CHAPTER 9

1K 19 2
                                    

DEVON GARCIA

NAGISING ako ng may nararamdaman na pangangalay sa aking leeg. Nilibot ko ang aking paningin, at isa lang ang masasabi ko. Napakayaman pala ng pamilya nila. 

    Pagtayo ko mula sa couch ay nahulog ang kumot mula na nakabalot sa katawan ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pagkakatanda ko, natulog ako ng walang kumot at yakap-yakap ang sarili dahil sa lamig.

    Napukaw ang atensyon ko ng isang malaking frame na nakadikit sa dingding. Litrato ito ng babae at lalaki na magkaharap, magkalapat ang mga ilong, at parehong nakapikit ang kanilang mga mata. Ang lalaki ay nakahawak sa baywang ng babae, at ang huli naman ay nakahawak sa pisngi ng lalaki. Bigla akong nakaramdaman ng labis na konsensya. Paano ko nagawang makisabit sa masaya nilang buhay? 

    Gusto kong umalis. Gusto kong tumakas. Pero, pinipigilan ako ng konsensya ko matapos akong kausapin ng mama ni Knox. She badly wants this child. Gustong-gusto niyang magka-apo. 

    Gusto niyang masubaybayan ang paglaki nito. Gusto niyang magpakalola sa anak ko. Pero sadyang may pag-aalinlangan ako, at maraming akong tanong sa isip ko. Paano si Knox? Paano si Elise? Anong mangyayari sa kanila? Sa amin?

    Heto na naman ako, gulong-gulo ang isipan. Kagagawan ko rin naman ang naging dahilan bakit nararamdaman ko lahat ng ʼto. Saan mang sulok ng kwarto ni Knox, ay ʼdi mawawalan ng litrato nilang dalawa ni Elise. Lahat ng ʼyon ay tiningnan ko. Mula sa litrato na University students pa lang sila, hanggang sa mga litrato ng mga pagbakasyon nila. From camdid shots to formal shoots.

    Perfect couple sila kung maituturing. Bagay na bagay sila para sa isaʼt isa. Wala talagang lugar o ʼdi kaya ay espasyo dito para sa ʼkin. 

    I was just standing straight, stunned with the love Knox had for his wife, Elise, when suddenly a voice called my name that brought me back to my senses. Nang lumingon ako, I saw a middle-aged woman smiling at me.

    “Youʼre awake.” Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. “Iʼll let the helpers send a nice and clean dress. Wash yourself and let’s have breakfast together. Huwag mong gugutumin ang apo ko, okay?”

    With what I heard, I realized something. I may not have a place in this luxury house, in this family, but the baby in my womb has.

    Napatingin ina ni Knox sa wedding photo ng anak niya and smiled bitterly. “Knox, loves this girl so much that he doesnʼt mind her infertility.”

    Gulat ako sa aking narinig, pero hindi ko lang ʼyon pinahalata. Kaya pala wala pa rin silang anak hanggang ngayon. At kaya ganoʼn na lang kasabik ang ina ni Knox ng kausap niya ako kahapon tungkol sa anak ko.

    “I told him how many times to break up with her, but he insisted until they marry each other.” Naglakad siya patungo sa study table na may mga larawan din nina Knox at Elise. 

    Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan at pinagmamasdan siya. Naghihintay kung ano pa ang kanʼyang sasabihin.

    “After their wedding ceremony, that girl rushed into the states for her selfish dreams, leaving my son alone.” She sighed to calm herself. With her tone, I know that anger is still with her up until now.

    “I was furious, I can end her career with just a call, but my son begged me.”

    Hindi ko na napigilan pa ang magsalita, “Itʼs because he loves her so much.”

    Lumapit ako sa bookshelf kung saan may isang frame ng larawan nilang mag-asawa. “I always thought that kind of love can only be seen in dramas. Who wouldʼve thought that Knox is the kind of man who follows what his heart wants, despite all the imperfections his wife has.”

From Lust To Love (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon