ZIA P. O. V
Hanggang ngayon bakit hindi ko pa rin nakakalimutan iyong nakita ko sa wallpaper ni supreme. May gusto ba siya kay sheena?
Lumapit sa akin si sheena at avi at hinila ako sa kung saang lugar.
"A-ano?"
"Zia, okay ka lang ba? Kilala mo pa naman ako di ba?" sunod sunod na tanong ni avi.
"Of course, ikaw si avionna ang author ng luna in the basement na favorite ni jane." Nagkatinginan ang dalawa.
"Tss. Wala namang tao zia, kaya okay lang, okay lang na mag-usap tayo about sa plano." Sabi naman ni sheena na ikinataka ko.
"Anong plano?"
"Zia, look at us. Naalala mo ba kami? hindi mo ba ako kilala?" Avi asked again. Bakit ba ang kulit ng mga bulate sa puwet ng mga ito?
"Kilala ko nga kayo, tsaka isa pa, bakit ba kayo tanong ng tanong?"
"Zia Mitch Constello!" tawag ni avi sa buong pangalan ko.
"Ano nga?"
"Huwag na natin siya pilitin, I think she have an amnesia about sa nangyari sa atin no'ng nagswimming tayo noong birthday mo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni sheena.
Baka nakadrugs ‘tong dalawa? Or kulang lang sa kain? ano pinagsasabi nila? Kilala ko lang sila bilang kaklase at kaibigan ko, ano pa ba?
Iniwan ko silang dalawa at pumunta kina xaiden na panay ang kulitan. Andito kami sa may waiting shed inaantay si supreme, may camping daw kami for peace of mind. Masyadong mastressed kami dahil sa mga activities namin, hirap talagang maging estudyante.
"ACKKKK!!!!" biglang sigaw ni avi habang tumatakbo papalapit sa akin, kasunod niya naman si sheena. "I'm so excited na!!!" Dagdag niya pa.
"Ms. A kailan ang update?" Jane asked to avi.
"I don't know pa jane, masyado pa kasi tayong busy tsaka isa pa nawala ko iyong mga characters sa story." Sabi niya at tumingin sa akin.
Hindi nagtagal ay dumating na rin si supreme, sumakay kami sa kotse niya at dumiretso sa beach nila sheena. Sa beach kami magkacamping. Matapos namin ihanda ang lahat ng kailangan namin ay umupo kaming lahat paikot sa may bonfire habang may hawak na marshmallow.
"Ano kaya ang trip ng mga tao—natin pala, bakit kaya tinutusok pa sa stick ang marshmallow tapos papainitan tas kakainin, mga adik ba tayo?" Xaiden asked.
"Huwag mo kaming idamay sa kaadikan mo, hindi kami nakadrugs—nakamarejuana lang." Sheena said.
"Nahawa na tuloy si sheena sa'yo," singit naman ni jane.
"Masyado ka naman yatang tahimik, zia?" Avionna asked me.
"H-huh?"
"Tapos tulala ka pa." Dagdag ni xaiden. "Tignan mo, sunog na ang marshmallow mo." Napatingin ako sa hawak kung stick na may marshmallow, at totoo nga, sunog na nga ito. "Iniisip mo siguro crush mo ‘no? Don't worry may mahal na iyon na iba." Binatukan ko si xaiden dahil sa sinabi niya.
"Oh, sige. Dahil d'yan crush topic tayo." singit ni jane. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni sheena.
"Oppsss, sa'n ka pupunta? Sama ka sa'min, crush reveal." wala akong magawa kundi ang umupo, bahagya naman akong napatingin kay supreme, pero agad akong umiwas dahil nakatitig na pala siya sa akin.
"Ayaw ko! hindi ako magre reveal baka maoffened siya sa akin....." Malungkot na sabi ni xaiden.
"Andito? Xaiden ah... May tinatagong pagtingin ka pala kay jane ah...." Pang-aasar ko naman.
"Wala ah!" Agad na sabi niya.
"Para ka talagang bata xaiden—"
"Baby mo." Putol niya sa sasabihin ni sheena at tumawa ng tumawa na parang baliw, lahat kami ay nahawa sa kabaliwan niya.
"Real talk. Girl ang want ko and not boy. I'm bisexual, mas kinikilig ako sa babae kaysa sa mga lalaki." Sabi ni avi na ikinagulat naming lahat.
"Hala? Beh? Okay ka lang? Pero ikaw naman iyan, sayang lang kasi ang ganda mo tapos sa kapwa mo babae ka pala nagkakagusto."
"Ganyan talaga ang life, mga lalaki nga eh, ang gwagwapo pero sa kapwa lalaki rin sila nagkakagusto, fair lang naman, opo, oo, yes fair." Dagdag pa ni avi.
"Actually, ako rin." Sabi ni sheena. Hindi na kami nagulat sa sinabi niya, halat naman kasi sa bawat pagkilos niya, boyish. "May feeling ako na ayaw ko na may nagkakacrush sa aking lalaki, naiirita at kumukulo ang dugo ko lalo na at tinititigan ako. Pero meron namang mga lalaki na nagkakacrush sa akin pero just normal lang, okay lang sa akin, pero ayon nga, may person talaga na gusto ako pero ayaw ko, naiirita ako, i don't know why."
"Siguro panget?"
"Hindi naman sa ganun, basta automatic nagiging awkward at hindi ako comfortable sa person na iyon lalo na kapag tinititigan niya ako, naiirita ako, dahil hindi siya pumasa sa standard ko."
"Kaya naman pala. Pero crush kaniya so normal lang iyon na titigan ka."
"Normal na kung normal—pero ayaw ko, tsaka ang gusto ko sa lalaki matured, alam niya kung anong limit niya. Naiirita ako sa mga lalaking papansin. Ang sarap patayin. Kidding."
Naiintindihan ko si sheena dahil minsan katulad niya rin ako, wala akong tiwala sa mga lalaki at nagiging awkward ako at not comfortable din. Kwari may nagkacrush sa aking classmate ko automatic iniiwasan at minamalditahan ko iyon dahil umiinit at naiirita ako sa kanya, mas naiirita pa ako kapag sinusulat nila ang pangalan ko at pangalan ng nagkacrush sa akin sa blackboard like? What the? Crush lang kung crush. ayaw ko rin ng papansin. Okay lang sana kung mga koreano eh pero mga mukhang adik? Ew! Hindi naman sa namimili ako pero, same kay sheena, matured ang gusto ko. Alam niya kung anong limit niya bilang crush lang. BILANG CRUSH LANG.
"Oh? Napunta na sa star ang usapan natin." Singit ni supreme
"Ikaw supreme, sino crush mo?" Sheena asked him pero tahimik lang ito habang nakangiti at nakayuko.
"Crush reveal! Crush reveal!" Sigaa ni xaiden.
Sige xaiden, lakasan mo pa!
Unti unti niyang tinataas ang ulo niya at tumingin kay sheena.
"Ano na?" Sabi ni sheena at tumingin sa mga mata ni supreme pero umiwas ito ng tingin.
"Ayieee!!! Reveal mo na na si zia gusto mo!" Sigaw ni xaiden na ikinatili nilang lahat.
"Aminin na! Aminin na!" Sigaw nila.
"Guys! Shut up. First of all, hindi ako ang gusto ni supreme, second bagay sila ng gusto niya." Sabi ko habang nakangiti at tumayo.
BINABASA MO ANG
Luna in the basement
Novela JuvenilLeonor, is a long lost child, sa edad na 4 years old ay magaling na siya makipaglaban, at higit sa lahat matalino siyang bata. Her parents is a police and spy, hinuhuli nila ang mga sindikato. hanggang sa isang araw nabalitaan nalang na patay na ang...