DEVON GARCIA
“GOOD MORNING,” bati sa akin ni Tita Lindsay nang nagmulat ako ng aking mga mata.
Mabilis akong napaupo sa kama at nagising naman si Knox sa tabi ko.
“How did you get in here, Mom?!” tanong ni Knox na kakadilat lang ng mata.
“Have you forgotten that I owned this mansion?” Pinakita niya ang susi na nasa kamay niya. “I can enter whatever room I want.”
“Give us some privacy, will you?” pagreklamo ni Knox.
“If I havenʼt sneaked here, I wouldnʼt be updated that you sleep on the same bed,” masayang tugon nito. “You are making your Mom so proud!”
Napayuko naman ako dahil sa hiya. Simula kasi noʼng gabi na nilalamig ako at niyakap niya ako magdamag, magkatabi na kami matulog ni Knox. Naaawa rin kasi ako na pinagkakasya niya ang sarili niya sa couch.
Mabilis pa sa alas kwatro na sagot ni Knox, “This means nothing!”
I agree… This means nothing. But why does a part of me contradicts?
“Nope,” said Tita Lindsay, “it means a lot to me.”
Bahagyang nagtalo ang mag-ina, kaya binigyan ko sila ng oras. Umalis ako sa kama para maligo sa banyo.
Wala na si Tita nang matapos ako sa paliligo. Si Knox naman ay nagmamadaling pumasok sa banyo. Mabilis lang lang din siyang natapos sa pagligo at kaagad na nagbihis. Akala ko may emergency sa company, pero paglabas niya ng walk-in closet niya ay streer casual ang porma niya.
“May lakad ka?” I asked him.
“O-oo, pero sisiguraduhin kong makakauwi mamaya para sa napagkasunduan natin,” sagot niya.
Bakit iba ang kutob ko? Ngayon ko lang din siya nakikita na parang natataranta. Wala naman ako sa tamang posisyon para usisain pa kung bakit. Sana ay ayos lang ang lahat. Sana ay ayos lang siya.
Nakita kong palabas na siya ng pintuan nang maalala ko na hindi pa pala kami nakapag-almusal. Tinanong ko siya, “Hindi ka ba muna kakain bago umalis?”
“H-hindi na, sorry but I have to go,” sabi ni Knox at mabilis na lumabas at isinara ang pinto.
Buong araw akong naghintay sa kanʼya dahil may usapan kami ngayong araw. Pero sumapit na lang ang gabi ay hindi siya nakarating.
Madaling araw na nang maramdaman kong nagbukas ang pinto ng kwarto. Hindi na ako nagmulat pa ng mata dahil alam kong si Knox ito.
Ilang minuto ang nakalipas at naramdaman kong umakyat siya sa kama pero hindi ito nahiga. Umupo lang siya at sumandal sa headboard ng kama.
“Are you awake?” he asked but I didnʼt reply. I chose to pretend to be asleep.
“It has been so hard for me to decide and accept everything,” Knox sighed. “But the moment I accepted it, I felt happy. I felt… complete.”
Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon, pero mabilis ang tibok ng puso. Bakit biglang ganito ang mga pinagsasasabi nito?
“I know I misjudged you because after a thorough thought process and being with you these past few months, you have been a great companion. Far from what I expected you to be.”
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. If only you knew that I was feeling the same, Knox. Simula noʼng nagkasama kami sa iisang bahay—sa iisang kwarto, I get to know him more. He is kind, hard working, a loving brother and son. Kahit matagal bago niya natanggap ang kalagayan ko at ang anak niya, ay naging responsable naman siya pagkatapos noʼn.
BINABASA MO ANG
From Lust To Love (R18+)
RomanceCOMPLETED WARNING: This story contains vulgar words and adult contents that are not suitable for young readers. Is it pure lust, or is it what other people call love? Devon Garcia, a well-known fashion model, had the greatest pleasure she had yearn...