Kabanata 25

29 5 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Lima
Mrs. Curpoz

~*~

Nagtatakang umupo ako sa kanilang mesa. Habang pinagmamasdan si Rodie na tahimik lang na nagmamasid kay Lie?

Inilibot ko ang paningin at nahagilap ng aking mga mata si Zette at Carlo na nag-uusap sa may tabi. Tila may pinagtatalunan ang dalawa. And next is, Stev. Laklak ng laklak lang siya ng inumin na parang nauubusan. Akala ko Reunion at magsasaya kami. Ngunit sa nakikita ko, tila problemado ang lahat ng taong nandidito.

"Hey, are you okay?" Biglang bulong sa akin ni Al. Hindi ko namalayang masyado pala kaming malapit sa isa't isa.

"Parang problemado yata ang mga kasama natin-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang marinig ko ang malakas na boses ni Jhon.

"Congrats, Sencha!" Sabi sabay upo sa aking tabi. "So, sa akin ka magpapa-check up?" I was about to say yes pero naunang magsalita si Al.

"No." Ani niya. Nilingon ko siya at nakitang seryoso ang kaniyang mukha. Ibinaling ko muli ang aking atensyon kay Jhon at naabutan ko itong itinataas niya ang kaniyang kamay na tila sumusuko.

"Bakit?" Baling kong tanong kay Al. Kitang kita ko kung gaanonoa seryoso ang kaniyang mukha habang nakatitig kay Jhon. Lahat na lang yata ng kaibigan ko ayaw Niya. Ano ba talaga?

"Kay Dra. Sanchez tayo magpapacheck up. Nakapag-apoint na ako sa kaniya kanina. Sabi niya ay pupunta tayo bukas para matignan ka na Niya." Wika niya at pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilagok niya ang isang baso na naglalaman ng whiskey.

"And who is this Dra. Sanchez you're talking about?" Sabi ko sabay abot sa isang cocktail na nasa mesa namin. Hindi ko naman alam na may Dra. Sanchez na nag-eexist sa mundo ni Al.

"Carlo knows about her." Nilingon ko siya. Nilingon Niya rin ako. Kunot-noong tinitigan ko siya. Ano naman ang kinalaman ni Carlo sa sinasabi niyang Doktora? Iling lang ang ginati ko sa kaniyang sinabi at ibinalik ang atensyon sa hawak kong cocktail.

Akmang iinomin ko na sana ang hawak hawak kong inumin ng pingilan ni Al ang aking kamay na may hawak nito. Taka ang nakaukit sa aking mga mata ng bumaling ako sa kaniya. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga.

"Bawal iyan sa bata." Malumanay niyang bulong sa akin. Kinuha niya ito at siya na mismo ang uminom nito. Ramdam ko ang tibok ng aking puso nang makita siyang iniinom ang aking inumin. Kaya naman ay ibinaling ko sa iba ang aking tingin. Tumingin ako sa aking harapan kung saan naroon si Tary at Lie na tamang nagmamasid lang sa aming dalawa ni Al. Ang mga mata ay tila nagpapahiwatig na nang-aasar. Kaya naman ay ibinaling ko ang aking paningin sa aking kanan kung saan nakaupo si Nico, Thur at Vince. Nagpipigil din ng ngiti ang tatlo. Iyong ngiting nang-aasar. Kaya inikot ko muli ang aking paningin sa bandang kaliwa kung saan naroon ang iba. God! Bakit pa nga ba ako pumunta?

Bigla kong naramdaman ang pagyakap sa akin ni Al mula sa kanan ko. Naramdaman ko rin ang kaniyang labi na humahalik sa akin mula leeg, pisngi hanggang umabot ito sa kanang bahagi ng aking noo. At akala ko ay hanggang doon lang. Ngunit naramdaman kong inaamoy niya ang aking buhok. Tila hinahabol na ng kabayo ang aking puso dahil sa bilis ng tibok nito.

"Oh, guys!" Rinig kong sambit ni Tary. "Alis na tayo. May nilalagam na rito!" At humagalpak ng tawa. Iniwan nila kami sa mesa.

Nang kami na lang dalawa ay hindi ko maiwasang maisip na baka nandito lang si Al dahil sa bata. Don't get me wrong, okay? Hindi maiiwasan. The other day, I just received an envelope na naglalaman ng Annulment Papers. Who knows kung sino talaga ang nagpadala. At kung hindi ako buntis, kung hindi nagbunga ang nangyari sa amin noong gabing iyon, aalokin niya rin ba ako ng kasal?

An Embroidered Lifetime ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon