CHAPTER 3: SECRETLY INLOVE

391 208 37
                                    

SKYLER POV'S

Hindi natin masasabi ang pagtibok ng ating puso sa ibang tao.

Maaaring ito ay nagbibigay sa atin ng kakayahang maramdaman ang kasiyahan, kalungkutan, pagmamahal, galit, at iba pang mga emosyon. Ngunit, sa kabila ng ating mga pagsisikap na maipahayag ang ating mga damdamin sa iba, may mga limitasyon din naman tayo. Hindi natin maaring ipilit sa ibang tao na maramdaman ang ating mga damdamin. Sa halip, ang mga ito ay magsisibling isang paalala sa atin na may mga bagay na personal at intimate na karanasan na hindi natin maaring ibahagi ng lubusan sa iba. Ito ay nagpapaalala sa atin na kahit gaano natin kagusto na maipahayag ang ating mga damdamin at karanasan, may mga limitasyon tayo.

Narito ako ngayon sa hallway namin at hinihintay ang pagbalik ni Iya.

Ano na kayang nangyari sa kanya?

Sana naman ay hindi siya mapagalitan ni ma'am dahil sa nangyari kanina.

Napalingon ako kay Aaron ng bigla siyang pumasok sa aming room at kasunod niya ay si Cliere na hindi maipinta ang mukha pero wala akong pakialam sa kanya, si Aaron ang problema ko.

Dahil sa kanya ay magkakaproblema na naman ang aking babe.

Alliah Joyce Lavaro is my close friend simula ng pumasok siya dito sa school na ito. Araw-araw ko na siyang nakakasama at nakakakwentuhan.

Mas lalo pang napalapit ang loob ko sa kanya dahil magkatabi kami palagi sa upuan at nagku-kwentuhan ng kung ano-ano tungkol sa buhay namin at minsan ay mga random at deep thoughts.

That's why, i secretly inlove with her.

Sino ba kasing lalaki ang hindi maiinlove sa kanya?

Maganda siya at mabait.

Masiyahin rin siya kausap at masarap kasama.

She's my ideal girlfriend.

But the problem is... Hindi ko kayang sabihin kung ano man ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Ayoko na mawala ang pagkakaibigan namin at ayokong ma-reject.

I was scared!

Alam kong mas mahalaga sa kanya ang makatapos ng pag-aaral kaya't hanggat nag-aaral pa siya, maghihintay ako sa kanya.

Maghihintay ako sa oras na handa na siyang pumasok sa isang relasyon.

Pero... Tila kakaiba ang tadhana...

Ang tingin pa lang ni Aaron kay Iya kanina ay alam kong kakaiba na.

Bakit ang babe ko pa?

Napakarami namang babae ah. Hyst. Subukan niya lang talagang agawin sa akin ang babe ko. Hindi ako magdadalawang isip na magpatalo at makikipagtunggali pa ako sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ng aking pag-iisip ay agad akong napangiti ng makita ko si Iya na naglalakad sa may hallway.

Ang kanyang presensya ay parang anghel na nagbibigay liwanag sa aking mga mata. Binibigyan niya ng buhay at kulay ang aking mundo na dating malungkot at walang sigla. Sa bawat pagkakataon na nakikita ko siya, nagiging kalmado ang aking damdamin at nabubuo ang aking araw. Ang kanyang ngiti ay parang sinag ng araw na nagpapaligaya sa aking buong pagkatao.

Ang bawat tibok ng aking puso ay nagiging mas mabilis sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Ang kanyang ngiti na puno ng kagandahan ay nagbibigay sa akin ng kasiyahan at kumpiyansa. Ang bawat segundo na kasama ko siya ay nagiging espesyal na hindi ko malilimutan.

Huwag kang ganyan babe baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mainlove na ako sayo nang todo.

Mas lumawak ang ngiti ko ng makita ko siyang papalapit sa pwesto ko.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now