Kabanata 26

34 5 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Anim
Hontiveros

~*~

Al called me that he will be the one who will pick me up. I look myself at the mirror. I'm wearing a maroon silky spaghetti strap dress. Pinusod ko ang aking buhok at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha. At sa kalagitnaan ng aking pag-aayos, habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin, hindi ko maiwasang mabalisa sa mangyayari mamaya.

Nag-iisip pa lang ako ay parang hindi ko na kayang lumunok kahit laway man lang. Hindi na din naman kasing puwedeng kakain lang kami roon. It's too awkward if we don't have a topic to talk to.

Wala nang anumang atraso ang aking Pamilya sa Pamilyang Hontiveros. It's just... Napabuga na lang ako ng isang malalim na hininga. Pilitin ko mang huwag alalahanin ngunit, Paano?! Hindi naman maaring wala si Luisa roon sapagkat hindi iyon tatanggi pagdating sa Pamilyang Curpoz. Lalo na kay Alesso.

Paano kung sabihin nila ang tungkol sa amin ni Al? Paano kung masaktan si Luisa? Alam kong masakit ang ginawa ng kanilang Pamilya sa amin. Lalo na sa akin. How could I ever forget the time that Luisa scourged me at the nape using a metal, na naging sanhi upang mapadpad ako sa Sicayab. But, I'm thankful at the same time. 'Cause if that didn't happened, walang kasalang magaganap five years ago. At kahit ganoon ang ginawa niya, I can't stop being worried. Babae din ako. At bilang isang babae, masakit din sa akin ang makasakit ng kapuwa ko babae.

Ngunit kung ang kaligayahan ni Luisa ay mapasakaniya si Alesso ay hindi ako magdadalawang isip na baliin ang prinsipyong mayroon ako. Five years is enough to make Alessandro Curpoz fall in love with her. But we end up with each other. Siguro para sa akin nga si Alesso.

Nawala lamang ang aking atensyon ng makarinig ako ng katok. "Pasok." Sabi ko at bumukas ang pinto at inilabas roon si Al. He's wearing a Gray tux. He look hot! Napalunok ako ng konti.

"Are you ready?" Tanong niya sa akin at niyakap ako habang ako'y naka-upo, siya naman ay nakatayo. Dinampian niya rin ako ng isang halik sa aking labi na siyang nagpabilis ng tibok nito. Mierda!

"Uhmm... kanina pa." Sabi ko sa kaniya nang hindi siya tinignan sa mata. It doesn't mean that I don't want to look those light brown eyes! Ayaw ko lang palalain kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

"You okay?"

"Yeah. Tara na?" Pagkasabi ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naunang pumunta sa hamba ng pintuan. Nilingon ko siyang muli at sinabing, "Halika na!"

"Gusto mo ba talagang pumunta? Pwede namang hindi tayo pumunt-" Pinutol ko ang gusto niya pang sabihin.

"Yes, I want go. Kaya halika na." Bumalik ako kung saan ang kinaroroonan niya at hinila ko ang kaniyang kamay. But it turns out, ako ang nahila Niya.

Nang mahila niya ako ay iniyakap Niya sa akin ang kaniyang mga braso. Isang dakal na lamang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Lalo ko lamang makaramdaman ang biglang pagbilis ng aking puso ng dinampian niya ng halik ang aking labi. "Kanina pa ako naghihintay. Baka nakalimutan mo lang." Sabi niya sabay kalas at hinawakan ang aking kamay. Pinaharap niya ako sa salamin at niyakap ako mula sa likuran. Habang pinagmamasdan ang aming repleksyon ay doon ko lang napagtanto na lumalaki na nga aking tiyan. Naramdaman ko rin ang kamay ni Al roon. Dahan-dahan niyang hinahaplos ito. Parang may humaplos sa aking puso. Nanatili kami sa ganoon posisyon ng napagdesisyonan ko ng umalis na kaming dalawa.

Hila-hila niya ako habang papunta kami sa kaniyang sasakyan. Along the way, hindi ko mapigilang hindi isipin. Ano ba dapat kong gawin habang nasa harap nila? Kung paano ako aakto sa harapan nila, mas lalo na kay Luisa! Should I gave her a beso? Hell! I've never been kiss the checks of the people who treats me an enemy! Ayaw ko rin!

An Embroidered Lifetime ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon