Kabanata 30

81 5 0
                                    

Kabanata 30
Wakas

~*~

Walking towards to the library, makes me feel nervous. Having a meeting with Mr. Alejandrino Curpoz, my Grandfather, is kind a special. Ngayon niya lang ako kinausap muli simula noong ako na ang namamahala ng kompanya. At habang naglalakad patungo roon, thoughts are playing in my mind.

Tinatanong sa sarili kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. And if it is about business, nagkakamali ako. Señor Alejandrino would not meddle. Katulad na lamang noong ipinasa niya kay Papa ang kompanya. Hindi siya makikialam kung ano ang gagawin ng aking Ama sa kompanya. Wika pa nito ay tapos na ang kaniyang termino.

Iyon din ang nakasanayan ng aming pamilya. Kung kanino ito imamana ay wala ng anumang koneksiyon o karapatan ang sino man kundi ang taong magmamana. And now, it's my time. Kung kaya't nakakapagtaka na ipinatawag niya ako.

Nang nasa harapan na ako ng pinto ng Library, kumatok muna ako ng dalawang beses. After that, walang pahintulot kong binuksan ang pinto at naabutan ko si Señor Alejandrino na naka-upo sa ginta ng buong library.

His house is so big. Hindi mo aakalaing mag-isa lamang ang nakatira. After Doña Mirabelle Curpoz died, tila isang multo na lamang ang naging kasama ng matandang Curpoz. Hindi na rin siya tumatanggap ng mga katulong para maglinis sa buong kabahayan. Habang naglalakad kanina ay hindi ko maiwasang maapakan ang mga tuyong dahon na nagkalat sa sahig nito.

At nung ilibot ko ang aking mga mata sa kabuoan ng Library, masasabing kong mas malaking ang library sa Hacienda.

"Are you done?" Tanong sa akin ni Señor. Tinignan ko siya habang nakakunot ang aking noo. "Mukha kang hindi pa nakakapasok sa isang malaking bahay, Alesso. Hindi ka ba nagsasawa kakatingin sa bahay roon sa Hacienda?"

"Well, I'm just comparing your chip house sa bahay roon sa Hacienda." Nang sabihin iyon, ay bigla na lamang humagalpak ng tawa ang matanda.

"Nagmana ka nga talaga sa iyong Ama. Noon, sabi niya ay hindi raw siya gagaya sa bahay na ito. Masyadong makaluma at ang liit tirhan para sa kaniyang Pamilya. Hindi ko din naman aakalain na mag-isa ka lamang at hindi na nasundan." Bakas pa rin ang tuwa sa kaniyang mukha.

"Bakit mo ako pinapunta rito?" Tanong ko sa kaniya. Ayaw kong mag-aksaya ng oras, lalo pa't kinakailangan kong puntahan si Cresentia sa kanilang Paaralan. I need to see if she's fine. Knowing that Hontiveros boy is kind a importunate.

"Maupo ka muna, Al." Sabi niya at inalok niya ang isang bakanteng upuan na nasa kaniyang harapan. Señor Alejandrino Curpoz is already old. He's 83 years old. Nakakalakad pa rin naman ngunit he prefer to sit than to exercise his body. Ika niya pa ay nakakatamad na raw.

"I've heared that you're having a good time stalking at that girl. Ano nga ang pangalan niya?" Sabi niya nang makaupo ako sa kanoyang harapan. Wala akong masagot sa kaniya. Wala akong binanggit sa kaniya tungkol sa pagbibisita ko kay Cresentia. At kahapon lang ay nagkabungguan kami sa may pinto ng Cafeteria sa kanilang Unibersidad. At kagabi rin ay hindi ako nakapunta sa kanila ngunit nalaman ko kay Mama na wala raw akong pag-asa.

Nakatingin lamang ako sa aking Lolo. Umaakto itong nag-iisip. Yes, I've been visiting Sencha. Dinadalaw ko ito sa tuwing may bakante ako sa trabaho. Nagsimula ito noong mga panahon na bago lamang ako sa kompanya.

Nang malaman ko mula kay Isaac na doon sa Unibersidad na iyon nag-aaral ang magkapatid, nakasanayan ko na ring dalawin at tanawin siya mula sa malayo.

"Kailan ang plano mong kumilos?" Natatawa niyang tanong. Tila insulto ito sa aking pandinig. Inabot niya sa akin ang isang inumin.

An Embroidered Lifetime ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon