CHAPTER 18

1K 22 3
                                    

DEVON GARCIA

KASALUKUYAN akong nakaupo sa itaas ng kama. Nakasandal sa headboard at iniisip ang pangyayari kanina sa hospital. Bakit naman ako nagdadrama? Natural lang naman na piliin niya ang asawa niya.

    Naku, Devon, pigilan mo na habang maaga pa. Hinding-hindi siya magiging sa ʼyo. Makasalanan ka na sa batas at sa Panginoon. Huwag mo na hayaang pati ang mga tao sa paligid at sumusuporta sa ʼyo ay pagtawanan at pandirihan ka.

    Nasa gitna ako ng pakikipag-usap sa sarili ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nagmamadaling pumasok si Knox. Kusang may mga buhay siguro ang aking mga paa, dahil awtomatikong napatayo ako.

    “How was it?” tanong niya ng makalapit siya sa akin.

    Tiningnan ko ang mukha niya at bakas sa kanʼya ang excitement. Ang kinang ng mga niya at ang ngiti niya ay nakakaakit tingnan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Marahil ang rason ay ang pag-uwi ni Elise. 

    Inipon ko lahat ng natitira lakas ang meron ako bago nagsalita, “The ultrasound showed that the baby is a he.”

    “A he?! A boy?! We a got a boy?!” Sunod-sunod na tanong ni Knox na kasamang pag-alog sa akin.

    “O-Oo,” utal kong tugon, “lalaki ang magiging anak n-natin.” Nag-aalangan akong banggitin ang huling salitang nasabi ko.

    Nagulat na lamang ako ng mahigpit niya akong niyakap. Tila lahat ng kaba at problema na meron ako ay tuluyang nawala. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang init ng kanʼyang katawan. 

    “Thank you, Devon,” sambit nito malapit sa tainga ko. “You donʼt how much I prayed for this.”

    Nang kumalas siya mula sa pagkakayakap niya sa akin ay nakita kong basa ang kanʼyang mukha. Naiyak pala siya sa sobrang saya.

    “My presence was not there, but God knows I really wanted to. May emergency lang talaga kanina. Huwag ka sanang magalit sa akin. Baka makaapekto kay baby.”

    Ayos na sana, eh. Why does he have to remind me of it? 

    Napansin niya ata na nag-iba ang timpla ng mukha kaya nagtanong ito, “Are you alright? Are you really mad at me?”

    Hindi ako sumagot sa kanʼya bagkus ay umupo ako sa dulo ng kama at yumuko. Nanatali namang nakatayo si Knox at nakatingin sa akin.

    “Devon, talk to me,” mahinahong bigkas nito, ngunit ʼdi ako nagpatinag. Nanatili lamang ako sa aking posisyon.

    Wala ako sa lugar para mag-inarte o magtampo, pero ganʼyan ang nararamdaman ko ngayon. Magpapakatotoo muna ako sa ngayon dahil hindi ko talaga kayang pigilan.

    “I wonʼt be sleeping here so please talk to me before I go.” 

    Mas lalo akong nalungkot at nakaramdam ng sakit sa sinabi niya, dahilan upang tiningala ko siya. “Umalis ka na lang,” naiiyak kong sambit.

    Bumuntong hininga muna siya bago umupo sa tabi ko at hinaplos-haplos ang aking likuran.

    “Just give me some time and trust,” he said, still rubbing my back. “I promise you, no one will hurt you and Daxon.”

    Nang marinig ko ang ʼdi pamilyar na pangalan ay napatingin ako sa kanʼya.

    “We will name him Daxon,” sabi ng nakangiting si Knox habang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay nilagay niya ang kamay niya sa umbok ng tiyan ko at hinaplos ito.

From Lust To Love (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon