Kabanata 14

45 5 0
                                    

Kabanata Labing-Apat
Sicayab

~*~

Nang umapak ang paa ko sa Cebu ay akala ko magiging matiwasay at magiging maayos na ang pag-alis ko sa lugar na ito. Pero hindi pa pala.

Tumakbo ako patungo sa naglalakihang drum na nasa gilid na barko. Doon ako nagtago para hindi ako makita ng mga tauhan ng pamilyang Hontiveros.

While hiding, I'm also catching my breath. Hindi ba sila napapagod kakahabol? Kasi ako, pagod na pagod na kakatakbo!

Nandito pa rin ako sa likod ng mga drum. Pilit pinapakalama ang sarili.

Nang kumalma na ako ng konti ay itinaas ko ang aking ulo para sumilip. Nang maitaas iyon ay nakita ko ang mga lalaking humahabol sa akin sa hindi kalayuan.

"Punyeta! Akala ko makukuha na natin ang babaeng iyon!" sigaw na sabi nung isang lalaki. Kinuha niya ang kaniyang telepono mula sa kaniyang bulsa at tinignan iyon. "Hindi ko mahanap ang lokasyon niya ngayon. Nangangati na kamay ko, gusto ko nang matapos ang trabahong 'to!"

"Oo nga! Bakit ba kasi hindi tayo pwedeng gumamit ng baril? Mas madali na sana ang naging trabaho natin," ani naman ng isa. What!?

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kung walang sinabi ang mga Hontiveros na huwag akong barilin, na baril na sana ako ngayon?! Isinaisip ko na lang ang isa sanang malakas na mura.

"Maglibot na ulit tayo. Nandito lang iyon dito sa barkong ito." Nang sabihin iyon ng isa niyang kasamahan ay lumayo na sila sa kinaroroonan ng drum.

Ibinalik ko ang aking ulo sa pagtago para hindi nila ako makita.

Iniisip ko ngayon ang aking sitwasyon. Why? All I want is a simple life. All I want is to do the things I liked... I loved. But, why?

Nagsimula ng umagos ang mga luhang kagabi ko pa pinipigilan. At ang isiping hindi ko na magagawang tawagan sila Zette, dahil baka ma-track na naman ako ng mga tauhan ng mga Hontiveros. Mas lalong lang sumukip ang aking dibdib.

Ang isipin, kung ano na ang kalagayan ng aking kapatid ay para na akong nawawalan ng pag-asa. Kumawala ang isang hikbing na kanina ko pa kinikimkim. I know that Zette is safe. But still! Nag-aalala ako!

Ano ba ang nagawa ko at nangyayari ito sa akin? How am I going to run from this mess right now? Pagod na ako!

But I still need to run. For me to survive, I need to run. Kung kailangan mong matupad ang plano mo Sencha, then pull yourself up! And with that thought, I wiped my tears. Kung walang tiyaga, walang nilaga, Sencha.

Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan at hinakbang ang mga paa papalayo roon. Palagi kong naririnig ang maliit na boses sa aking isipan na sinasabing, 'kailangan kong lumayo', habang inihakbang ang mga paa.

Habang papalayo roon ay binuksan ko ulit ang aking telepono para magpaalam na tatawag na lang ako sa kanila, tutal memoryado ko naman ang numero ni Zette.

Nang mabuksan iyon ay dali-dali akong nagtipa ng mensahe para kay Giov.

Me:
I'll call you if everything's okay.

Nang matapos iyon ay napansin kong marami palang messages sa aking inbox. And out of my curiosity, binuksan muna iyon. The next thing I knew, tears running down on my checks while reading Al's messages.

Alesso:
Nasaan ka?

Alesso:
Sencha, please, let me help you sweetheart!

Alesso:
Meet me in the park, please, Sencha.

An Embroidered Lifetime ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon