CHAPTER 40: COLD

93 52 4
                                    

AARON POV'S

(Oh mga bibliophiles babies, huwag masyadong excited sa mangyayari ah. Pati ako nadadamay hihi <3 )

"Kuya! Gising na nga!" Rinig kong sigaw ni Yesha.

Pagmulat ko ng mata ay agad na bumungad sa harapan ko ang galit na mukha niya.

"Ano bang oras ka natulog at tanghali na ay hindi ka pa nabangon!" Sermon niya sa akin.

Nagtakip ako ng unan upang hindi na marinig kung ano mang sasabihin niya.

Bigla akong napaisip sa tanong niya...

Ano nga bang oras ako natulog?

8pm ba? 9pm?...

Ay wait, Ano nga bang mga ginawa ko kahapon?...

Naglaba lang ako ng kaunti di'ba? tapos ay nagcellphone...

Tapos ay...

"Ayy put*." Mabilis akong napabangon sa hinihigaan ko ng may maalala akong maling ginawa ko.

Nakausap ko nga pala si Iya kahapon at napaamin ako sa kanya!!!

Pero narinig niya ba 'yun?...

"Huwag mo nga akong murahin kuya!" Galit paring saad ni Yesha.

Napatingin ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na nakasuot na pala siya ng school uniform.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"5:30am na kuya. Hindi ka naman siguro papasok 'noh!" Saad niya na ikinabigla ko.

"Ano??? 5:30 na? Agad?" Gulat na tanong ko.

Alas dos na ng madaling araw ako nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip tungkol sa nangyari kagabi tapos ilang oras pa lang pala ang tulog ko!

"Aalis na ako kuya, sasabihin ko na lang kay sa prof mo na hindi ka papasok da---" napatigil siya sa pagsasalita dahil sa pagsigaw ko.

"Huwag!"

"Ano?" Tanong niya.

"Papasok ako." Mabilis na sabi ko.

"E tanghali na ah." Saad niya.

"Basta, papasok ako." Mariing sabi ko.

"Sure ka?" Paninigurado niya.

"Uo!" Saad ko.

"Sige. Ayusin mo ang sarili mo ah." Natatawa niyang saad bago lumabas ng kwarto ko.

Ano namang nakakatawa sa sarili ko???

Napatingin ako sa salamin at nakita kong sobrang gulo ng buhok ko at may EYE BAGS pa ako! Hyst!

Bakit ngayon pa?

Paano ko kakausapin si Iya sa nangyari kung ganito naman ang itsura ko???

Hindi na ba ako ang the cutiest man in the world?

Wala sanang pumalit, huhu!

"Kuyaaaa! Bilisan mo naaaa!" Sigaw ni Yesha mula sa baba.

Mabilisan na akong naligo at nag-ayos ng sarili pero 'yung eye bags ko ay nandito parin!

"Iya naman, bakit mo ba ako ginaganito?" Pagtatanong ko habang nakaharap sa salamin.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now