CHAPTER 6

93 13 0
                                    

ONE MONTH AGO

Andito ako sa bahay nagpapahinga kasama si sheena. Nanonood siya ng tv habang kumakain ng popcorn.

"Okay ka na?" Tumango-tango ako at ngumiti sa kanya.

Binigyan ako ni mama ng gatas at biscuit.

"Since, okay ka na, makakapasok ka na sa school, sabay na tayo bukas, dito ako matutulog, tabi tayo later." Dagdag pa ni sheena.

Lumabas ako ng pintuan at tumingin sa paligid, fresh air.

Habang nagc-chismisan si mama at sheena ako naman ay palihim na lumabas ng bahay at nagtungo sa secret room ko para magreview. Ang tagal kung hindi nakapasok at paniguradong late na late na ako sa mga lessons namin.

*****

So ayon andito kami kina supreme nagrereview.


"Pa rep nga po!" Biglang sigaw ng bata, napatingin ako sa kanya. Nakatayo ako sa may gate nila habang pinapanood ang mga batang naglalaro tapos biglang sumulpot ‘to?

"Anong rep ka d'yan? Bata ka pa hoy."

"Pa rep nga po....." I raised my right eyebrows

"Ang kulit ng ilong mo eh no? Bata ka pa nga."

"Pa rep nga po sabi ni mama"

"Jusmeyo ka! Sa'n ang nanay mo?"

"Nasa bahay. Ate bilis pa rep nga po nagmamadali ako."

*/Inilabas ang chocolate

"Pa rep po ng chocolate ko." Natampal ko ang noo ko.

"Ref, hindi rep or rape, ah?" Kinuha ko ang chocolate niya.

"Salamat po...."

Teka nga..... Bakit ko ba kinuha iyong chocolate?

"Oh? Cheska again?" Kinuha ni supreme sa akin ang chocolate.

"Pa ref daw."

"Yeah. Always siyang nagpaparef dito sa amin."

My god na ref iyan.

Pumasok na ako sa loob at umupo sa sofa ng biglang dumating ang daddy ni supreme.

"Oh? Andito pala mga bestfriend mo, teka bakit ngayon ko lang nakita siya?" Turo niya sa akin. May ibinulong si supreme sa kanya at umakyat sila sa taas.

Mga chismoso.

"Guys, need ko muna umalis." Pagpapaalam ni sheena at lumabas na.

"Sa'n pupunta iyon?" Jane asked. Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam.

SHEENA P. O. V

Masaya akong naglakad patungo sa mall para bumili ng mga pagkain namin. Malapit lang naman ang mall dito kina supreme, at ang mall na ito ay pagmay-aari din ng supreme family.

Napadaan ako sa popcorn area dahil bigla nalang akong nag craving ng popcorn, napahinto ako ng makita ko si ace na kasama si jessa, my bestfriend and my boyfriend. Hindi ko muna sila pinansin dahil mas tinuon ko ang paningin ko sa popcorn dahil gusto ko na talagang kumain.

Pagkatapos kung bumili ay akma na sana akong lalapit sa kanila pero pagtingin ko ay wala na sila.

Inikot ko ang buong mall para hanapin sila pero hindi ko talaga sila makita.

"Siguro may binili lang sila para sa birthday gift ko," inubos ko muna ang popcorn bago pumunta sa grocery store at lumabas, pumunta ako ng playground para manood ng mga batang naglalaro, hobby ko kasi ‘to. I love kids.

Nasa'n na iyong dalawa?

Uupo na sana ako ng makita ko ang familiar na damit, lumaki ang ngiti ko no'ng makita ko si ace and Jessa, humakbang ako papalapit sa kanila—pero napahinto ako ng hawakan ni jessa ang mukha ni ace at hinalikan ito. Gulat na tumingin sa akin ang dalawa.

"Sheena?!" sabay nilang sigaw. Kusa nalang tumulo ang mga luha.

"Are you guys cheating on me? Hahaha, bakit pa nga ba ako nagtatanong eh, nakita ko na?" Pinipilit kung pigilan ang pagluha ko.

"Wait.... Sheena nagkakamali ka—"

"What jessa? So ako pa mali? Kitang kita ko sa akto. Gusto mo irewind ko pa?" Tumayo si ace para hawaka ang kamay ko pero iwinakli ko ito.

"Ace, why did you do this to me?"

"Magpaliwanag ako sheena—"

"Then, magpaliwanag ka! Bibigyan kita ng pagkakataong magpaliwanag but not the second chance."

"Sheena....." Humakbang ako ng dalawang beses palayo sa kanya. "Lagi ka nalang wala, mas priority pa ang school project and friends mo kaysa akin. Ano ba ako sa'yo, sheena? Need ko lang naman ng atensyon mo pero hindi mo mabigay—"

"Oo na, oo na, ako na ang mali. Ako naman lagi, eh. Need mo ng atensyon ko? Pa'no kita bibigyan ng atensyon eh lagi kang wala tapos ako pa sasabihin mo na mas priority ko ang school and friends ko? Excuse me, ah. Kung naging maayos ka lang sana at kung naging matino ka, nabigay ko ang deserving para sa'yo, pero hindi eh." Natandaan ko pa iyong sinabi niya sa akin dati.

'Magpapakasal pa tayo. Hinding hindi ako magloloko, mahal na mahal kita sobra sheena.'

Tinalikuran ko na sila pero hinawakan ni ace ang kamay ko.

"We should learn not to chase people who don’t know how to appreciate everything that we do for them. If we are really their love, we don’t have to please them just to have them in our live." I said at iwinakli ang kamay niya.

Luna in the basementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon