CHAPTER 30: WRATH

103 55 4
                                    

"Alliah!" Bigla akong napatingin nang biglang may tumawag sa akin.

Si daddy, masama ang tingin nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Aaron.

Mabilis akong nilapitan ni daddy at bigla na lamang hinablot ang kamay ko. Hindi ko magawang makawala dahil sa higpit ng hawak nito.

"D-dad." Nasasaktang saad ko.

Tiningnan niya lang ako at saka hinila para sumunod sa kanya. Wala akong magawa kaya't kahit nahihirapang maglakad ay sumunod na lang ako sa kanya.

Bakit ganito si daddy?

Minsan lang siya nagiging strikto sa akin pero kakaiba siya ngayon.
Makalipas ang aming mahabang paglalakad ay pumasok kami sa isang kwarto at doon bumungad sa akin sina mommy, Emman, ate Siera, ilang nurse at mga guards.

Bakit nandito sila?

Nang bitawan ni daddy ang kamay ko ay mabilis akong niyakap ni mommy.

"Sinong nagbukas ng gate sa likod?" Galit na tanong ni daddy pero walang sumagot.

Huminga pa ito nang malalim bago muling nagsalita.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na huwag niyo iyong bubuksan lalo pa't narito ang anak ko! Hindi niyo ba naisip kung ano ang posibilidad na mangyari? Alam niyo na iyon di'ba? Palagi ko pa bang sasabihin sa inyo?" Galit na galit na saad ni daddy.

Bigla akong kinabahan dahil sa tono ng pananalita niya.

"Ikaw Alliah!" Biglang saad ni daddy habang nakapamaywaang pa.

"Di'ba sinabi ko na sayong huwag kang pupunta sa kung saan-saan? Kailan ka ba makikinig ha?! Ibinibigay ko naman sa'yo lahat ah pero simpleng utos hindi mo magawa! " Galit na saad ni dad.

Wala akong magawa kundi ang yumuko na lamang.

Ansakit ng mga salita niya!

"Huminahon ka muna hon." Pilit na pinapakalma ni mommy si daddy.

"Paano ako magiging mahinahon? Paano kung biglang may mangyari sa anak natin? Pagsabihan mo yan!"

"S-sorry dad." Nauutal na saad ko.

Tiningnan niya lang ako at saka huminga nang malalim.

"Sa susunod na mangyari ito ay hindi ko na papalampasin!" Galit na saad ni daddy sa mga nurse at guards na naroon.

Makalipas ang ilang minuto ay napagdesisyunan ni daddy na paalisin na ang mga ito. Walang pasabi namang umalis si dad at malakas na isinarado ang pinto. Muli namang napayakap sa akin si mommy dahilan upang mabawasan ang kaba ko.

"Are you ok baby?" Pagtatanong ni mommy sa akin.

Agad naman akong tumango at mahigpit na niyakap siya.
Sobrang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nagtataka ako at kinakabahan sa mga nangyayari.

Bakit nagalit si dad ng ganun sa akin?

May mali ba akong nagawa?

---

"Ok ka lang ba talaga Iya?" Pagtatanong ni ate Siera sa akin habang kumakain kami.

Narito kami ngayon sa isang restaurant na hindi rin naman kalayuan sa ospital na pinanggalingan namin kanina. Hindi na sumama si mommy dahil kinaka usap pa nito si daddy tungkol sa nangyari.

"Oo naman ate!" Mayabang na saad ko habang inaayos ang mga pagkain na nasa table, panay kasi ang serve nila ng pagkain kahit hindi naman kami umoorder.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now