Kabanata 27

31 5 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Pito
Hera

~*~

Habang pinagmamasdan si Alesso na mahimbing na natutulog, ramdam na ramdam ko ang tibok ng aking puso. Napakaamo ng kaniyang mukha. Ang kaniyang makapal ng kilay, ang kaniyang mga mata na matingkad na kayumanggi ang kulay kung ito nakamulat at pinarisan ito ng magagandang pilik mata. Ang kaniyang matangos na ilong at ang kaniyang maninipis na labi na kulay rosas. Wala na talaga akong mahihiling pa.

Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking luha habang inaalala ang mga panahon na iniwan ko siya. Ano kaya ang naging buhay niya?

My life in New York was... was fine. Maayos kung titignan mo sa pisikal na pantanaw. Ngunit kung isasali ang emosyon at mentalidad ay parang tinatadtad ako sa sakit. Sa pangungulila. Maybe I'm too young that time kasi mas pinili kong iwan siya kaysa maging masaya kaming dalawa. Pinili kong lumaban mag-isa. Pinili kong masaktan kaming dalawa.

Hindi katapangan ang ginawa ko. I'm not that brave enough to fight with him. At hindi ko aakalaing na ang matagal ko nang hinihiling ay natupad na nga. Kasi noong umalis ako, wala na akong ibang pinangarap kung hindi ang bumalik sa bisig niya. Ang maging kaniya. And imagine, five years! Ang tagal kong hindi nahawakan ang mga kamay niya. Ang tagal kong nangungulila sa mga yakap at halik niya. Ang tagal ko na palang hindi naramdaman ang maging tunay na masaya.

Hindi ko na napigilan at hinaplos ko na ang kaniyang mukha. Patuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha. Nasa ganoong ayos pa rin ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking kamay na nasa kaniyang mukha.

Inimulat ni Al ang kaniyang mga mata at nakita ko na naman ang ganda nito dahil sa lampshade na nasa likod ko. Kinuha niya ang aking kamay at dinala iyon ang sa kaniyang mga labi.

"Mahal kita," Ani niya. Kaya naman ay wala ng pigil ang aking mga luha na dumadaloy mula sa aking mga mata. Walang pag-alinlangang lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko rin na niyakap niya ako pabalik. Naging ganoon ang ayos naming dalawa hanggang sa nakatulog ako.

Ilang araw na ang lumipas noong mangyari ang sagutan mula sa Pamilyang Hontiveros. At ngayon lang din ako nagkaroon ng oras upang magkapag-lunch kasabay nila D. Palaging si Al ang kasama kong kumain.

"Kamusta ang pagiging beginner?" Tanong Tary habang nagpipigil ng tawa.

"What do you mean?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"Ikaw talaga!" Mahinang saway ni Lie sa kaniya. "Don't mind her, Sencha. Kumain ka ng marami."

Nang malaman nila na buntis ako ay araw-araw nila akong binibisita. Kung minsan nga ay naiinggit na si Diana at pabiro pang sinasabi na magpapabuntis raw siya ulit ng sa ganoon ay maranasan niya ring dalawin lagi. Nasapo ko na lang ang aking noo. Hindi ko na pala kailangang ibalik ang mga panahon na kung kailan ay mga estudyante pa lamang kaming lima. Kasi wala namang nagbago.

"Anong tingin mo kay Cresentia? Hayop?" Saad ni Zette. Minsan, hindi ko alam kung naging mabuti ba ang epekto ng pag-aabogado ni Cruzette o hindi. Parang mas lalo lamang siyang naging... magaspang?

"Guys, stop na. That's enough." si Lie. And Lie. Hindi ko alam kung ano ang namamagitan nilang dalawa ni Rodie. But there's something?

Natawa na lamang ako habang pinagmamasdan sila at ang isiping marami na akong walang alam sa buhay nila, kung pwede ko lang ibalik ang mga panahong iyon. Limang taon ba naman ang dumaan.

Hindi na isinama ni Diana si Adi dahil nandyan rin naman daw si Isaac para magbantay sa kaniya. When would I see that kid again? Nakakamiss.

Napahawak tuloy ako sa aking tiyan. Halatang halata na ngang buntis ako. At habang ginagawa iyon ay hindi ko mapigilang magtanong sa mga kaibigan ko.

An Embroidered Lifetime ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon