DEVON GARCIA
TODAY will be our last day here in Tagaytay. Bukod sa gusto ko talagang mag-unwind, kusa talaga akong sumama dito kay Knox pagkatapos kong malaman ang tungkol sa nangyari sa kanila ng kapatid niya. I just felt that he needs a company.
Hindi ako lumaking may pamilya, but I know what it feels like you, yourself is not complete. Lalong-lalo na ang pakiramdam ng sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari.
Napayuko ako ng maalala ko kung paano nasagasaan ang isang batang kasama ko noon dumiskarte sa lansangan, matapos kong agawin ang laruan niya at tinakbo patawid sa daan.
Nang dahil sa kapilyahan ko, namatay siya. But I wouldnʼt be the gorgeous model, Devon Garcia, if I chose not to let go of it. What killed him is an accident. Same goes with Knoxʼs brother. Hindi namin totally kasalanan ang mga nangyari.
Naputol ang imahinasyon ko nang marinig ko ang boses ni Knox, “What do you think the gender of our baby would be?”
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkatapos niyang magsalita. Ano raw? Our baby? Anak naming dalawa?
“Stop spacing out.” Knox snapped his fingers right in front of my face. “People are staring at you.”
Sasagot na sana ako sa kanʼya ng makarinig ako ng usapan sa paligid, “OMG! Hindi ba si Devon yan, Sis?”
“Siya nga! Teka, buntis siya, ʼdi ba?” sagot ata ng kasama niya.
“Oo. Nakita ko sa latest magazine for maternity fashion.”
Isang mapanuksong tingin ang binigay sa akin ni Knox kaya mahina ko siyang hinampas sa kanʼyang braso.
“Yang lalaking katabi ba niya ang ama ng baby niya?”
And now, itʼs my time to give him a teasing look.
“Kahit nakasuot ng face mask halatang guwapo!”
Umarte naman akong nabulunan at naduduwal kaya mabilis na naglakad ang pikon—na ngayon ko lang nadiskubre—na si Knox.
Matapos kong tumawa ay binilisan ko naman ang paglakad ko para mahabol si Knox. Naaliw ako kakatingin sa mga bilihin dito sa loob ng mall. Nagulat na lang ako ng mauntog ang ulo ko sa likuran ni Knox.
“Aray!” pagrereklamo ko. “Bakit ba bigla-bigla ka na lang tumitigil?”
Hinimas ko ang noo ko. Wala akong narinig na sagot mula sa kanʼya. Nang tingnan ko kung ano ang tinitingnan niya ay natigilan din ako.
KNOX SANDOVAL
NANDITO ako ngayon sa isang press conference, para sa exposure ng Maternity Collection ng El Knox. Katabi ko ang model ng nasabing collection na walang kung hindi si Devon. The medias are standing before us, ready to throw questions.
“This question is for Miss Devon,” said by a girl reporter. “Totoo ba na natanggal ka sa T&N Entertainment dahil buntis ka?”
I glanced at her and saw her smile before answering the question. “Hindi ako tinanggal sa T&N dahil kusa akong umalis. Pero pagbubuntis ko nga ang rason.”
I can say that she acts differently in front of the camera and many people. Not a bad thing… sheʼs indeed a professional model.
“Second question, may nakakita saʼyo na tumayo ng ilang oras at nabilad sa araw sa labas ng El Knox. Maaari ba naming malaman kung bakit?”
I would be lying if Iʼd said that I wasnʼt afraid of what she is gonna say. Naiyukom ko na lang ang kamay ko dahil dito.
“El Knox is a highly respected firm, known for its high standards when choosing someone to model their pieces,” she looked at me and smiled. “I was rejected and just tried my luck so here I am today.”
BINABASA MO ANG
From Lust To Love (R18+)
RomantizmCOMPLETED WARNING: This story contains vulgar words and adult contents that are not suitable for young readers. Is it pure lust, or is it what other people call love? Devon Garcia, a well-known fashion model, had the greatest pleasure she had yearn...