CHAPTER 14

901 21 4
                                    

DEVON GARCIA

ISANG linggo na ang nakaraan simula nang lumabas ang resulta ng DNA Paternity Test. At heto ako, enjoying the milk prepared by Knox early in the morning.

    Simula nang araw na ʼyon, malaki ang pinagbago niya mula sa pananalita hanggang sa mga aksyon niya towards me. Nakakapanibago, but it is a lot better than before.

    Napatingin ako sa kanʼya nang lumabas siya sa bathroom. Only the lower half of him is covered by a white towel. Parang nagmistula akong nasa pelikula na bumabagal ang eksena habang pinapanood siya kung paano niya hawiin palikod ang basa niyang buhok. Batak na batak ang katawan nito ngunit sakto lang ang laki.

    Napalunok ako ng magawi ang tingin ko sa abs niya. One, two, three, four, five, six… s-seven! Bakit pito?!

    Baliw ka, Devon! Hindi na abs ʼyong panghuli.

    Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko sa aking isipan.

    “Are you okay?” rinig kong tanong ni Knox pero sa abs pa rin niya ako nakatingin.

    Dahan-dahan naman akong tumango at sumagot ng wala sa sarili, “Nagugutom lang ako.”

    Nahimasmasan ako ng marinig ko siyang natawa. Nag-init ang mukha ko dahil sa hiya. Did he just caught me checking him out?! At anong sinabi ko?! Nagugutom ako?!

    “If thatʼs the case, go downstairs because I am not edible, Ms. Garcia,” panunukso nito sa akin.

    “A-asa ko namang gusto kitang tikman!” utal kong tugon. Ano ʼtong mga pinagsasasabi ko? 

    Taas baba niya akong tiningnan sa mukha at aking tiyan at alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito. Hindi na kakayanin pa ng hiya ko ang mag-stay dito sa loob ng kwarto niya kaya dinampot ko ang isang unan, ibinato ito sa kanʼya, at mabilis na naglakad palabas. Bago ko isara ang pinto ay narinig ko ang malakas na tawa nito. Sobrang nakakahiya!

MALAMIG ang  gabi at hindi ako makatulog sapagkat nanginginig ako. Si Knox ay nasa study table niya at may ginagawang trabaho related sa company.  Nagtalukbong na ako ng kumot pero ganoʼn pa rin.

    “Oh, ayos ka lang?” rinig kong tanong niya sa akin.

    “A-ayos lang a-ako.” Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil nanginginig ako ng dahil sa lamig.

    Narinig ko ang mga yabag ni Knox papunta sa kama at kinalabit ang likuran ko.

“Sigurado kang ayos ka lang?”

    “O-oo! N-nilalamig lang a-ako,” nauutal kong sagot ko. 

    Pinataasan ni Knox ang temperatura ngunit ganoʼn pa rin. Sobrang nilalamig pa rin ako. 

    “Should I bring you to the hospital?” There is a hint of concern in his voice. “Sandali at sabihan ko lang si Mama.”

    “H-hindi na kailangan,” pagtanggi ko. “Ayos lang talaga ako at a-ayaw ko rin sa hospital.”

    “Then what should I do?”

    Alam kong nababahala lang siya sa anak niya pero wala naman talaga ako ibang nararamdaman maliban sa nilalamig ako.

    I rubbed my palms to create heat at nilapat ito sa aking leeg. “M-mawawala rin ito.”

    Nagulat na lamang ako ng maramdaman kong umakyat siya sa kama at pumasok sa kumot. Walang pag-aalinlangan niya rin ako niyakap.

    “Donʼt move,” utos nito ng magpumiglas ako.

    Sinubukan kong ikalma ang aking sarili. Maya-maya lang ay nararamdaman ko na ang init na nanggagaling sa katawan niya. Unti-unting nawawala ang panlalamig na nararamdaman ko hanggang hindi ko namalayang nakatulog na pala ako ng mahimbing.

From Lust To Love (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon