CHAPTER 3

1.3K 21 0
                                    

DEVON GARCIA

KOMPORTABLE akong nakaupo sa harapan ng salamin, naghihintay na ipatawag ng direktor para simulan ang commercial shoot ng isang alcohol beverage. Pool party ang naisip nilang theme, kaya ang suot ko ay isang maroon two piece, topped with a white cardigan at isang cute khaki summer hat.

    “Hey, sis, may problema ba tayo diyan?” tanong ko kay Bambie na kanina pa nasa likuran ko at nakatingin sa reflection ko sa salamin.

    “Nothing, sis, pansin ko lang na laki ng ginanda mo these past two months,” panimula niya. “Iba talaga nagagawa kapag single.” 

    Yes, it's been two months since Kevin and I broke up. “I know right! Kaya kapag toxic na at hindi ka na masaya sa relasyon, better end it and love yourself.”

    “Echosera!” Marahan niya akong hinampas sa balikat. “Hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung bakit ka nawala sa masquerade party!”

    “Umuwi nga ako, ʼdi ba?” Pagsisinungaling ko. Hindi sa wala akong tiwala kay Bambie. Alam ko kasing sesermonan ako ng baklitang ʼto kapag nalaman niyang nagpachukchak ako sa hindi ko kilala.

    “Alam mo, sinungaling ka rin, eh!” natatawa niyang banat. “Nagkita kaya kami ni Kevin at ang sabi niya, ay umalis ka raw kasama ang boyfriend mo.”

    Natigal ako at hindi kaagad nakasagot. Wala na naman akong takas nito. “No! I mean… wala akong boyfriend.” 

    “Still denying, huh?” Kitang-kita ko sa salamin kung paano niya ako tinasaan ng kilay. “Ms. Garcia, huwag mo hihintayin na ilabas ko ang CCTV footage galing sa hotel.”

    Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting kaba sa pangbabanta niya.

    “A-aling hotel?” nauutal kong tanong sa kanʼya. Kahit kailan talaga may lahing Detective Conan ang baklang ʼto. Alam na kaya niya? O gusto lang niya akong paaminin? 

    “Hmmm. Bakit?” He looked at me intensely. “May iba ka pa bang pinuntahang hotel maliban sa venue ng party?”

    “W-wala na.” Kinalma ko muna ang aking sarili bago nagsalitang muli, “Umuwi kaya  ako kaagad.”

    “What about the guy Kevin is talking about?”

    “Okay, fine! I'll tell you everything.” Pagkukunwari ko. Siyempre magsisinungaling pa rin ako. “Remember the guy I chose that night?” 

    “Oh my God! Knox Sandoval?!?” Nagulat ako at napahawak ng mahigpit sa upuan dahil sa lakas ng naging reaksyon ni Bambie.

    Knox Sandoval… his name sounds familiar? Guminhawa muna ako ng malalim bago nagsalita, “Basta ʼyong lalaking ʼyon, I took advantage of his drunk state and used him para itaboy si Kevin. “Sabay kaming lumabas, but we took different paths afterwards.”

    Sandaling natahimik si Bambie. “Walang halong echos?” paninigurado nito.

    “Wala,” seryosong sagot ko sa kanʼya. Sinubukan kong maging kalmado sa abot ng aking makakaya para hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako.

    “Mabuti naman kung ganoʼn. Alam mo bang may a—”

    Hindi natapos ni Bambie ang sasabihin niya ng biglang sumingit ang isa sa mga production staff, “Ms. Devon, kailangan ka na sa set.”

MATAGAL bago natapos ang trabaho ko. Hindi lang kasi for TV commercial na video shoot ang ginawa namin. Gumawa rin kami ng reels at series of photo shoots. Nakakapagod, but I love doing this; being in front of the camera, seeing how its flash hits my skin.

From Lust To Love (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon