CHAPTER 58: ASSURANCE

94 52 2
                                    

I'm always dreamin' of being in love

But now I know that this is true

Since you came into my life

It's true love that I had found

Aaminin kong may nararamdaman din ako sa kanya pero hindi katulad nang nais niya.

Ayokong magbigay ng hindi sigurado.

Ayoko na sa huli ay ako lang din ang magsisisi dahil kulang-kulang ako kung magbigay ng feelings sa ibang tao. Dapat kasi exact, dapat sigurado.

Hyst, ang hirap naman ng ganito!

Marami nang nagtapat ng nararamdaman nila para sa akin pero bakit kay Aaron ay kakaiba?

Siguro ay dahil napalapit na rin ako sa kanya. Wala yatang araw na hindi ko siya nakakasama, kung mayroon man ay nagagawa niya pa ring mag-text, tumawag at makipag-videocall sa akin kapag hindi ko siya kasama na nagdudulot sa akin ng tuwa at inis.

Hindi ko maiwasang isipin ang una naming pagtatagpo sa mall na kung saan ay natapunan ko siya ng poster paint sa damit. Iyon ang unang pagtatagpo naming dalawa na hiyang-hiya ako.

Ang sumunod naman naming pagtatagpo ay noong lumipat siya sa aming room para maging kaklase.

---
"Good morning everyone!"

"Good morning again ebe-ri-one"

"I'm Aaron Garcia. The cutiest man here in BMU. Thank you." Sabi nito at nag-bow pa.
---

Ang pagpasok niya sa room namin na talagang napakalakas ng dating.

Ang pagyayabang niyang siya raw ang 'the cutiest man in the BMU'.

---
"Free ka ba mamaya?" Malambing at nakangising tanong niya. Sa sobrang lapit niya sa akin ay naaamoy ko na ang mint na nginangata niya.
---

Ang paglapit niya sa akin para tanungin ang pangalan ko at kung 'free ka ba mamaya? May pag-uusapan tayo.'

Ang ilang kilometro niyang layo sa mukha ko at ang pagsampal ko sa kanya. Napatawa ako at para bang umulit sa isip ko ang ginawa kong pagsampal sa kanya. Malakas iyon kaya't sigurado akong nasaktan siya.

Hayy, 'yung lahat ng pangyayaring iyon ay tila isang magandang regalo para sa akin. Nakakatuwa lang dahil noong nakaraan ay sinasabi ko pa na hindi ko iyon gustong balik-balikan pero eto ako ngayon, nag-iisip ng mga nangyari sa amin.

---
"Totoo naman e. 'Yung first meet natin ang ayoko ng balikan kahit kailan."

"Bakit naman? 'Yun nga ang pinaka-memorable para sa akin dahil kung hindi tayo nagkakilala ay walang magda-drive sa'yo ngayon... Evol."
---

Makalipas ang ilang oras ay natapos na siyang kumanta kaya't pinagpalit ko na siya ng damit and after that ay dumiretso na kami sa kotse dala ang pinamili ko.

"Mamaya tayo umalis." Saad ko sa kanya pagpasok niya sa kotse.

Kinuha ko ang wipes na nasa bag ko at tinanggal ang makeup na nasa mukha niya.

"Evol, huwag kang masyadong sweet. Mas lalo akong umaasa e." Saad niya, alam kong nasasaktan siya.

"Kailangan mo pa ring umasa."

"Oo, alam ko na 'yan evol. Pero sana huwag kang magbigay ng motibo na para bang kaya mo rin akong mahalin. Nasasaktan ako." Malungkot na saad niya.

"I-im sorry."

Kailangan ko munang maging sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko munang hanapin ang totoong feelings ko... Kung kanino baa talaga ito tumitibok.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now