CHAPTER 2

1.4K 21 15
                                    

WARNING: This chapter contains vulgar words and adult contents that are not suitable for young readers.

~°~°~

DEVON GARCIA

WALA nang nagawa pa si Kevin ng hatakin ako nitong estranghero palabas ng venue. Lasing na lasing na ito kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pa-ekis-ekis na ito kung maglakad. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang reception table. At dahil lasing na nga at alam kong hindi na nito kayang umuwi pa, ay inalalayan ko na lang ito papalapit sa reception table.

    “Hi, Miss, is there any vacant room?” tanong ko sa receptionist ng hotel. Naka-suot ito ng maroon nilang uniporme at sinalubong ako ng isang ngiti.

    “Good evening, Maʼam, ikinalulungkot ko pero fully booked po ang hotel ngayon dahil sa event.” Tiningnan nito ang lalaking akay-akay ko. “Kailangan po ba ninyo ng tulong?”

    “Yes, is there someone who can help me carry this man to the parking lot?”

    Wala na akong magagawa pa dahil puno ang hotel. Hindi ko rin puwedeng pabayaan ang lalaking ʼto. Consider this as an act of gratitude sa pagtulong sa akin na iwasan si Kevin kanina.

Kaagad namang tinawag ng babaeng receptionist ang lalaking nakatayo sa di kalayuan at nakasuot din ng uniporme na maroon. Sandali silang nag-usap at kaagad na inalalayan ako ng lalaking staff.

“Thanks,” baling ko sa receptionist.

ILANG hotel pa ang pinagtanungan ko bago ako nakahanap ng vacant room. Inalalayan din ako ng staff ng hotel paakyat hanggang sa pinto ng room. Mag-isa ko siyang inakay papasok hanggang sa pareho kaming bumagsak sa kama. “Kung ʼdi lang kita ginamit kanina ay hindi na sana ako napahirapan ng ganito.”

    Umupo ako sa kama at balak nang tumayo nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. 

    “Donʼt leave me, Elise,” mahina ngunit sakto lang upang marinig ko ang binigkas nito.

    Well, I am not Elise so thereʼs nothing he can do to stop me from leaving this place. “I am not going anywhere so you should sleep well, okay?” pagsisinungaling ko.

    Binitiwan naman niya ang kaagad ang kamay ko. Nag-antay muna ako ng ilang minuto para sigurado na natutulog na ang isang ʼto bago ako tumayo at tinungo ang pinto. Nilingon ko muna siya at nakita kong hindi ko pala natanggal ang sapatos niya at hindi maayos ang pagkakahiga niya. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Heʼs very lucky that my conscience wanted to do so. 

    Matapos kong hubarin ang sapatos niya at ayusin ang pagkakahiga niya ay napansin ko ang maskara na suot pa rin niya. Should I remove it? Removing it doesnʼt mean I want to see his face right?

    Hindi ako makapag-decide kaya hinyaan ko na lang na suot niya ang mask. Ngunit nang palabas na ako ng room ay tinamaan na naman ako ng konsensya ko. Fine! Iʼll remove it so he will have a much more comfortable sleep.

    Lumapit ako ulit sa kama at tumayo sa bandang kanan. Dahan-dahang inabot ng aking kamay ang tali ng kanʼyang maskara at tinanggal ang pagkakatali nito. Pagkatapos ay kusang natanggal ang maskara at bumungad sa aking mga mata ang guwapo niyang mukha. Saglit akong natulala at nakatitig lang sa kanʼya. Sakto lang ang kapal ng kilay nito, mahaba at makapal ang mga pilikmata. Dinaig pa ang nagpa-rhinoplasty dahil sa ganda ng manipis at matangos niyang ilong. Napalunok naman ako ng dumako ang tingin ko sa kanʼyang hugis pusong labi. Lakas din ng dating ng kanʼyang bagong ahit na balbas.

    “Hot,” bulong nito na nakapag-patino ng aking isipan. “Itʼs hot.”

    “H-hey! What are y-you doing?!?” I panicked as soon as I saw him undressing. Una niyang hinubad ang coat niya at isa-isang tinanggal ang pagkakabutones ng kanʼyang suot na polo.

From Lust To Love (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon