DEVON GARCIA
LAHAT ng mga nangyayari ngayon sa akin ay bunga ng mga naging aksyon at desisyon ko. Wala kang kikitain kung hindi ka matututo. Hindi lang pala ito applicable sa pag-aaral at trabaho. Pati na rin sa mga desisyon mo sa buhay. Wala kang matututunang leksyon kapag hindi ka pa rin natuto sa mga kamalian mo.
In my case, masasabi kong may natutunan ako. Pagkatapos kong makausap si Kevin ay nakaramdam ako ng konsensiya. Hindi ko kayang ipaako sa kanʼya ang responsibilidad bilang ama ng dinadala ko. Guwapo si Kevin, masipag at mapagmahal. Kumpyansa akong makakahanap siya ng mas deserving pa kaysa sa akin.
Iʼm ten weeks pregnant and isang linggo na rin akong nagtatrabaho sa DʼVermont, pumapangalawang apparel firm kasunod ng El Knox dito sa bansa. I worked on the accounting department at hindi biro ang trabaho dito. I have to recall lahat ng mga pinag-aralan ko and it gives me headache.
“Dev, pakidala raw ng mga papeles na ito sa opisina ni Boss for approval,” utos sa akin ng kasamahan kong si Marie.
Mabilis akong tumayo at aabutin na sana ang folder, nang bigla akong napahawak sa sulok ng mesa dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.
“A-ayos ka lang?” concern na tanong ni Marie. “Kung masama ang pakiramdam mo ay umupo ka na lang diyan. Ako na ang maghahatid.”
Ngumiti naman ako sa kanʼya. Suwerte ko at mababait lahat ng nasa opisina namin. “Ayos lang ako.” Kinuha ko sa kamay niya ang folder. “Ako na ang maghahatid.”
I donʼt want to take advantage of their kindness. Kailangan kong gawin ang trabaho ko. I boldly promised our Boss during the job interview na kaya ko, and I will just take a maternity leave kapag malapit na ang kabuwanan ko. At isa pa, ayaw kong maging pabigat dito sa opisina namin. I will try to contribute to the best of my knowledge and skills.
“Na-out of balance lang ako dahil sa suot kong heels,” pagsisinungaling ko para mapanatag siya.
Dahil sa sinabi ko ay bumalik ang ngiti sa kanʼyang mukha. Tumango rin ito bilang pagtugon.
Paglabas ko ng opisina, kaagad akong naglakad patungo sa elevator, only to find out that it was under maintenance. Napatingin ako sa hagdanan na kasunod lang ng elevator at hindi maiwasang huminga ng malalim. Nasa third floor and accounting department at nasa tenth floor naman ang office ni Mr. Montejo. Napayuko ako at tiningnan ang tiyan ko. Kaya ʼto ni mommy, anak.
NANG makaapak ako sa tenth floor, tumayo muna ako ng halos dalawang minuto para habulin ang aking hininga at para kondisyon akong harapin si Boss.
Nang sa tingin ko ay ayos na ako, ay sinubukan kong humakbang pero kaagad akong napahawak sa sentido ko ng biglang umikot ang paningin ko.
Pinipisil ko ang aking sentido ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses, “Hey! Are you okay?”
Hindi ako nakasagot kaagad ngunit dinig ko ang mabilis na mga yabag papalapit sa kinatatayuan ko. Ilang segundo lang at naramdaman kong may umalalay sa akin sa paglakad. Umiikot pa rin ang paningin ko, pero naaninag ko ang nababahalang si Boss Denver dahil sa lapit ng mukha niya sa akin habang akay-akay niya ako.
Naramdaman kong pinaupo niya ako kaya mabilis akong sumandal at pumikit. Binalot ng katahimikan ang opisina ni Boss ng halos sampung minuto.
“You should have called my office so I can send someone to get the documents,” litanya nito, binasag ang katahimikan ng seryoso at may pagkabahala.
Nakaupo ako sa sofa sa loob ng office niya, at ganoʼn din siya. Ngunit, malawak ang espasyo sa pagitan naming dalawa.
“That would be so unprofessional, Boss,” turan ko nang maramdaman na medyo ayos na ang pakiramdam ko. “I need to do my job.”
BINABASA MO ANG
From Lust To Love (R18+)
عاطفيةCOMPLETED WARNING: This story contains vulgar words and adult contents that are not suitable for young readers. Is it pure lust, or is it what other people call love? Devon Garcia, a well-known fashion model, had the greatest pleasure she had yearn...