CHAPTER 2: ENCOUNTER

468 216 30
                                    

"Toxic dance naman ang sayawin niyo." Suhestiyon ng isa naming kaklase.

"Bessy, aba'y huwag kang dadale ng pinakamagaling mong sayaw, baka biglang makasayaw ang dalawa e madaig tayo, naku po!" Sabi ni Sophie na ang tinutukoy ay sina Akesha at Nicole.

Sumama naman ang tingin ni Akesha sa kanila na kanina lang ay sobrang busy sa pag ce-cellphone.

Siya si Akesha Manzano, na mas kilala bilang 'the omegle girl babies'. Nahilig siya sa omegle app simula ng makakilala siya ng isang gwapong lalaki. Hindi kasi nagpakilala sa kanya 'yung unang lalaking na-meet sa omegle app niya kaya't patuloy siyang nag-omegle at umaasa parin na magtatagpo ulit ang landas nilang dalawa.

Anyway, sikat siya bilang omegle girl babes dahil napasama na rin siya sa mga vlog at content creator ng ibang nag o-omegle.

Marami na ring nagkakagusto sa kanya pero hindi siya pumapatol at nakikipagflirt lamang ito. Hindi rin ito gaanong marunong sumayaw at kumanta pero matalino naman siya lalo na pagdating sa Science subject.

"Hoy Mayor, manahimik ka d'yan!" Saway ni Nicole kay Sophie.

Dahil kay Nicole ay mayroon akong lalaki na nagawan ng masama kahapon, haha nanisi pa.

Anyway, siya si Nicole Dela Torre, sa unang tingin ay hindi mo marahil siya aakalaing may taglay na talento dahil sa kanyang simple at walang arte na personalidad. Hindi siya kilala sa kanyang kakayahan sa pagkanta o pagsasayaw, ngunit may isang bagay na talaga namang nagpapakita ng kanyang kahusayan - ang kanyang galing sa pagdo-drawing.

Si Nicole ay may natural na talento sa paglikha ng mga obra maestra gamit lamang ang kanyang lapis at papel. Mula kina Belle Mariano at Donny Pangilinan hanggang kay Joshua Garcia, lahat sila ay nabigyan niya ng magandang drawing na talaga namang kahanga-hanga.

Dahil sa kanyang natatanging talento, si Nicole ay madalas na napipili at nagwawagi sa mga poster-making contest na ginaganap sa aming paaralan. Ang kanyang mga obra ay hindi lamang nagpapakita ng kanyang galing sa pagdo-drawing, ngunit nagpapahayag rin ng kanyang malalim na pagkaunawa at malasakit sa mga isyung tinatalakay sa mga kompetisyon.

Ang kanyang mga tagumpay sa mga poster-making contest ay patunay na ang talento at dedikasyon ay nagbubunga ng magagandang resulta.

Sa aming anim na magkakaibigan ay siya lang ang may boyfriend.

Her boyfriend named Ace Manalo. Mag a-anniversary na sila this coming March at todo support naman kami sa relasyon nilang dalawa.

Saksi kami kung paano sila nagkakilala, nagkadevelopan, nag-asaran, nag-away at nagbati. In short, we are the witnesses of their love's story.

Ayokong magsana all! HAHAHA

Ayoko munang magkaroon ng relasyon 'noh.

"Mag c-cr lang ako babe." Paalam ni Ace kay Nicole. Tumango naman ito bilang sagot.

Nang makita kong nalapit ito kay Nicole upang humingi ng halik ay agad ko siyang sinaway.

"Huy! Nasa school tayo, wala tayo sa motel!" Saway ko sa kanya, napasimangot naman ito at saka padabog na lumapit sa akin.

"Hyst! Mas strikto ka pa sa girlfriend ko eh!" Iritableng saad niya na hindi ko naman pinansin.

"Pagsabihan mo nga 'yang asawa mo!" Natatawang sabi nito kay Skyler na kararating lamang.

What!? Asawa!? Si Skyler!?

---
We don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now