CHAPTER 68: PROTECTOR

83 53 0
                                    

CLIERE POV'S

Napakarami ng nagawa kong kasalanan sa buong buhay ko. Ang pagsuway sa utos nina mommy at daddy, ang pagtrato sa ibang tao ng hindi nararapat sa kanila, at ang pagsunod sa utos ng lalaking gustong gumahasa sa akin. Nagawa ko lang naman iyon dahil sa akala ko naiintindihan niya ang nararamdaman ko pero nagkamali ako... Mabuti na lamang at may tumulong sa akin.

Matangkad siyang lalaki, maputi, matangos ang ilong, malaki ang katawan, at may magandang ngiti.

Alam kong kahit takot na takot pa rin ako ay sasamahan niya ako. Mabuti siyang tao... Siya na nga siguro ang ideal man ko.

Pwede naman iyon di'ba?

Pwede na muling mahulog ang puso ko?

Pwede na ulit akong magmahal?

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas ng room pero nagulat ako nang makita ko ang kinaiinisan kong tao.

"G-gusto m-mo si I-iya?" Natatarantang tanong ko.

Tama kayo! Ako ang kasama ng kuya ni Sophie at ang kuya naman ni Sophie ang nagligtas sa akin!

Small world talaga!

Nakakagulat at hindi namin lahat ito inaasahan!

"C-cliere," halos gulat silang makita ako.

Naupo kaming lahat at ikinuwento ang nangyari. Sinabi rin ng kuya ni Sophie na boss niya pala ang lalaking nagtangkang gumahasa sa akin at agad niya raw itong ipapakulong. Natuwa ako dahil sa mga sinabi niya. Ito 'yung feeling ng inlove, ang saya ng puso ko!... Pero hindi dapat ako magdiwang dahil nandito pa rin si Iya.

Nadinig ko kaninang may gusto ang kuya ni Sophie kay Iya kaya't hindi ako dapat magpa-easy-easy lang.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ni Iya.

Tumango ako at uminom ng alak.

"Alam na ba ito ng parents mo?" Pagtatanong niya ulit pero hindi ako sumagot sa kanya.

Bakit ba siya nakikialam sa buhay ko?

Masyado naman yata siyang concern sa akin e hindi ko naman siya kaibigan.

"Cliere, you should call your parents." Saad ng kuya ni Sophie.

"S-sige," agad kong inabot sa kanya ang cellphone ko.

"Hindi ko kayang sabihin sa kanila. Pwede bang ikaw na lang ang tumawag...m-mister?"

"Kalix ang pangalan niyan. Kalix Rycko... Tss, nahihiya pang itanong ang pangalan ng kuya ko pero lakas ng loob kapag umaaway ng ibang tao." Inis na saad sa akin ni Sophie pero hindi ko iyon inintindi.

Ang nasa isip ko lang ay ang nagniningning na pangalan, KALIX! Pangalan pa lang ay napaka-hot na!

"Sige, tatawagan ko na ah." Tumayo si Kalix at nagpunta sa labas.

Pagbalik niya ay nakangiting ibinigay niya sa akin ang cellphone ko. Ang cute niya!

Mas lumalabas ang kagwapuhan niya lalo kapag ngumingiti siya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sina mommy at daddy kaya agad na kaming nagpunta sa police station para ipakulong ang lalaki. Sinabi ko kayna mom at dad na tinulungan ako ni Kalix kaya't niyaya siya na sumama sa dinner namin bukas, hindi naman ito nakatanggi dahil mapilit si mommy.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now