CHAPTER 6

1.1K 25 2
                                    

DEVON GARCIA

NGAYON kailangan kong harapin kung ano man ang magiging kapalit ng aking nagawa.

    “Bakla, walang matitira saʼyo!” reaksiyon ni Bambie. Bakas sa kanʼyang boses ang stress at pag-aalala.

    “Wala akong magagawa,” matamlay kong tugon. “Kailangan kong bayaran ang agency ng halagang hinihingi nila for breaching the contract.”

    “Alam ko pero… paano kayo ngayon?” Tiningnan niya ang aking tiyan para ipahiwatig na hindi lang sarili ko ang kailangan kong isipin.

    Nanghihina na ako pero mas nadagdagan ʼyon nang ma-realize ko kung bakit ko ipapawalang-bisa ang kontrata ko sa T&N. Buntis ako, at walang amang mag-aalaga sa amin. Wala na akong trabaho. Wala akong pagkukunan ng pera. Paano kapag nanganak na ako? 

    “Baka naman puwede pa pakiusapan si Mr. Pattinson?” Nilabas ni Bambie ang kanʼyang cellphone. “Tatawagan ko siya.”

    “Huwag na,” saad ko. “He had shown his kindness by letting me off so easily and not leaking the info concerning my pregnancy.”

    “Pero paano nga kayo?” Napahilamos ng palad si Bambie. “Bakla, hindi ako mapapanatag kapag hindi mo ako masasagot ngayon!”

    Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking living room. Nakita ko ang mga samu't saring kagamitan na pinamili ko. Ang minimalist na furnitures at designs na ginawa ng kakilala kong interior designer. Napangiti ako ng peke ng may pumasok na ideya sa aking isipan.

    “May mga naipundar ako na designer clothes and bags,” sambit ko.

    “Ibebenta mo?” walang buhay na tugon ng kaibigan ko. “Alam mo naman na sa mahal ng mga ʼyan ay hindi ka makakahanap kaagad ng bibili.”

    Hindi ako nakasagot sa sinabi niya kasi totoo naman ʼyon.  Pero dahil naraming ideya ang pumasok sa isip ko ay nakipagpalitan ako ng salita sa kanʼya.

    “Kung alahas kaya?”

    “Hindi ko hinihiling, pero kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa inyo kakayanin ba ng kita ng alahas mo?”

    “Kung magtrabaho kaya ako hangga't kaya ko pa?”

    “May mag-hire kaya saʼyo kapag nalaman na buntis ka?”

    “Edi itatago ko muna ang pagbubuntis ko!” 

    “Hindi na maitatago ʼyan sa susunod na buwan.”

    “Ano ba ang dapat kong gawin?” frustrated kong tanong. “Hanapan ng tatay ang dinadala ko?”

    Mabilis na tumugon si Bambie, “Mismo! Hindi lang pera kailangan mo, bakla. Kailangan mo ng mag-aalaga sa inyo ng anak mo!”

    “Sis, alam mo namang may asawa na ʼyong tao, at malaki ang kasalanan ko sa nangyari sa amin,” turan ko na binigyan ng emphasis ang salitang asawa. “Napag-usapan na natin ʼto, ʼdi ba?”

    “Sino ba kasi ang nagsabing si Mr. Sandoval ang magiging ama ng inaanak ko?” taas kilay niyang tanong sa akin.

    “Kung hindi siya and itʼs not you either, sino?” nagtataka kong tanong.

    Kasunod ng tanong ko ay siyang pagtunong ng doorbell ng aking condo unit. Ngumiti si Bambie habang nakatingin sa pinto.

    “Heʼs here,” saan niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

    “What?! Sino ang nasa labas?!” I panicked. “Hindi ko pagbubuksan ʼyan!”

    “Well, he doesnʼt need you to open the door for h—”

From Lust To Love (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon