Kabanata 23

36 5 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Tatlo
Annulment

~*~


Hindi na tuloy ang plano kong magpa-check up, dahil dinala ako ni Stev sa Condo ni D. I let him drive. Wala ako sa tamang pag-iisip para magmaneho kaya nung sinabi niyang siya na, ay ibinigay ko kaagad sa kaniya ang susi.

Nakatingin lang ako sa mga tanawin na nadadaraanan namin mula sa bintana, habang nag-iisip. Tila pinuproseso ang mga nangyari kani-kanina lang. At sa tuwing naalala ko ang eksenang magkasama si Al at Luisa, nanghihina ako. Nanlulumo ako. Nasasaktan ako.

Nag-umpisa na namang manubig ang aking mga mata. Agad ko namang pinunasan iyon gamit ang mga kamay. At ipinikit ko muna ang mga mata at pilit na itinatak sa isipan, na wala na. That I need to move forward on my own.

Nang makarating kami sa Condo, ay walang tao. Si Adi ay nasa school. Diana is busy with her work. Pabagsak akong umupo sa sofa. Kami lang ni Stephen ang narito. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil nahihilo na naman ako. Naramdaman kong may tumabi sa akin, kaya naman ay inimulat ko ang aking mga mata at nakitang si Stephen iyon.

"Are you fine now, Sencha?" Bigla niyang tanong. Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya at huminga ng malalim. "C'mon, Sench. Okay ka na ba?"

"Medyo nahihilo pa ako, Stev." Saad ko. Ngunit iba pala ang tinutukoy nito.

"That's not what I meant. I am asking that if you're okay now?" Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Napalingon ako sa kaniyang gawi.

"Medyo nahihilo nga lang ako. Ano ba, Stev?"

Nagpakawala muna siya ng isang malalim na hininga. "Ang ibig kong sabihin, okay na ba puso mo?"

Nakatingin ako sa mga mata ni Stev. Nagdadalawang isip kung aamin ba o itatago na lang. And I dont know how to explain this feeling. Nararamdaman ko na naman na may namumuong luha sa aking mga mata. Kaya iniwas ko ang tingin sa kaniya at ipinikit ulit ang mga mata. Para mapigilan ang paghikbi ay malalim na hininga ang aking ginawa.

How? How to be okay? Because the time that I came back, I don't know which ground to step on. Should I step on. Kasi hindi ko din naman alam kung nasa lugar pa ba ako.

We're married, yes. Ngunit hindi issue sa akin ang tungkol sa relasyon namin bilang mag-asawa sa papel, kung di ay iyong... iyong... I don't know. Maybe our... feelings for each other.

I could feel that Al love me. Since before. It's just, my conscience won't let me. Imagine, I left him, 5 years ago. During those five years, Luisa is there. Akin si Al. Akin siya ngunit hindi naman pwedeng kunin ko kung ano ang akin lalo na't iniwan ko siya. And, I'm afraid. Na baka kapag naging akin ulit si Al, maulit ang sitwasyon na nangyari noon. Na kailan ko ulit siyang iwan.

"Alam mo, Sencha," simula ni Stephen. Nilingon ko ito. Nakatulala lang siya habang nagsasalita. "Hindi lahat ng pagkakataon kailan mong magparaya. Hindi lahat ng panahon ay dapat gawin mo ang sigurado. May mga panahon na dapat maging matapang, brave enough to face the consequences."

"Ano ba itong ginagawa ko ngayon, Stephe-"

"Hindi iyan katapangan, Sencha. Kaduwagan ang ginagawa mo. Takot kang maulit iyong dati? Then, let it be. Hayaan mong sakit mismo ang magturo sayo," He said and now, he face me.

"Paano kung hindi ko kayanin?" I said as tears running down on my checks. Nang makita niya iyon ay lumapit siya sa akin at siya na mismo ang pumunas ng sarili kong luha.

"No, kaya mo, Sencha. Kasi kung hindi mo kakayanin, hindi ka aabot sa ganito. And let pain take you in the place where you belong." Wika niya habang kinakain ang distansyang mayroon kami at niyakap ako.

An Embroidered Lifetime ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon