DEVON GARCIA
LAHAT KAMI ay natigilan sa biglaang pagsabat ni Knox. Nang tingnan ko siya ay masama ang mga titig nito kay Denver.
“Seems like my husband wants to join the fun!”
“Elise,” mahinanong pagbigkas ni Knox. “Let me explain.”
“Explain what, Knox?!” pasigaw na tanong ni Elise. Tumulo rin ang mga luha nito. Galit at nasasaktan. “I was so happy and content, thinking that I was so lucky to have a very supportive, loving and faithful husband. But all of it was just my imagination!”
“You can only blame yourself, Elise!” said Tita Lindsay.
“Mom, stop,” mahinahong sambit ni Knox sa kanʼyang ina. Pagkatapos ay binaling niya ang kanʼyang tingin kay Elise, “Letʼs talk, okay?”
Ako ay mahigpit na nakahawak sa kamay ni Tita. Kinakabahan. Wala akong masabi. Napakalaki ng naging kasalanan ko sa pangyayaring ito. Nag-aalala rin ako kay Knox. Kitang-kita sa mukha niya na nahihirapan siya sa sitwasyon ngayon.
Para makatulong ay pinisil ko ang kamay ni Tita, at nang mapalingon siya sa akin ay binulungan ko ito, “Hayaan na po natin silang mag-usap.”
Narinig din siguro ito ni Denver kaya tumango siya bilang pagtugon. Sabay-sabay kaming tatlo umalis. Si Tita ay umakyat sa kanʼyang silid. Ako naman ay sa garden ang destinasyon at nakasunod sa akin si Denver.
“Just say yes, Devon, and Iʼll take you away from here,” sambit nito ng matapos naming maupo sa bench dito sa hardin ng mga Sandoval.
Ito ang pinakapaborito kong puntahan. Samu't saring mga bulaklak ang makikita rito. Top-tier din ang pagkaka landscape at highly maintained ang garden na ito. Sa sobrang linis ay aakalin mong hindi totoo ang mga tanim at purong plastic lang. Napapikit ako at nilanghap ang sariwang hangin.
“The moment I decided at the airport…” I looked at Denver, “I promised to give Knox the chance na masaksihan ang paglaki ng anak niya. These past few months with him, hindi naman niya ako binigo. He took care of us.”
“Things were different now, Devon. Elise is back.”
“Alam ko.” Napayuko ako. “Kinakabahan ako pero mangyayari naman talaga ito, ʼdi ba? Napaaga nga lang.”
Isang buntong hininga ang narinig ko kay Denver. “I donʼt quite understand why you cannot decide like what you did the last time. Is it because you fell in love with Knox?”
NANG bumalik ako sa loob ng mansion ay wala na si Knox. Sumapit ang gabi at hindi pa rin siya umuuwi. Hindi na rin maalis sa isipan ko ang tanong sa akin ni Denver kanina. Mahal ko na nga ba siya?
Hinilot ko ang aking sentido dahil sa sakit ng ulo ko. Ito pa lang ang unang araw na nalaman kong umuwi na pala si Elise, pero hindi na birong isipin ang naging dulot nito. Magiging maayos lang ba talaga ang lahat?
Overthinking lang ang naging eksena hanggang sa nakatulog ako.
Kinaumagahan, hinanap ko si Knox sa tabi ko pero walang bakas niya sa kama. Kahit ang unan niya ay halatang hindi nagalaw. Hindi siya umuwi. Nakaramdam ako ng lungkot, pero kailangan ko ito labanan. Natural lang na mas pipiliin niya ang asawa niya. Pero sana lang ay hindi niya makalimutan na magkakaroon na siya ng anak at naghihintay ito sa pag-uwi niya.
Dumating si Bambie dito sa mansion sakto pagkatapos kong mag-almusal.
“Bakla, ano na ang plano mo?” tanong nito, “Kung may plano kang mag-run away like a Princess ay siguradong sasama na talaga ako sa iyo.”
BINABASA MO ANG
From Lust To Love (R18+)
RomanceCOMPLETED WARNING: This story contains vulgar words and adult contents that are not suitable for young readers. Is it pure lust, or is it what other people call love? Devon Garcia, a well-known fashion model, had the greatest pleasure she had yearn...