CHAPTER 8

1.1K 20 1
                                    

DEVON GARCIA

ITO NA ang pangalawang beses na na-ospital ako habang buntis. The doctor told me that I overworked and exhausted myself both mentally and physically.

    “Sis, kailan daw ako puwedeng lumabas?” tanong ko sa nakabusangot na si Bambie. 

    Ewan ko ba kung bakit simula makabalik ʼyan kanina ay hindi na makausap ng maayos. Parang may invisible black fire na nakapalibot sa kanʼya dahil sa awra niya.

    “Mamaya ay puwede ka na raw lumabas!”

    Naguluhan ako sa pagsigaw niya kaya nagtanong ako, “Galit ka ba?” 

    Tiningnan naman niya ako na parang kaya niya akong lunukin ng buo. “Hindi ako galit!”

    “Eh, bakit ka sumisigaw?”

    “Ang sama kasi ng ugali ng ama niyang inaanak ko!” Umiwas siya ng tingin at pabulong na dinagdag, “Kung alam ko lang na babayaran ni Mr. Montejo ang hospital bill ay hindi na ako pumunta pa roon.”

    Mahina man ang kanʼyang pagkakasabi, rinig na rinig ko naman ito. Gulat at nanlalaki ang mga mata kong reaksyon, “Ano?!”

    Lumambot ang mukha nito, parang pusa na gustong magpakamot ng ulo sa kanʼyang amo. “Bes, so—”

    Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at sumingit ako, “Bakit mo ʼyon ginawa? Alam mo naman na may asawa ʼyong tao.”

    Bumalik ang nakakatakot na awra ng kaibigan ko. “At bakit naman kasi hindi?! Napaka-considerate mo naman! Paano kayo ng anak mo, ha?!”

    “Mahahanapan naman siguro ng paraan,” malumanay kong tugon. Hindi ko maipagkakailang totoo ang sinasabi ni Bambie. Pero hindi ko kayang istorbohin o ʼdi kaya ay sirain ang buhay ni Knox.

    “At ʼyon lang ang tanging paraan na naisip ko! Sis, baka nakakalimutan mong maliban sa ʼkin ay wala nang magmamalasakit sa ʼyo. Magalit ka man, wala akong pakialam. Basta alam kong tama ang naging desisyon ko.”

    Frustration is written all over his face. May mga namumuo na ring luha sa mga mata niya. Napakaswerte kong may kaibigan akong katulad ni Bambie. Inabot ko ang kamay niya at pinisil ito.

    “Bes, salamat,” naiiyak kong sabi.

    Hindi na napigilan pa ni Bambie ang mga luhang nangingilid sa mga mata niya. Tuluyan itong bumagsak at kasunod nito ay ang paghikbi niya. Umupo ako sa hospital bed at umusog para lumapit sa kanʼya, ʼtsaka ko siya binigyan ng isang mahigpit na yakap.

    “Pero may kasalanan akong mas mabigat pa sa pagpunta sa El Knox…” pag-amin ni Bambie sa pagitan ng aming yakapan, matapos naming mag-iyakang dalawa.

    Mabilis akong kumalas at bahagya siyang tinulak. Kumakabog ang dibdib ko. Huwag niya sanang sabihin na pinaalam niya sa asawa ni Knox ang lahat. 

    “Nasabi ko ang lahat sa isang sosyal na ginang sa parking lot noong tinanong niya kung bakit ko sinisipa ang gulong ng sasakyan ni Mr. Sandoval,” pagpapatuloy nito.

    Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko ʼyon. Mabuti naman at hindi niya sinabi kay Elise at isang ginang lang pa—

    “Ano?!” reaksiyon ko, matapos maproseso ng utak ko ang sinabi niya. “Kilala ko ba ang ginang na ʼyon?!”

    Napakamot siya sa ulo niya at nag-aalangang sagutin ako. “Huli ko nang na-realize na lola pala ng inaanak ko ang kausap ko.”

    Sumakit bigla ang tiyan ko sa aking narinig kaya napahawak ako rito. Mabilis namang napatayo si Bambie at inalalayan ako upang makahiga. 

From Lust To Love (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon