko, gusto ko nalang basagin, gusto ko nalang putulin ang aking ulo, hindi ko kaya ang sakit. Bakit ako nagkakaganito? Anong mali? Ba't parang may something?

May hindi ba ako nalalaman?

Nanunuyo na ang labi ko at nahihirapan ako huminga dagdag pa natin ang sobrang sakit ng ulo ko.

"W-whats..... Happening on me?" Pinainom ako ng tubig ni sheena habang pinapaypayan naman ako ni jane.

Binuhat ako ni supreme at itinakbo sa labas, bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kalangitan.

Luna in the basementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon