CHAPTER 9: ORDER: IKAW BAHALA

239 185 4
                                    

After a few minutes of deep thought, nagdesisyon na akong magpaalam kay Ate Siera at maglaan ng oras para sa aking sarili. Kailangan ko muna ng panahon upang mag-relax at magpahinga.

"Ate Siera, lalabas muna ako," sabi ko sa kanya na may halong pagkabahala. "I need time for myself first. I want to relax and rest."

Sa aking mga salita, naramdaman ko ang aking pangangailangan para sa isang break dahil sa radish na 'yan at ang aking pangangailangan para sa isang panahon na para sa aking sarili lang.

"Iya, evol, saan ka pupunta?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa kakaibang sinabi niya.

What?

Ano raw?

"E-evol? What's that?!" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Ibang language ba 'yun na ibig sabihin ay pagmumura? Huwag naman sana!

"Evol is the word love spelled backwards. Nice di'ba?" Napanganga naman ako dahil sa sagot niya.

Wala na ba siyang matinong sasabihin o totoong seryoso na siya sa sinabi niya kanina! Juskooo!

Napatitig naman siya sa akin na parang natatakot.

"Hehe sorry na, evol."

"Stop calling me that f*cking call sign!" I said to him angrily, full of anger and frustration. I ignored him and continued walking out.

"Bakit? Maganda naman 'yun ah, My love, my evol," saad niya na may diin at determinasyon sa kanyang boses. "Iiwan mo na naman ba ako?"

Napatigil ako ng paglalakad dahil sa naging tanong niya pero hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad papunta sa parking lot.

"Evol, dito ka na sumakay," alok niya sa akin.

Handa na sana akong sumakay sa aking kotse nang bigla niya akong higitin papunta sa isang tabi.

"Pansinin mo ako!" Sigaw niya na puno ng galit at frustrasyon.

"Wow! Ang lakas naman ng loob mo ah! Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin!" Sagot ko na puno ng galit at hinanakit. Dahil sa  galit ay inilapit ko pa ang aking mukha sa kanya, para mas maramdaman niya ang aking galit at hinanakit.

Sa mga sandaling iyon, ilang metro na lang ang layo ng aming mga mukha sa isa't-isa. Sa mga sandaling iyon, nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking mukha.

"E sorry na nga eh!"

Aba! 'Yun lang ang sasabihin niya?

"Ganyan ba mag sorry, galit?... Wow!" Napapalakpak pa ako sa sobrang paghanga sa kanya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Kanina pa naman ako nagso-sorry sa'yo ah! Ilan pa bang sorry ang kailangan mo? Gusto mo bang hanggang sa pagtulog ay lambingin kita nang lambingin? Sabihin mo lang evol, gagawin ko naman eh!" Nagtaka ako sa sobrang kabaliwan na sinabi niya.

"Ano? Lambing?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at humakbang paatras.

Huh! Ano daw? Lambing?

Baka kambing!

Patawa talaga!

"Lambing naman sadya ang tawag dun! Bakit? Ano bang tawag mo dun evol?" Sandali akong nag-isip sa tanong niya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now