CHAPTER 31: VIP ROOM

106 54 2
                                    

AARON POV'S

"Anong nangyari kuya?" Nagtatakang tanong ni Yesha ng lumapit ito sa akin.

Narito parin ako sa likod ng hospital, kung saan bigla akong iniwan ni Iya.

Ano na kayang nangyari sa kanya?

Bakit kailangan iwanan ako ni Iya dito?

Tsaka bakit kailangang siyang hilahin ng ama niya?

Bakit parang galit na galit si tito?

Ano bang nangyayari???

"Bakit nandidito ka?" Pagtatanong ko kay Yesha.

"E sabi kasi ni tita ay puntahan kita. Kailangan rin nating bumalik sa room mo dahil ila-lock na nila ito."

"Bakit kailangang i-lock?" Nagtatakang tanong ko.

Maganda ang lugar na ito at masarap ang hangin dito. Ano ba talagang nangyayari?

"Hindi ko din alam kuya, basta ang sabi ni tita ay ila-lock muna ito hangga't naririto si Iya mong maarte." Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"Anong sabi mo? Sinong maarte?" Pag-uulit ko sa huling sinabi niya.

"Si ghurl mo."

"Ano ba Yesha?! Umayos ka nga ng pananalita mo?" Galit na saad ko sa kanya pero tinarayan niya lang ako. "Bakit ba ayaw mo kay Iya ha?!"

"Basta, ayoko lang." Sagot niya.

Hindi ko na siya pinansin pa.

May dahilan naman siguro siya kung bakit ayaw niya kay Iya pero sana naman ay huwag niyang pagsalitaan ng masama si Iya dahil sobrang bait niya... Pero ano bang meron sa lugar na ito para pagbawalan ng mga magulang niya si Iya, my evol?
Jusko!

Sobrang gulo na ng isip ko tapos madadagdagan pa ng ganito! Bakit???

"Tara na nga lang." Napipilitang saad ko, kahit ayaw kong makaalis sa lugar na ito ay wala na akong magagawa lalo pa't may mga bodyguard na nagsisimula ng dumating.

Nag-umpisa naman akong maglakad habang inaalalayan ako ni Yesha.

Matapos ang mahabang paglalakad ay kapansin-pansin na mas dumarami ang bodyguards na naroon lalo na ng papunta na ako sa room ko.

Anong meron?

Anong ganap today?

Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na lang ako sa loob.

Dahan-dahan akong inihiga ni Yesha sa hospital bed at agad naman siyang naghanda ng pagkain.

"Kamusta na ang paa mo kuya?" Pagtatanong ni Yesha habang inaabot sa akin ang pagkain na hinanda niya.

"Ok lang naman... Nga pala, nasaan si Emman? Bakit hindi mo kasama?" Pagtatanong ko matapos sumubo ng ilang pagkain.

"Bigla siyang umalis kanina eh, kakausapin daw siya nila tita."

"Babalik din ba sila agad?"

"Aba'y ewan ko! Kapag dumating e d bumalik."

"Tsk! Sana bumalik agad siya para may makausap naman akong matino dito, hindi 'yung puro na lang---" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong napalingon sa bintana at nakita kong dumaan ang daddy ni Iya habang may kausap itong isang lalaki na kasing tangkad niya rin.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now