CHAPTER 54: HER REAL LIFE

91 54 2
                                    

SKYLER POV'S

Marami na akong pinagsisihan na pangyayari dahil sa rin sa kapabayaan ko.

Hindi ko kasi alam kung paano ipagtatanggol ang ibang tao... kagaya kanina... Hindi ko naipagtanggol si Iya dahil sa mga salitang sinabi ni Cliere.

"B-boyfriend ko."

Iyon ang unang beses na narinig ko at aminado akong natuwa ako nang sabihin niya iyon ngunit nakaramdam din ako ng inis sa kanya.

Gustuhin ko man na lapitin si Iya pero hindi ko magawa dahil ako mismo ay hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya.

Ito ang araw na isa sa mga pinagsisihan ko.

Ito 'yung araw na akala ko maswerte na ako... Hindi pa pala.

Noong mga oras na biglang dumating si Aaron ay natuwa ako sa kanya dahil alam kong kaya niyang ipagtanggol si Iya sa harapan ni Cliere...

Hindi kagaya ko na isang duwag...

Hindi ko kayang gawin iyon.

Umalis agad ako ng cafeteria para sundan sila ngunit hindi ko na sila nakita kaya't pumunta na ako sa kotse ko na kasalukuyang nakaparada sa labas ng school.

Paalis na sana ako nang bigla kong makita si Virang kasama ang dalawa niyang kapatid na batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na 3 hanggang 5.

Lumapit ako sa kanila pero sa tingin ko ay hindi nila naramdaman ang presensya ko dahil dire-diretso lang sila nang paglalakad.

"Hindi ko alam na day off mo pala ngayon." Pag-agaw ko ng atensyon sa kanila.

Napatigil sila sa paglalakad at ang kaninang tuwa sa mata nila ay napalitan nang pagkagulat at pagtataka.

"A-ah s-sir, kayo po pala." Kabadong saad niya.

Tumingin ako sa mga kapatid niya at hinaplos ang buhok nito.

"Ang cute niyo naman." Napangiti sila sa sinabi ko at bahagya namang nagtago ang isang maliit na batang lalaki sa likod ni Iya.

"Naku, nahiya ka pa. Siya si kuya Ky mo 'yan." Pagpapakilala ni Virang.

"Hello sa inyo. Anong pangalan ninyo?"

"Ako po si Edward, mabait po akong bata at sobrangggg masiyahin." Bibong sagot ng isang matangkad na batang lalaki at gumuhit pa ito ng smiley face sa hangin.

"Nice name ah. How about you little boy. What's your name?" Pagtatanong ko sa isang batang lalaki.

"Howard." Maikling sagot nito at mararamdaman na talagang mahiyain siya.

"Ang cute naman ng mga name niyo, kasing cute niyong dalawa." Bahagya kong pinisil ang mga pisngi nila.

"Talaga po?" Pagtatanong ni Edward, agad naman akong tumango bilang sagot. "E kayo po. Ano pong pangalan niyo?"

"Skyler ang buo kong pangalan pero itong pangit na ate niyo ay tinatawag akong sir Ky."

"Sir naman! Hindi naman ako pangit ah. Ang cute ko nga e." Pag-angal ni Virang.

"So, sinasabi mo bang ako ang pangit huh?"

"Naku, h-hindi po s-sir." Saad nito at kumumpas pa sa hangin ng hindi.

"Nga pala sir, may pasok po kayo di'ba?"

"Nawalan na ako nang gana pumasok."

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now