CHAPTER 78: PAPER

96 51 0
                                    

SKYLER POV'S

Ilang buwan na matapos kong nalaman ang nangyari tungkol sa nakaraan ng aking ama. Pinipilit kong tanggapin pero hindi ko magawa lalo pa't nakikita ko si Iya na masaya at nakangiti sa kabila ng lahat.

"Sir Ky, kumain na po kayo." Pagyayaya sa akin ni Virang pagkatapos kong lumabas sa kwarto.

"Hindi na," kagigising ko lang kasi at late na ako sa school kaya hindi na ako mag-a-almusal.

"Palagi na lang po kayong ganyan sir, may problema po ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ewan ko, hindi ko alam."

"Talaga sir? Mas mabuti 'yun." Saad niya na ipinagtaka ko.

"Ha?... Bakit naman?"

"Para marami kayong maging problema. Para po-problemahin niyo pa ang problema niyo."

"Hoy Virang, nagbibiro ka ba?"

"Po? Hindi noh!" Natatawa niya akong iniwan sa may sala at umakyat na siya sa kwarto.

Ano bang sinasabi niya?...

Po-problemahin ko pa 'yung problema ko, ganun?

So, ibig sabihin marami akong magiging problema?

Hayy, ano ba 'yan? Makaalis na nga.

Makalipas ang ilang oras ay dumaan muna ako dito sa restaurant upang makipagkita kay Mr. Hollis at ibigay ang bayad gaya nang napagkasunduan namin. Dinagdagan ko na rin iyon upang may pambili siya ng gamot.

"Asahan mong aalamin ko pa ang ibang impormasyon tungkol sa kanya." Saad niya na animo'y nangangako.

"Hindi na kailangan. Ayoko nang magkaroon pa tayo anumang koneksyon sa isat isa."

"Sigurado ka ba, Mr. Florez?"

"Oo naman." Siguradong sagot ko.

"May hihilingin lang sana ako sa'yo."

"Ano naman 'yun?... Tungkol ba 'yun sa nangyaring sunog?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Bigla tuloy akong nagkaroon ng interest sa sinabi niya at kalimutan na lang ang hihilingin ko sa kanya na sana ay hindi malaman ni Virang ang nangyayaring ito.

"Lahat na lang ba ay alam mo?!"

"Correction, inaalam ko pa lang Mr. Florez." Pagmamagaling niya.

"Aalis na ako. Mukhang hindi na tayo magkikitang pang muli." Saad niya at tuluyan nang umalis.

Gusto ko sana siyang kausapin ngunit gaya nang sinabi ko kanina ay ayoko nang magkaroon pa ng anumang connection sa kanya. Ako na lang ang kusang aalam ng totoong nangyari kung bakit nagkaroon ng sunog at kung sinong gumawa n'on.

Pagkarating ko sa school ay agad kong napansin si Cliere na namimigay ng mga libreng snacks sa mga napasok rito sa school.

Bago ito ah!

Ilang taon na siyang pumapasok rito pero ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Ni hindi rin siya gumanti kay Iya noong nagkaroon ng basketball game.

Kakaiba talaga siya ngayon!

"Anong meron?" Tanong ko sa babaeng nakapila.

"Snacks po. Mamimigay raw po siya dahil nanalo ang school natin sa basketball game. Ayos po di'ba?" Sagot niya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now