CHAPTER 24: ABOUT HIM

110 61 16
                                    

AARON POV'S

Simula nang magmulat ako ng aking mga mata kanina ay naramdaman ko ang isang matinding sakit sa aking ulo. Para bang may mabigat na pabigat na tumitibok-tibok sa loob ng aking bungo, na nagdudulot ng hindi matiis na sakit. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang pakiramdam ko, lalo na't wala naman akong maalalang nangyari bago ako nakatulog.

Nagulat ako nang magising at makita ang aking sarili na nasa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi ko agad natanto kung saan ako, hanggang sa napansin ko ang mga medical equipment na nakapaligid sa akin.

Nasa hospital pala ako!

Hindi ko maalala kung paano ako napunta rito.

Ano ba talagang nangyari at bakit ako narito sa hospital?

Bigla akong napalingon kay Iya, na kamakailan lamang ay nagising rin. Naghihikab pa siya, na tila wala sa kamalayan na nasa hindi pamilyar na lugar siya, parang nasa kanyang sariling tahanan lamang.

Sa aking kanang paningin, naroon naman si Yesha na tila ba malalim pa rin ang kanyang pagkakatulog.

Hindi ko mapigilang mapansin ang kanilang mga suot na damit, partikular na ang kanilang suot na dress.

Napansin ko ang kanilang mga dress. Pareho silang nakasuot ng dress na may magkakaparehong disenyo pero magkaiba naman ng kulay.

Ang mga damit na ito ay hindi pangkaraniwang damit na isusuot sa isang araw-araw na okasyon. Tila ba sila ay naghahanda para sa isang espesyal na okasyon o kaya'y kakagaling lamang sa isang mahalagang event.

Napatanong ako bigla sa aking sarili.

Bakit sila magkaparehas ng suot na damit?

Ano ito, couple???

Pumapatol ba si Iya sa babae?

No! Sa akin lang dapat! HUHUHU!!!

Bakit kapatid ko pa???

Bigla akong napa iwas nang tingin ng magtama ang mata naming dalawa ni Iya.

"R-radish! G-gising ka na?" Natatarantang tanong niya.

Tumango ako sa kanya bilang sagot.

Ano ba naman klaseng tanong 'yan?

May tulog ba namang mulat?

Walang pag-aatubiling ginising niya si Yesha, na agad namang nagmulat ng kanyang mga mata. Sa sandaling iyon, agad siyang napayakap sa akin, habang ang kanyang mga luha ay unti-unting bumabagsak sa kanyang mga pisngi. Ang kanyang mga hikbi ay tila musika sa aking mga tainga, isang awitin ng kalituhan at pag-aalala na hindi ko mapaliwanag.

Samantala, si Iya ay biglang tumakbo papunta sa labas ng kwarto. Habang tumatakbo, naririnig ko ang kanyang mga sigaw na "Nurse! Nurse!" na tila ba isang desperadong panawagan para sa tulong. Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na nagpaparinig ng parehong tunog. Ang bawat sigaw niya ay nagpapangiti sa akin na tila ba ay magaling na ako kahit walang doctor at nurse na dumating.

Nang makabalik siya sa loob kasama ang doctor at nurse ay mababakas sa itsura niya ang labis na pag-aalala.

Habang may chini-check sa akin ang mga nurse at doctor ay napatingin ako kay Iya.

Bakit kailangan niyang magsuot ng ganyang dress?

Alam ba niya na sobrang ganda niya?

'Yung ganda niyang hindi nakakasawang titigan?

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now