EPILOGUE

2K 39 13
                                    

IT IS a busy night in the street of New York City, when Devon and Denver are having a night walk. Ingay na dulot ng trapiko, mga locals at foreigners na naglalakad at nag-uusap, nagtataasang mga gusali, at iba't ibang kulay ng mga ilaw na nakakabit sa mga establishments.

    “You know what, Devon?” pagbasag ni Denver ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

    “Ano ʼyon?” sagot ni Devon ng nakangiti. Kapansin-pansin ang laki ng pinagbago nito. 

    “Hindi mo pa rin bubuksan ang puso mo para sa akin, ʼdi ba?”

    Parehas silang napahinto sa paglalakad. Kaagad namang hinarap ni Devon si Denver at malungkot itong tiningnan.

    “Denver… so—”

    Hindi na natuloy pa ni Devon ang sasabihin niya ng bigla siyang niyakap ni Denver. Nagulat man siya, ay hinayaan niya na lamang ang binata na yakapin siya.

    “I realized na hindi ko na dapat na ipilit pa kung wala naman talagang pag-asa,” sambit ng binata habang magkayakap silang dalawa. “Alam kong sinubukan mo, at ginawa ko rin naman ang best ko. Wala akong pinagsisisihan.”

    “Magkaibigan pa rin naman tayo, ʼdi ba?” tanong ni Devon.

    Hindi man niya kayang suklian ang pagmamahal na binibigay ni Denver, tinuring niya naman itong kaibigan at pamilya kaya ayaw niya ring masaktan ito. Natatakot din siyang masira ang pagkakaibigan na meron silang dalawa.

    “Oo naman!” masiglang tugon ni Denver. “Kung sino man ang papakasalan mo ay dapat invited ako.”

    Buo na ang desisyon ng binata at pinag-isipan niya itong mabuti. Malungkot man siya sa ngayon ay masaya pa rin siya at nakikita niyang nasa maayos na estado ang babaeng mahal niya.

    “Kukunin kitang principal sponsor kaya hindi puwedeng wala ka,” pagbibiro ni Devon na nagpatawa sa kanilang dalawa.

    “Anong ibig sabihin nito, ha? Kanina pa ako naghihintay sa meeting place natin na nasa tapat lang nito pero nakuha pa ninyong magyakapan dito?”

    Mabilis na kumalas sa pagyayakapan ang dalawa at hinarap ang nagtataray na si Bambie. Ngunit sa hindi kalayuan ay napatingin si Devon sa lalaking naglalakad na may pamilyar na pigura.

ANG MANSION ng nga Sandoval ay hindi kasing sigla anim na buwan ang nakalipas. Sobrang gabi na at laging lasing kung umuwi si Knox. Wala namang nagawa ang nag-aalala niyang ina dahil kung nasasaktan at nalulungkot siya sa pagkawala ng kanʼyang apo, ay sobra pa ang nararamdaman ni Knox.

    Kagaya na lang ngayon, lasing na naman itong umuwi. Simula noong mawala si Daxon at umalis ng walang paalam si Devon, ay hindi na natutulog si Knox sa kanʼyang silid. Pagkarating niya ng mansion ay dumidiretso siya sa kwarto na inilaan nila para kay Daxon.

    Pinindot niya ang switch ng ilaw at bumungad sa kanʼya ang napakaraming laruan na naka-display sa drawer. Ang ilan sa mga ito ay nakakabit sa kisame, at ang malalaking laruan naman na pwedeng sakyan ng hanggang sa tatlong taong gulang na bata ay maayos na naka-park sa sahig. Lahat ng mga ito ay pinamili nilang dalawa ni Devon noong nasa Tagaytay sila. Malungkot siyang ngumiti ng maalala niya kung paano silang magtalo kung pambabae ba o panlalaki ang mga gamit at laruan na bibilhin nila.

    Umikot siya loob ng silid ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Mabilis siyang napahawak sa toy rack at dahil sa pwersang naidulot niya ay may mga laruan siyang nahulog.

    “Hi, Daxon! This is your Mommy Devon!”

    Nagulat si Knox at napatingin sa sahig kung saan nagmula ang boses ni Devon na narinig niya. Sa kumpulan ng laruan ay may laruang robot na umiilaw kaya umupo si Knox sa sahig at dinampot ito.

From Lust To Love (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon