KNOX SANDOVAL
ILANG araw nang pabalik-balik dito sa kumpanya ang babaeng ʼyon. How thick face she can be?
“Boss, ayon sa credible source natin ay binigyan daw siya ni Mr. Pattinson ng pitong araw para makausap ka at makuha ulit ang project,” pag-report sa akin ni Gab.
Nakatalikod ako sa kanʼya kaya inikot ko ang inuupuan kong swivel chair at hinarap siya. “The consequences are?”
“Mawawalan siya ng trabaho,” sagot ni Gab.
I smirked. “What she have now is because of T&N kaya ganʼyan na lang kakapal ang mukha niya.”
“Mawalang galang na po, Boss, pero hindi mo na ba siya bibigyan ng pag-asa dahil lang sa hindi ka niya na-recognize?”
If that is the only reason, maybe things would turn out differently. Unluckily, it isnʼt.
“Yes.” Tinaasan ko siya ng kilay at hinagis sa mesa ang hawak kong ballpen. “Do you have a problem with that?”
Mabilis naman siyang napayuko at utal na sumagot, “W-wala, B-boss.”
“Where is she now?” tanong ko. Gusto kong malaman hanggang saan kaya ng babaeng ʼto.
“Nasa labas ng building,” mabilis na tugon nito. “Hindi siya pinapasok ng security ayon sa utos mo.”
Tumayo ako at pumunta sa bintana kung saan kita sa baba ang entrance ng kompanya. Kita ko ang isang pamilyar na pigura ng isang babaeng nakatayo sa ilalim ng tirik na araw. Wearing a fitted dress and a corset, accentuating her curvaceous body, matched with a black lace boots. This girl dresses well. There is no doubt why sheʼs a model.
Napakunot ang noo ng sa di kalayuan ay nakita ko ang isang lalaki, nakatago sa likod ng pulang sasakyan. May hawak itong camera at nakatutok kay Devon. A paparazzi is tailing her… this not a good image for the company.
“Sheʼs causing me a trouble again!” Mabilis akong naglakad palabas ng office, at sumunod naman sa akin si Gab.
Nasa taas na palapag ang aking opisina at may exclusive elevator na maliban sa asawa at pamilya ko ay si Gab lang ang puwedeng gumamit.
Sumalubong sa akin ang mga bulungan ng iilang mga empleyado ng bumukas ang elevator sa ground floor.
“Ilang araw na ʼyan pabalik-balik dito, eh!” Hindi na ako nag-abala pang alamin kung sino ang nagsabi niyan.
“Oo nga, nakakaawa naman,” Tugon ng kausap niya. “Idol ko pa naman ʼyan. Gandang-ganda ako sa kanʼya.”
Malakas na tumikhim si Gab at halos lahat ng empleyado ay napatingin sa aming dalawa. Nakayukong bumalik sila sa kani-kanilang trabaho.
Hindi ko na sila binigyan pansin pa at kaagad na naglakad palabas ng kompanya. Nakita ko pang ngumiti ang namumutlang si Devon nang makita ako bago siya natumba at mawalan ng malay.
“Send her to the hospital!” utos ko kay Gab at binigay sa kanʼya ang susi ng sasakyan ko. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa parking lot.
DEVON GARCIA
NAMULAT ako na nasa hospital na. Katabi ng kama ay si Bambie. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok si Kevin. Anong ginagawa ng isang ʼyan dito? Gulo akong tiningnan si Bambie.
“Ako nagpapunta sa kanʼya rito,” malumanay na sambit nito. “Kailangan niyang malaman ang balitang ʼto.”
“Kung ayaw ni Devon na nandito ako ay aalis na lang ako,” sambit ni Kevin.
BINABASA MO ANG
From Lust To Love (R18+)
RomanceCOMPLETED WARNING: This story contains vulgar words and adult contents that are not suitable for young readers. Is it pure lust, or is it what other people call love? Devon Garcia, a well-known fashion model, had the greatest pleasure she had yearn...