Kabanata 16

39 5 0
                                    

Kabanata Labing-Anim
Back to Him

~*~

Dumating ang taong inaasahan ko nung araw na iyon. At ngayon, hindi ko aakalaing hawak-hawak ng aking kamay ang isang walis tingting at sa kabila naman ay dustpan.

Ang sinabi sa akin ni Mang Poy ay ito ang trabahong gustong ibigay sa akin ni Mang Ped. Nang sa ganoon ay may magamit ako sa pang-araw araw ngayong wala na sila.

I'm cleaning the place near at the gate. The gate is so huge and tall. Naalala ko na naman iyong panahon na umakyat ako sa tarangakahan para makatakas. And I remember Stephen. God! I missed them. But, too damn that I'm in this kind of situation.

Habang nagwawalis ay tinignan ko ang bahay. Sa tingin ko, wala akong ibang makikita sa lugar na ito kundi ang malaking gate at bahay. The house is so huge! May sariling tanggapan ito, it's like an ancient house. It's beautiful. Kahit na makaluma ang naging style niya, hindi pa rin mawawaglit sa isipan ng mga taong makakakita nito ang kagandahan tinataglay ng bahay na ito. Gustuhin ko mang makita ang loob upang maaralan kahit kaunti man lang ang naging desinyo nito ay hindi ko magawa.

Nagpatuloy ako sa aking trabaho. Dalawang araw na simula nung umalis sila Kate. At sa araw rin na iyon, ako na ang nagsisilbi sa aking sarili. Yes, I want a simple life, but hindi ko naman alam na ganito kahirap ang maglaba ng damit. To the point na magkakasugat na ang aking kamay dahil sa hindi sanay ang aking balat sa ganoong uri ng sabon.

At simula rin nung tumawag ako ni Zette, na pagdisesyonan nilang dumalaw rito sa probinsya. Nung una ay hindi sila makapaniwalang buhay ako. Knowing that the Hontiveros' are busy finding my body under the ocean. Napagdisesyonan ko ring huwag munang ipagsabi sa iba na buhay ako. Maging kila Mama at Papa. At maging kay Alesso. Mas mabuti na iyong ang paniwalaan nila sa ngayon.

I don't know if he's worried about me that time? O awa ba ang naramdaman niya sa akin sa mga panahong iyon. Aaminin ko, walang araw na hindi ko naalala siya. Kunting galaw ko, 'Hinahanap niya kaya ako?'. Iyang ang palaging tanong ko sa sarili, at hindi ko alam. I don't know why I'm being like that. Kung kailan nagsimula? Siguro, pinaniniwalaan ko na ang sinabi nila Tary sa akin. That's there's something change about me. And that's my heart. It doesn't beat only for me now. Because my heart beats for him, too.

I'm just afraid to admit it! Especially in front of my friends. Lalong-lalo na sa kaniya. Takot ako. And I hate confrontation, goodness!

Hindi ko na pansin na malapit na pala akong matapos sa aking ginagawa. Kaunti na lang ang aking hahakuting mga tuyong dahon na kailangang ilipat sa isang malaking drum. Ganito pala ang nagagawa ng malalim na pag-iisip. Pero hindi ko dadalasin, baka makagawa ako ng malaking bulsot kapag nagkataon.

“Dalian mo iyang ginagawa mo, Ria.” Wika ni Mang Poy. Si Mang Poy ang pinasuyuan ni Mang Ped na magbantay sa akin dito. Siya rin ang nagpapasok sa akin dito sa trabaho. Sa pagkakaalam ko ay matagal ng naninilbihan ang kanilang angkan ng Saragoza.

“Opo, Mang Poy.”

“Dalian mo riyan sapagkat tutulong ka pa sa itaas dahil sa makalawa ay dadating na sila Sir.” Nilingon ko si Mang Poy na ngayon ay nagbubuhat na ng isang sakong bigas para ilagay iyon loob ng kabahayan.

“Opo,” sabi ko at ibinaling ulit ang atensyon sa ginagawa. Dali-dali kong ginawa ang aking trabaho dahil sa sinabi ni Mang Poy at sa kagustuhan ko ring makauwi ng maaga. At sa kagustuhan ko ring makita ang kabuoan ng bahay.

Nang matapos kong gawin iyon ay pumasok na ako sa loob at umakyat sa ikalawang palapag kung saan ako inutusan ni Manang Alisia na tanggalin ang mga kurtina at palitan ito ng bago.

An Embroidered Lifetime ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon