Kabanata 29

41 5 0
                                    

Kabanata 29
Finally

~*~

As I look my own reflection in the mirror, hindi ko maiwasang kabahan. It's not like this is a first time, ngunit iba ang kasalan na naganap five years ago.

Noon, basbas lamang ng mga kaibigan ko at ng mga pinsan niya, ngunit ngayon, nariyan ang mga taong naging parte ng aming pagkatao.

Nang malaman nila Papa at Mama ang tungkol dito, they become emotional. Ang Mama ay isang araw nang hindi lumabas ng kuwarto dahil sa kaniyang nabalitaan.

Ang Papa naman ay tanging 'Kamusta' lamang ang masasabi niya sa tuwing naaabutan ko sila. Pakiramdam ko ay iniiwasan nila ako. They even say sorry to me.

One time, naabutan ako ni Papa na gising sa loob ng aking kuwarto. It's past nine oclock in the evening. He knock at my door kahit na nakabukas naman ito. Rason upang ituon ang aking atensyon roon.

"Pwede ba akong pumasok?" He ask. Mukha siyang matamlay but he manage to smile.

"Oo naman po." He let his self in. Lumapit siya sa aking kama kung saan ako nakaupo. I was busy packing my things.

Plano ni Al na kunin ako sa poder ng aking mga magulang at doon na tumira sa Penthouse niya. Nang makaupo sa aking tabi ang aking Ama, hinawakan niya ang aking kamay.

"I'm sorry, Anak." Wika ni Papa. "Pasensya na sa mga nagawa ko. Hindi ko lang kasi alam kung ano ang dapat kong gawin. Sa kagustuhan naming mapabuti kayo, hindi ko namalayang nasasaktan ka na pala. Hindi ko namamalayang kaya niyo pala. Pasensya na kung hindi ko iyon nakita. Pasensya kung hindi kami nanalig sa magagawa niyong dalawa. Pasensya na kung hindi ko pinaalam sayo ang mga plano-"

Hindi ko na pinatapos si Papa at niyakap ko na lamang siya. I hate seeing him cry. Kahit siya pa ang may kasalanan.

"It's okay, Pa." Ani ko habang hinahaplos ang kaniyang likod upang tumahan na. At habang ginagawa iyon, pilit kong pinipigilan ang sarili ma mapaluha.

"You know what, Papa, I'm so thankful dahil nangyari iyon sa akin. Dahil kung hindi nangyari iyon, hindi ako ang Cresentia Generoso na kaharap mo ngayon. Siguro ako pa rin ang Cresentia na nakilala mo five years ago. Iyong basta na lang tatakbo at lalayo. Na hindi man lang iniisip kung may maiiwan ba ako o wala. Siguro ako pa rin Sencha na walang ibang kayang gawin kundi ang maging makasarili-" He cut me off.

"Kailanman, Sencha, hindi ka naging makasarili. Sapagkat, mas pinili mong iwan ang taong tinitibok nito," Sabi niya at tinuro ang aking puso. "Upang maisalba mo ang ating negosyo. Ang ating pamilya. Hindi ka naging makasarili, Anak. At iyon ang gusto kong baguhin mo sa iyong sarili. I want you to be happy and free, Sencha." Hindi ko na mapigilan ang agos ng aking mga luha.

Hindi ko lamang maiwasang isipin ang mga pangyayari iyon. Natauhan lamang ako nang may narinig akong nagsalita sa may pinto.

"Hey," nilingon ko ang taong nagsalita. Nakita ko si Stephen sa may hamba ng pintuan.

His wearing a black tuxedo. He look good. Lalo na at mas lalo humubong ang kaniyang pangangatawan dahil sa training.

"Hey," saad ko. "Kanina ka ba riyan?" Tanong ko sa kaniya. Lumapit si Stev kung saan ako nakaupo.

Kaya naman nang makalapit ay ibinalik ko muli ang aking tingin sa salamin. Nasa aking likuran si Stev habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin.

"You look beautiful, love." Wika niya habang nakapamulsang pinagmamasdan ako. And with that, I look at his eyes. Using his own reflection. Every time he calls me 'Love', bumabalik ang alaalang limang taon na ang lumipas.

An Embroidered Lifetime ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon