CHAPTER 65: EXCESSIVE DESIRE

81 54 1
                                    

Disclaimer: Para sa aking mga bibliophiles babies na nakakaranas ng pagkalungkot nais ko pong sabihin na ang chapter na ito ay naglalaman ng sensetibong parte. Maraming salamat at sorry sa inyo!

CLIERE POV'S

"Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko sa'yo?" Nakakalokong tanong niya habang inaayos ang suot niya.

Napapikit ako dahil unti-unti niyang inilalapit sa mukha ko ang katawan niya at nanggigigil akong hinalikan.

Narito ako ngayon sa parking lot at halos makita na ang katawan ko dahil sa lalaking muntik ng gumahasa sa akin. Pagkatapos kasi ng klase ay agad na akong nagpunta sa bar para magpalamig pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.

Sana pala hindi na lang ako nagpunta rito?!

"T-tama na, p-please." Kinakapos na hangin na saad ko.

Hayop talaga siya!

Bakit ganito ang nararanasan ko???

Masyado na bang malaki ang nagagawa kong kasalanan!

Ito na ba ang kabayaran ko!

Makalipas ang ilang oras ay hindi ko namamalayan na nawalan na pala ako ng malay, nagising na lang ako na nasa isa akong kwarto.

"Ano bang nangyari?" Umupo ako at hinawakan ang ulo ko dahil sa biglaang pagkirot nito!

Napayakap ako sa aking katawan at napapikit nang biglang bumukas ang pinto.

"Tama na please. Layuan mo na ako!!!" Humagulgol ako sa iyak. "Tigilan mo na ako!" Pagmamakaawa ko pa.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita.

Siya iyong nakita kong lalaki na nandoon sa parking lot, ang lalaking tumulong sa akin... "Naku, huwag kang matakot sa akin." Bahagya siyang naalarma dahil sa mga sinabi ko.

"Anong nangyari? Bakit ako naririto?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Dinala kita rito pagkatapos kong bugbugin 'yung lintik na iyon!" Galit na saad niya at napansin kong napakuyom siya ng kamay. "Nga pala, dinalhan kita ng pagkain. Papunta na dito ang parents mo pati na rin ang mga pulis para imbestigahan ang nangyari kaya't kumain ka ng marami. Lakasan mo lang ang loob mo! Sabihin mo ang totoong nangyari. Huwag kang makakalimot ng kahit anong detalye sa nangyari. Naiintindihan mo?" Agad naman akong tumango kahit naguguluhan sa mga pinagsasabi niya. "Sige, aalis na ako." Saad niya at saka lumabas na ng kwarto.

Bakit ganun ang ikinikilos niya?

Masyado ba siyang concern sa akin or nagfe-feeling lang ako?

Napapaisip tuloy ako sa mga nangyayari pero ngayong ayos na ang sitwasyon ko ay dapat ko siyang pasalamatan.

Tama!

Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya! Hindi ko rin natanong ang pangalan niya!

Napatingin ako sa pinto kung saan siya lumabas kanina.

Sino kaya ang lalaking iyon?

Sa ginawa niyang pagtulong kanina ay parang gusto ko na siyang makilala! Sana lang magtagpo ulit ang landas namin.

Muli kong naalala kung paano ako ginahasa ng lalaki. Akala ko nagbibiro lang siya noong una kaya't pumayag ako na makipaghalikan sa kanya, nadala na rin ako ng alak.

No one notices my pain, my tears, my sadness but they always notice my mistake... 'Yun ang sinabi ko sa kanya. Ang sabi niya naiintindihan niya ako, naging mabait siya sa akin hanggang sa ginawa na niya ang gusto niya! Akala ko maswerte na ako dahil may taong nakakaintindi sa akin... Pero nagkamali ako! Ang t*nga ko!

Ginawa niya akong laruan... Pinilit niyang hubarin ang mga suot ko sa lugar na iyon hanggang sa galawin niya ang pagkababae ko at gawin ang gusto niya... H*yop siya! Wala siyang kwentang tao!

Pinilit kong tumakbo ng mga oras na iyon pero wala na akong nagawa!

Sh*t!

I was raped. Someone's raped me... But this guy saved me!

***

ICONIC LINE

CLIERE: I was raped. Someone's raped me... But this guy saved me!

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now