CHAPTER 66: BLOW WITH THE FIST

86 51 6
                                    

SKYLER POV'S

Pagpasok ko pa lang kaninang umaga ay nakapa-ingay na at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang issue tungkol sa gaganaping event. Halos lahat na yata ng nasa classroom na ito ay iyon ang laman ng utak.

"Excited na ako!"

"Ako rin! For sure, mananalo ang AlRon loveteam natin!"

"Sure 'yan!"

"Mananalo ang EDUC department!!"

Nakakainis!

Mukhang nalalamangan na ako ni Aaron ngayon! Bukod sa magka-partner sila as our department representative ay halos palagi na silang makasama.

Alas dos na ng hapon pero hindi ko man lang makausap si Iya at tanging ngiti lang ang ibinibigay ko sa kanya dahil sa Aaron na 'yun!

Una, magkasabay silang kumain, pangalawa, naging magka-group pa sila sa ibang subject, at pangatlo sa tabi ni Iya umuupo si Aaron tuwing walang teacher! Hysst!

Okay lang ba kay Iya na ganun ang ginagawa niya?

Okay lang ba sa kanya na palaging nakabuntot sa kanya ang lalaking iyon?!

Bakit???

"May i go out, sir?" paalam ni Aaron kay sir Jello na masayang nagtuturo.

"Sige, alis na agad." Sagot ni ma'am na naabala ang pagkukwento niya.

Sinundan ko ng tingin si Aaron hanggang sa makalabas ito ng room.

Mas lumamang ba siya ng ilang paligo sa akin?

Hindi naman di'ba?

Tsk!

"Sir, sorry to disturb you but can i go out?" Tanong ko kay sir.

Tinanguan niya lang ako kaya lumabas na ako. Hindi ko naman talaga balak na mag-cr, ang gusto kong gawin ngayon ay kausapin si Aaron tungkol sa kung anong meron sila ng Iya ko!

Pagpasok ko ng cr ay saktong palabas na si Aaron kaya humarang ako sa daraanan niya.

"Huwag ka naman feeling bata. Dito mo pa talaga gustong makipaglaro e." Pabirong saad niya.

"Hoy Aaron!" Hinawakan ko siya sa kwelyo. "Layuan mo si Iya!"

"Kasama ko ba siya ngayon?" Nakangising tanong niya na mas ikinainis ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan."

"Pwes, ako rin."

Bigla ko siyang sinuntok dahil sa inis ko.

"Ano bang meron sa inyong dalawa?!" Galit na tanong ko.

"Wala kang alam sa nangyayari." Sagot niya bago ako sinuntok sa mukha.

"So, may ibang nangyari?!"

"Kitid ng utak mo, hindi ganoong tao si Iya!"

"Mas lalong makitid ang utak mo! Alam mo ng ayaw sa'yo ng tao, lapit ka pa rin ng lapit."

"Ganun ka rin naman noon di'ba?!"

"Hayop ka! Huwag mong idamay ang nakaraan."

Hinawakan ko siya nang mahigpit sa kwelyo.

"Matagal ko ng gusto si Iya, kaya layuan mo siya!" Mariing saad ko sa kanya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now