CHAPTER 18

82 14 4
                                        

Nasa labas kami ng er ni avionna.

"Sigurado ka bang okay ka na?" Supreme asked.

"Oum." Namiss ko tuloy bigla si xaiden, iyong bigla bigla nalang siyang sisingit sa usapan niyo tapos laging out of topic......

Lumabas ang doctor kaya tumakbo kaming lahat papunta sa kanya.

"Doc! Kamusta po ang lagay ng kaibigan namin?" Jane asked.

"Ikinalulungkot kung sabihin na..... wala na siya. Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya pero mukhang sumuko na siya-"

"Hindi puwede..... hindi!" Dali dali akong tumakbo papunta sa loob. Naabutan kung nakatakip na ang buong katawan ni xaiden ng puting tela. Habang papalapit ako sa kanya pakiramdam ko ay mamatay rin ako..... hindi ko tanggap. Bakit palagi nalang may nawawala sa akin? bakit palagi nalang ang taong nagpapasaya sa araw ko? bakit siya pa? Kung puwede namang ako....

"Xaiden naman eh..... ang daya daya mo..... bakit mo naman kami iniwan?" Tumulo ang mga luha ko at niyakap ang nanlalamig na bangkay ni xaiden. "Hindi ko pa nasasagot iyong tanong mo sa akin..... dahil nasa stage ako ng trauma..... ayaw kung e force ang sarili ko para maalala ko ang lahat sa past..... inuunti unti ko palang..... xaiden naman eh!" Humagulgol ako ng iyak.

"Zia.... tama na.... tanggapin nalang natin na wala na siya....." sabi ni avionna at niyakap ako.

"Hindi! Hindi puwede..... XAIDEN!!!!" nanlulumo ako at parang gusto ko na rin sumuko.....

Bakit kailangang may mamatay?

Bakit hindi nalang ang sheena na iyon?!

Bakit ako nagtiwala sa kanya?

Bakit hindi ko napansin?

Matalino ka di ba sheena?! Pero bakit hindi mo naramdaman iyon?! Ano ba? Ano bang nangyayari sa'yo self?!

Sinabunutan ko ang sarili ko.

"Zia stop it!"

"Hindi!! Hindi!! Hindi!! Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko kung bakit namatay si xaiden!"

"Huwag mong sisihin ang sarili mo...."

"Hindi avi! Kasalanan ko. Kasalanan ko!" Sobrang sakit ng puso ko, bakit ang masayahing tao ang unang namamatay? Bakit iyong taong laging nagpapasaya pa sa akin ang nauna kung hindi nalang iyong pumatay?!

Tumayo ako habang nakakumo.

"Sa'n ka pupunta?" Hindi ko na sinagot ang tanong ni avi at tumakbo ako ng mabilis palabas. Nakita ko si drake na lalabas palang ng kotse, tinulak ko siya at inagaw ang susi sa kanya bago padabug na isinirado ang pintuan ng kotse.

"Papatayin kita! Papatayin kita sheena!"

Nagpaharurot ako ng takbo, na halos wala na akong pakealam kung sa speed ng car, basta ang alam ko gusto ko lang gumanti. Gaganti ako kay sheena, papatayin ko ang mamatay taong iyon! Ako na mismo ang papatay sa kanya.

****

Padabug akong bumaba ng kotse at diretsong-diretso na pumasok sa prison jail.

"Na saan si sheena?!" Galit na sigaw ko.

"Miss huwag po kayong-" kinuha ko ang baril ng isang police at tinutok sa kanya.

Luna in the basementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon