Kabanata 22

34 5 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Dalawa
Busy

~*~


It's been three weeks now since we landed back here in Manila. Hindi sa gusto ko siyang makita, pero hindi ko pa siya nakikita mula noong nakabalik kami. I'm not saying that we really need to see each other ngunit dahil na rin siguro sa sobrang busy ko sa trabaho noong nakabalik ako dito.

Ngunit hindi pa ako nauubusan ng balita tungkol sa kaniya. Knowing that I have friends na parang nakahiligan ang gumawa ng practical research. Didn't know that they can't get over with those college stuffs.

May araw ngang sobrang tambak ako ng mga papeles na pipermahan, but still! They are here. Giving me informations about Al. Ako naman ay tamang pakikinig lang naman ang aking ginawa. Sayang din kasi, mga busy din ang mga ito, pero nandito sila para lang magbigay ng impormasyon. Kawawa naman. Well, to clear things out, I'm not interested to him, at all! I'm just giving my friends some respect, that's all.

"Sencha, sama ka?" Tanong sa akin ni Tary. They've been asking me to come with them. Plano nilang magpaparty dahil sa wakas, nakabalik pa raw ako rito sa Manila ng buhay.

"I'm busy with all this paper works, girls. Kita niyo naman? Maybe next time." Sabi ko sa kanila habang patuloy pa rin ako sa ginagawa. Maraming projects ang kailangang matapos, kaya naman gahol na ako sa oras. Dapat kasi noong nakaraan pa ito.

Isa-isang nagsilabasan ang mga kaibigan ko. Ngunit bago ko pa makalimutan ay tinawag ko ulit si Zette. "Zette?"

Nilingon niya ako at bumalik. Lumapit siya sa aking mesa. At dahil narito ang isa, sumunod ang iba.

"Yes? Sasama ka na?" Tanong niya sa akin.

"My answer is still a no." I can see in their faces the disappointment. Ngunit hindi ko iyon initindi, sa halip ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "The annulment? Naka handa na ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanila na ngayon ay parang walang narinig. "Hey." Pukaw ko sa kanila.

"Are you sure, Sencha?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Lei. "Hindi ba sabi mo ay may nangyari sa inyo?"

Hindi na ako nagtaka kung bakit alam nila ang tungkol roon. Nandyan kaya si D. Diana knows about it. Kasi noong nakabalik ako rito ay dumiretsyo ako sa Condo Unit niya. Hindi niya ako tinigilan hangga't wala akong sasabihin sa kaniya. I always say that, I'm fine. Na natapos ko kung ano ang pinunta ko roon. But she asked me if, may nangyari ba sa amin. More than that. And I was caught off guard! She said that, 'Huli ka!'

"And?" Ani ko sa kanila. Ano naman yun ngayon? "Hey, ano naman ngayon kung may nangyari sa amin?" It was just plain sex. There's no strings should be attached!

"What if-" Hindi natapos ni Tary ang sasabihin nang biglang may kumatok sa aking pintuan. Pumasok roon ang aking sekretarya.

"Miss Sencha, nandito po si Mr. Curpoz," wika nito at bunuksan ang pintuan ng aking opisina ng malaki at pumasok roon si Alessandro. Pagkapasok nito ay isa-isang nagsitayuan ang aking mga kasama. At walang paalam na lumabas. Maging ang aking sekretarya. Kaya kaming dalawa na lang ang naiwan.

"Ano ang sadya mo rito?" Tanong ko sa kaniya habang pinagpatuloy ko ang aking ginagawa kanina. Naglakad siya palapit sa aking mesa. I thought he will be sitting in front of my table but I was wrong. Sa halip ay kumuha ito ng isang bakanteng upuan sa harap ng aking mesa at dinala ito kung saan ako nakaupo.

Umupo siya sa upuang nilagay niya sa tabi ng aking upuan. "I'm here to see you." Wika niya at niyakap ako mula sa gilid. And makes me still! Napahinto ako dahil sa kaniyang
ginawa. At ramdam kong nag-iinit ang aking mukha. Lalo na't naramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking leeg at ang kaniyang ulo ay nakasandal sa aking balikat!

An Embroidered Lifetime ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon