CHAPTER 74: UNDERWEAR

86 51 2
                                    

Lumipas ang isang buwan pero hindi pa rin namin matanggap ang nangyari kay Phanie. Halos isang buwan kaming hindi pumasok, nagkulong lang ako sa kwatro at hindi ko mapigilan na oras-oras ay umiiyak ako. Mabuti na lamang at dinadamayan ako nina mommy at daddy, pati na rin ng mga kapatid ko. Tunay ngang sila ang pamilya ko.

Nagkaroon man kami nang away sa amin ni mommy ay bumawi naman siya sa akin. Ginawa niya ang lahat para mapasaya ako.

"Baby," pagtawag ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. "Nakahiga ka pa ba?" Tanong nito.

Maya-maya ay pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Umayos ako ng upo sa kama ko.

"Mommy, ano na pong balita?" Ilang linggo ko na iyong tinatanong sa kaniya upang alamin kung ano nang proseso sa kaso na nangyari sa mall namin.

Umiling lang ito bilang sagot.

"May ginagawa ba kayo mommy? Hindi ba dapat ay may update na kayo tungkol sa nangyari!? Ano bang ginagawa niyong proseso? Bakit napakatagal?" Galit na saad ko sa kaniya.

"Anak, ginagawa na ng mga police ang paraan para malaman ang pinagmulan ng sunog."

"Pero bakit wala pa ring update?! Hanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan kami maghihintay?!" Naiinip na tanong ko.

"Maghintay pa tayo nak. Please!" Pakiusap niya.

"Pero hanggang kailan pa mommy?! Hanggang sa may mawala na ulit? Hanggang sa may mangyari na namang masama?"

"Iya!" Nagulat ako nang biglang may sumigaw mula sa labas at halos mapatakip ako sa katawan ko ng kumot nang makita ko kung sino iyon.

"R-radish! Anong ginagawa mo rito?"

"Tama ba na sigawan mo ang mommy mo?"

"E ikaw, tama ba na bigla-bigla ka na lang napasok rito?" Napatingin siya sa akin at mabilis na tumalikod.

"Hindi ko sinasadya. Akala ko may suot kang bra." Saad nito.

"H-huh! Ano?" Napanganga ako sa sinabi niya.

Nakita ba niyang wala akong suot na bra?

Halata ba kahit may suot naman akong damit?

"'Yun oh!" May tinuro siya habang nakatalikod at nang tingnan ko kung ano iyon ay nakita kong nakalagay ang bra ko sa ibabaw ng lamesa.

Mabilis ko iyong kinuha at itinago sa ilalim ng kumot ko.

Nakakahiya!

"Lalabas na ako. Mag-usap tayo sa baba." Mabilis siyang lumabas habang nakatalikod pa rin.

Hayyy, ano ba 'yan?!

"Ang cute," sinamaan ko ng tingin si mommy nang sabihin niya iyon.

"Ate, akala ko bawal magpapasok sa kwarto mo?" Biglang tanong ni Emman at nagtatakbo sa kama ko at niyakap ako.

"Na-miss kita ate. I miss you sobraaa." Nanggigigil siyang yumakap sa akin.

"Ano ba Emman?! Lumabas ka nga rito!" Pilit ko siyang pinapaalis sa yakap niya pero pinipigilan niya ako.

"Ayoko nga! 'Yung evol mo ay pinapasok mo dito tapos akong kapatid mo ay hindi, napaka-unfair mo kung ganun!"

"Tss, ewan ko sa'yo." Niyakap ko na lang din siya.

Na-miss ko rin naman ang kakulitan niya. Hindi kasi ako nagpapasok sa kwarto ko ng mga nagdaang araw kaya alam kong na-miss niya rin ako.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now