CHAPTER 59: AMOUR

92 52 3
                                    

"Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano d'yan, nasabi ko na sa mommy mo na dito na muna tayo tutulog. Naitawag niya na rin daw agad na bibigyan nila tayo ng hiwalay na kwarto."

"Ahh, ganun ba. E si daddy anong sabi niya? Siguradong magagalit na naman 'yun sa akin. Ayoko na ulit mangyari 'yun." Nag-aalalang saad ko.

Naiilang naman siyang tumingin sa akin. "Hindi ko pa siya nakakausap e."

"Bakit naman?" Tanong ko. "Natatakot ka siguro sa kanya 'noh." Panlalait ko sa kanya.

"Natural lang naman 'yun noh! Natatakot lang naman ako dahil baka hindi niya ako kayang tanggapin bilang manugang niya." Nagulat ako sa sinabi niya.

Ano raw?

Manugang?

Pagiging isang manugang agad ang nasa isip niya?... Talagang malawak ang plano niya sa buhay. Jusko!

Naglakad na lang ako papasok at kinausap ang nasa front desk na employees para mag-check-in.

"Good evening ma'am. It's nice to see you again." Saad ng babae.

Anong ibig niyang sabihin?

Again raw... Nakapunta na ba ako rito?

"Hehe thanks." 'Yun na lang ang nasabi ko.

Maya-maya lang ay inihatid na kami ng babaeng employee sa aming magiging kwarto.

"Evol," papasok na sana ako ng kwarto nang tawagin ako ni Aaron, nasa room 308 siya habang ako naman ay nasa 309.

Magkahiwalay nga kami ng kwarto ni Aaron pero magkatabi naman. Kagaling sadya ni mommy. Naku!

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Tsk, sungit." Bulong nito at maya-maya lang ay nag-hand sign siya na 'tatawag ako'.

Bahagya naman akong napangiti. Bilang sagot ay nag-hand sign ako sa kanya na 'tatawagan ko muna si daddy'. Tumango naman siya kaya't pumasok na ako sa loob. Ibinaba ko muna ang gamit ko bago tinawagan si daddy.

"H-hello dad, sorry po hindi ko po agad nasabi sa inyo na narito ako sa Cebu."

"Okay lang anak, i heard about what happened to you kaya't you deserve to be happy. Pasensya ka na ah at hindi na kita naipagtanggol sa anak ni Amado," napangiti ako sa sinabi niya dahil alam kong may care pa rin siya sa akin kahit na may nagawa akong kasalanan sa kanya. "But, mag-iingat ka pa rin ha lalong l.alo na dyan kay Aaron"

"Dad naman, mabait naman po siya"

"Yeah, i know pero totoo bang lalaki 'yan?"

"P-po?" Nagulat ako at napaisip sa sinabi niya.

Totoong lalaki?

Bakit naman niya nasabi 'yun?

"May narinig kasi akong balita na nakasuot daw siya ng dress at naka-makeup pa. Naku anak, bantayan mo 'yan." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Pinagawa ko lang po 'yun sa kanya. Nakakatuwa nga po dahil nagawa niyang gawin iyon sa harap ng maraming tao."

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now